Chapter 4 The Deal

164 2 0
                                    

Ara's POV

Hindi ko namalayan na na-coma pala ako ng slight at napansin ata ni Mr. Santillan na malalim ang iniisip ko kaya nagsalita itong muli. "Didiretsuhin na kita Ara, I want you to make my Son fall in love with you."

Bigla akong nabulunan ng sarili kong laway sa tinuran nito. And my jaw did literally drop upon hearing those words. Bakit hindi na lang kaya si Kupido ang utusan niya tutal naman trabaho niya un? He is really out of his mind. Matindi na ang epekto ng katol sa sistema nito. Ganoon ba ito ka dense para hindi mapansin na halos maging kriminal na ako sa tuwing nakikita ko ang anak niya tapos he is pulling this kind of stunt pa? At hindi ba niya alam na kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakakadaupang palad ko ang ungas na un? Not to mention that I really can't stand his Son's guts, let alone be with him in one place, tapos may pa "make my Son fall in love with you" pa siyang nalalaman. Nawala na ata sa katinuan itong matandang 'to. #KatolPaMore

"Mawalang galang na po and I am sorry na din pero I don't think I can do just that. Hate me if you will but I don't want to be anywhere near your Son. I don't like his mere existence. I don't even like to share the same air with him. That's how I dislike your son, Sir. Paano ko masisikmura na paibigin siya sa akin kung sa tuwing nakikita ko pa lang siya ay nais ko na siyang paslangin? Saka ni wala pa po akong experience sa love love na 'yan. Never pa akong nagka boyfriend kasi wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Wala po sa bokabularyo ko ang lumandi kaya I am respectfully declining your proposal." madamdamin kong wika sa kanya na hindi naman niya pinansin but instead uttered words that made my soul shiver in fear.

"How much do you value your scholarship Hija?" 

"With all due respect po Sir, are you threatening me?" sagot ko naman sa kanya.

"Call it whatever you like Ara, but I'm desperate. Gusto ko lang bumalik sa dating sigla ang anak ko. Gusto kong malaman niya na maganda pa rin ang buhay despite all he has been through at mangyayari lang un if may magpapakita sa kanya na bukod sa akin ay may tao pa na kaya siyang mahalin kahit na may malalim na sugat na iniwan ang nakaraan niya sa kanya. Please help me mend his broken heart. At isa pa, natatakot ako dahil narinig ko na malapit nang bumalik si Natalia. Ayokong magulo ang utak at masira na naman ang buhay ng Anak ko ng dahil sa kanya."

Ngayon hindi lang si Kupido ang aagawan ko ng trabaho. Pati ang mighty bond na din. Please help me mend his broken heart daw eh.

"Hindi ko po alam kung paano gagawin un. I just can't. However, to answer your question my scholarship means a lot to me Sir since it is my only chance to give my family a better life. Kaya huwag niyo naman po sana gawing pamblackmail sa akin un." naiiyak ko nang wika dito. Terno talaga sila ng ugali ng magaling niyang anak. Mahilig mamblackmail.

"I'm really sorry Hija. Gaya mo, I would do anything for my Son. He is all I got. Kaya kahit labag man sa loob ko na manggipit ng tao, nakakaya kong gawin." so sa lagay na ito ay labag pa talaga sa loob niya ha? Hiyang hiya naman talaga ako. Malapit na akong sumabog. Ang sama na ng tabas ng dila ng utak ko eh. Kung ano ano na naiisip ko. Nagmumukha na akong balahura.

"Bakit po ako? Marami namang iba diyan?" may pagsukong tanong ko dito. Hindi ko tuloy matiyak kung gandang ganda ba ito sa akin at ako ang napusuan niyang ibugaw sa mahangin na lalaki na tinatawag niyang anak o wala lang talaga siyang choice.

"Marami nga Hija pero ikaw lang ang bukod tanging nakakasagot nang ganoon sa Anak ko. Ikaw lang ang may lakas ng loob na labanan siya kasi karamihan ay tiklop sa kanya. And let me tell you this, that's the first step. Ayaw na ayaw niya kasi na may lumalaban sa kanya and because of what you did, you have captured his attention."

So sa dami ng banas ko sa bwisit na un ay first step pa lang un? Anak ng tupa naman, hanggang ilang steps kaya un? Baka kapag natapos na ang lahat ay matulad na ako kay Sisa.

"I am begging you Ara, please help me." pagsusumamo nito sa akin.

At nakita kong nag uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya and it had moved me in more ways than one. I have always seen Mr. Santillan as the strong one. May pagka strikto at laging seryoso pero ngayon, ay handa niyang ibaba ang pride niya para lang sa Anak niya.

At sino ba naman ako para deadmahin ang pagmamakaawa niya. Kaya naman pikit mata akong tumango sa kanya. And with what I did, I saw his eyes flickered with happiness.

"Thank You Miss Marasigan, tatanawin kong isang malaking utang na loob ito sa'yo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Thank You Miss Marasigan, tatanawin kong isang malaking utang na loob ito sa'yo. And in return, I am ensuring you a 4 year scholarship for any course in College and in any University you like. I'll even include your monthly allowance and provide you with a condo."

"Naku Sir, sobra sobra na po un." tanging nasabi ko na lang kasi nayayamot na ako. Ang dami ko na kasing trabaho. Pati gold-digger aagawan ko pa ng eksena.

"Don't mind it Hija, walang wala pa iyan kumpara sa pabor na gagawin mo para sa akin."

Humahalukipkip akong umalis sa opisina ni Mr. Santillan. Pumayag ba talaga ako? Paano na ako ngayon? Anong gagawin ko para mapaibig ang mayabang na un? Mukhang matigas pa sa bato slash metal ang puso nun eh. 

Kung bakit naman kasi hindi itinuturo dito sa paaralan nila ang Flirting101. Pahihirapan pa ako talaga. Ang gwapo niya ha. Pageeffortan ko pa talaga siya.

On the other hand, naisip ko din naman na kapag nagkataon ay wala ng poproblemahin pa sila Mama sa pagtungtong ko sa College at makakatulong pa ako.

Tama, un nga dapat ang isipin ko. Nababaliw na ako. My gut can't take it pero I have no choice. So I really need to console myself kasi I am about to do something not only against my will but also against my morals. Naku, Mr. Yabang kung hindi lang talaga sa tatay mo at sa mga pinangako niya sa akin, nunca kong gagawin ito.......
















"This is suicide!!!"

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Where stories live. Discover now