Chapter 47 Letting Go

104 2 0
                                    

Ara's POV

May nangyari sa amin. Masaya ako. Napatunayan ko sa sarili ko na mahal ko pa talaga siya. Don't get me wrong ha. Minahal ko ng totoo si Jared. But after what happened to me and Jake, I realized na I never stopped loving him pala. Siguro natabunan lang ng lahat ng sakit at sama ng loob ang nararamdaman ko para sa kanya pero it has always been there. People may judge me now, pero masasabi ko na si Jared ay never kong ginamit as panakip butas lang. Alam ko sa sarili ko un at mapapanindigan ko talaga. Natutunan ko siyang mahalin sa paraang alam ko. Siguro hindi nga lang ganoon katindi nung pagmamahal niya para sa akin but I genuinely did.

Kaya lang ang bumabagabag sa akin ngayon is paano ko naaatim na maging masaya sa kabila nang panloloko kong ito kay Jared? Ganun na ba talaga ako kasama at kawalang puso? Siguro I need to talk to him. I need to clarify things bago ko ma-settle ang real score sa amin ni Jake. Kaya nakapagpasya na ako. Pupuntahan ko si Jared sa Cebu.

Iniwan kong mahimbing pa na natutulog si Jake. Nahirapan pa ako kasi nga pinunit ng walangiya ang mga damit ko. Buti na lang at sobrang aga kong nagising kaya nakapuslit ako sa kwarto ko ng walang nakakakita. Alam kong ito ang nararapat kong gawin dahil ayaw ko munang mag-usap kami habang magulo pa sa amin ni Jared ang lahat. I need to let Jared know about how I feel. I also have questions that needs to be answered. Kung bakit siya tila nanlamig sa akin? Kung bakit lagi siyang walang panahon na kausapin ako? All that stuff. Hindi ako magiging masaya nang lubusan while there are certain things in my life that remains unsettled.

----------------------------------------

Andito na ako ngayon sa eroplano papuntang Cebu. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jake kung saan ako pupunta dahil tiyak kong gulo lang. Nag-iwan na lang ako ng sulat bago umalis na I'm taking a week off. Hindi rin alam ni Jared itong pagpunta ko. I just asked Mr. De Leon kung saan ang tinutuluyan niya doon. Una nag-aatubili pa itong ibigay pero nang sinabi ko na I will surprise him, he willingly obliged din naman kinalaunan.

***After almost two hours****

Kakarating ko lang dito sa Condo ni Jared. Kinakabahan ako. I don't even know where and how to start. Paano kaya kung huwag na lang?

"Ara kahit kelan, utak gisantes ka talaga. You flew all the way from Manila at kung kelan asa labas ka na nang pintuan niya, saka ka aatras?" Parang baliw na kastigo ko sa aking sarili. Kakatok na sana ako ng may marinig ako na nag-uusap sa loob.

"Babe, nakausap mo na ba si Ara?"

"Hindi pa Babe kasi naghahanap pa ako ng tamang tiyempo."

Sh*t lang. Nasa tamang address ba ako? Pero hindi eh. Boses un ni Jared at narinig ko ang pangalan ko. But who is he talking to? Saka bakit Babe ang tawagan nila? Lastly, bakit parang pamilyar pati ung tinig ng babae sa akin?

"Ara, hindi masasagot 'yang mga katanungan mo kung tutunganga ka lang diyan." Napapraning na ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Kaya naman, dahan dahan kong pinihit ang seradura, buti na lang at hindi ito naka lock. Kung may ginagawang milagro ang mokong na ito ay hindi man lang nag-iingat. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, siyang laking gulat ko naman nang mabungaran ko si Jared na kayakap si Jessie, ang kaibigan ko (o kaibigan ko pa nga bang maituturing), sa may sofa. Tila hindi lang ata ako ang nagulat dahil pagkakita na pagkakita nila sa akin, ay sabay sila nagwika ng.



































"Friend?"

"Celine?"

"What's the meaning of this Jared? Kaya ba lately hindi mo na ako kinakausap? Kaya ba bigla ka na lang nanlamig sa akin?" tanong ko dito. Hindi ako galit ha, swear. Somehow I felt relieved pa nga eh but I just need answers.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Where stories live. Discover now