Chapter 19 Enough is Enough

85 1 0
                                    

Ara's POV

Kasalukuyang hinahatak pa rin ako ni Jared papuntang classroom nang may mabangga ako. Hindi ko na kailangang makita kung sino un sapagkat sa maarteng boses pa lang nito ay kilalang kilala ko na. Pumasok na pala sila ulit.

"Ouch, what the hell?" nakakairitang wika nito.

"I'm sorry Natalia, hindi ko sinasadya." hinging paumanhin ko kay Medusa a.k.a Natalia. Okay, I admit, madami akong tawag sa kanya. Hindi sa bitter ako pero dahil sa ugali naman talaga niya na mala-ahas.

"Oh, it's you. Alam mo, hindi ka lang pala manggagamit, tanga ka din pala."

Medyo may mga nakarinig sa patutsada niya sa akin. Sa lakas ba naman ng boses ng babaeng 'to, bingi na lang ang hindi makakarinig pa. Iyong iba sa mga nakarinig ay nakita kong nagkibit balikat lang pero may mga mangilan ngilan din na tumawa at tila ba sinasabing buti nga sa kanya.

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya un kaya hindi agad ako nakasagot. Subalit itong katabi ko ay gutom ata sa away at siya itong biglang sumabat.

"Ang OA mo naman, didn't you hear her say sorry to you?" pagalit na sagot ni Jared sa kanya.

"And you are? Hmmm... Let me guess, you are the next victim of this user, eh?"

Napapikit na lang ako sa sakit at sobrang kahihiyan. Saka para na din pigilin ang pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman kong sasabat pa sana si Jared nang biglang may nagsalita nang "Enough" sa ma-awtoridad na boses.

Kilalang kilala ko ang nagmamay ari ng boses na un. Kahit manatili pang nakapikit ang mga mata ko.

"Oh, so now kinakampihan mo na ang babaeng 'yan matapos ang lahat ng ginawa niya sa'yo ha Jake? You're unbelievable!"

Gusto kong makita ang reaksyon niya kaya unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Pagdilat ko ay nakita kong matiim siyang nakatitig sa akin. May nakikita akong konting lungkot pero mas nananaig pa din ang galit sa mga mata nito.

Ang sakit lang malaman na ganoon na pala ang pagkamuhi niya sa akin dahil parang nakita kong kumuyom ang kamao niya at umigting pa ang kanyang panga. Tapos umalis ang kanyang tingin sa akin papunta sa mga kamay ni Jared na kasalukuyang nakahawak na pala sa kamay ko. Ayokong umasa at mag feeling na nagseselos siya dahil siya na mismo ang nagsabi sa akin na after that incident, I will mean nothing to him.

After ng saglit na katahimikan ay bigla na lang siyang nagsalita ng mariin. "I said enough, Natalia! Let's go. I don't want to be late for class."

"Fine. Pero hindi pa tayo tapos babae ka." Pa-parting words pa sa akin ng impaktita tapos sabay silang umalis. Pagkaalis na paglaalis nila ay sabay baling sa akin ni Jared.

"Are you okay Celine? That woman is unthinkable. Kung hindi lang siya babae, I would've strangled her until she passes out. Pero teka, asan na ang Celine na palaban na nakilala ko noon ha?"

"Yeah, I'm fine, I think. Pero hayaan mo na, pagod na ako sa gulo. Diba sabi mo nga sa akin noon, kung sino ang may kakayahang umintindi ay siya na lang ang gumawa? Konting pasensiya pa siguro Jared hangga't hindi niya ako sinasaktan physically. Buti na lang at hindi natin sila kaklase. He must have hated me that much na nagpalipat pa talaga siya sa ibang section."

"Wow, naalala mo pa pala iyon? Ang galing ko pala magpayo ano? Pwede ko na ata palitan si Papa Jack. Ahaha." pag-iiba nito sa usapan.

"Ikaw talaga nagawa mo pang magbuhat ng bangko. Pero salamat ha." Sabay yakap ko sa kanya. Sa gilid ng mga mata ko parang nakita ko ata si Jake na nakamasid pa sa amin pero hindi ko sigurado dahil ngayon ay nagmamadali na namang maglandasan ang mga pesteng luha sa aking mga mata.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Where stories live. Discover now