Chapter 2- The Confrontation

211 5 0
                                    

Ara's POV

Ang laki ng eyebags ko. Hindi man lang ako nakatulog masyado kakaisip kaya gumayak na lang ako para makapasok sa school. Hindi na nga maganda ang umaga ko mas lalo pang nadagdagan nang paglabas na paglabas ko ay may hindi magandang tanawain akong nasilayan. To say I was surprised is an understatement.

"Waaa, what are you doing here? I thought you said you're not my stalker but why do I feel like you're following me around?" sumbat ko dito.

"The nerve. Masyado naman ata mataas ang tingin mo sa sarili mo Miss. Saka pwede ba? Will you please shut your mouth or I'll be the one to shut it for you? Ke aga aga ang dami dami mo nang kuda diyan." iritable nitong tugon sa akin.

Doon ako natameme sa sinabi niya. Hindi lang dahil sa gulat kundi pati na din sa inis."Hindi ka lang pala stalker, manyak ka pa." sabay hampas ko sa kanya ng mga dala kong libro.

"Daf**k!!! I am not following you around because I live here. Goddamit!!!" galit na wika nito.

Again, shock was written all over my face since it was my first time to see him dito sa subdivision simula ng lumipat kami ilang taon na ang nakakaraan.

"Huwag mo nga akong pinagloloko ha, matagal na ako dito at ni minsan ay hindi man lang kita nakita. Kahit na animo mo pa, WALA!!!" saka ko ulit siya pinaghahampas nang pinaghahampas.

Kaagad naman niya akong hinawakan ng mahigpit sa sobrang pagka-asar niya sa pinaggagawa kong paghampas sa kanya. "It's because I just arrived from the States, stupid!"

Pagkawika nun ay natakot naman akong bigla sa tono ng pananalita niya kaya nagpumiglas ako. Trying my best to get away from his hold is all I can think of but all my efforts remained futile dahil sadyang malakas ito.

"Stop it Peabrain or else you'll regret it. Nakakarami ka na talaga sa akin." Him in his threatening voice.

Bigla akong natuliro kasi mukhang nanggigigil na siya sa asar kaya tumigil na ako at nagtanong na lang.

"Bakit ba Peabrain ka ng Peabrain ha?!!!"

He just shrugged his shoulders and said, "Aside from the fact that I don't know your name? I just like it. Besides, it suits you."

Namumula na ako sa inis. "Argh!!! I have a name and its Ara Celine Marasigan, you dimwit."

"At ako pa talaga. Are you really that dumb or good in playing the part? Tss. They said you're a nerd and as far as I know nerds are intelligent but you're the exact opposite."

"What the hell are you saying?" nagugulumihanan kong tanong sa kanya.

"It's plain and simple, I think you're stupid because you were not smart enough to not give me your name. And boy, I am telling you, now that I already know your name, I can easily make you pay. Take that in mind." pasimpleng sabi niya na yumanig sa buong pagkatao ko. At saka niya ako iniwan na nakahandusay sa sahig. Biro lang. Iniwan niya lang naman ako na nakatulala.

I remained like that for 5 good minutes. Tapos ng mapagtanto kong dapat ay kumilos na ako ay wala pa din sa sarili akong naglakad papuntang school.

"Ara, ano na naman ba ang nangyari sa iyo ha?" Tanong sa akin ni Jessie pagkadating na pagkadating ko na may bahid ng pag-aalala. Hindi kami classmates ngayon pero natiyempuhan niya ako sa may corridor.

At dahil sa wala na din naman akong choice ay ikinuwento ko na lang sa kanya ang lahat. Sa sobrang intense pa nga ng nararamdaman ko ay nagbreakdown ako sa harap ng kaibigan ko eh.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Where stories live. Discover now