3

3.1K 71 4
                                    

George POV

Please heart tumigil ka na sa pag tibok mo ay mali hahaha wag kang titigil kase mamamatay ako kumalma ka lang please. 

Eto ako ngayon naglalakad palabas ng building habang pinapakalma ang puso kong hindi parin maka recover sa nangyari kanina. 

Sa tinagal tagal na ba hindi ako nakaramdam ng ganoong klase ng pakiramdam kaya ka nagkakaganyan ha?  Hoy puso ko sumagot kaaa!!! 
Wala parin ako sa sarili kong katinuan ng marating ko ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko.  Huh!!  Georgina magisip ka ng paraan para mawala sa isip mo yung nangyariii!!!

Dali dali kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni mama.  Habang nagriring ay pumasok na ako sa sasakyan.

"Hello ma! "
"Oh napatawag ka.  Teka asan ka na? "
"on the way palang po.  Sige ma bye antayin nyo nalang ako jan byebye"
" sige bye ingat sa pag mamaneho ah"  pag kasabi ni mama nun ay agad ko ng inistart ang engine at tuluyan ng umalis.

"Hi ateeee!!! Imissyouuuu!! " salubong agad ng Nakababata kong kapatid na si Rafael.

" i miss you too. Asan si mama?? " tanong ko sakanya sabay turo nya sa direksyon patungong kusina

"Tawagin mo na ng maka alis na tayo bilis!! Excited na din akong makita si baby krel eh" utos ko sakanya sabay takbo papuntang kusina para tawagin si mama.

Mga 30 minutes din ang byahe bago kami nakarating sa bahay nila kuya ko.  And guess what!! Nilapirot ko agad ang pisngi ng napaka cute kong pamangkin!!  Huhuhuhu ang cute cute talaga ni krellll!!!!

Habang nasa byahe kami pauwi. Bigala naman nag aya tong si mama na mag shopping daw kami at gusto nya daw kasi ibili ng bagong damit si krel.  Ako din naman gusto kong bilan si krel kaya eto nandito na kami ngayon sa parking lot ng sm

"George kargahin mo nga muna si krel at nangangawit na ko. "

Mama naman kasi kanina ko pa kasi sinasabihan na magrent nalang kami para dun na isakay si krel eh ayaw talaga. Kahit kaylan talaga napaka kuripot ni mama.  Hahahaha

Tingin dito tingin doon. Bili dito bili doon.  Yan ang ginagawa namin hanggang sa mapag pad kami sa market. Hayst salamat natapos din bilan ng mga damit tong si krel.  Its my turn. Ako naman ang mamimimili ng para saakin.

Si mama na muna ang naghawak kay krel at ako naman ay busy sa pagpili ng mga makakain.

Bat naman kasi ang taas ng pinaglalagyan ng chocolate na yun hindi ko maabot ano bayan. Kahit anong pilit kong tingkayad hindi ko talaga maabot eh.

"Ilan ba nito ang kaylangan mo? " wtf para kong naestatwa at napako sa kinatatayuan ko. Familiar na familiar ang boses ng lalaking to. Hindi talaga ko maka galaw kasi naman kase nasa likod ko sya omy heart kumalma pleaseeee!!!

"Hey.  I'm asking you. Ilan ang kaylangan mo nito." pag uulit nya sa tanong nya

"Mga 3 packs. " nagulat ako ng bigla nyang itigil ang pagkuha sa pack nung chocolate at tumingin sya sakin.

"Ow Miss DELA VEGA  ikaw pala yan. "

Oo ako nga to kaya umali alis ka na jan sa likuran ko at baka masapak pa kita.

"Yeah it's me.  So can you please get me 3 packs of that chocolate"?
Pagkasabi ko non ay mahina syang natawa at ikinuha na ako ng chocolate packs

"Wala ka paring pinag bago. Ang hilig mo parin sa chocolates."  sabay abot sakin ng packs ng chocolate

"Thanks. Bye"

Agad na kong pumunta sa counter para ipa punch ang  binili ko at para maiwasan ko na din ang lintek na lhever na yun!!!

Karga karga ko ngayon si krel habang palabas kami ng store. Nangangawit na daw ulit kasi si mama. Ang tagal ko kasing mamili.  Napaiktad ako ng may biglang humawak sa braso ko.

Nilingon ko kaagad at...  Ano bang kaylangan sakin ng lalaking to.  Please naman lubayan mo na ko!! Kasi nakikipag karera na ang puso ko ngayon.

"Yes?  Anong kaylangan mo SIR? " may diin kong sabi sa salitang sir. 

"Anak mo?? " sabay lingon nya kay krel halatang may panghihinayang sa boses nya. Pero wala kong pake edi manghinayang ka.  Hindi ka din naman nanghinayang nung nawala ako diba?

"It's none of your business sir! " pagkasabing pagkasabi ko non ay nagmadali na kong lumakad paalis at sya mukang napako na sa kinatatayuan nya. 
Hanggang sa maka alis kami ng mall nila mama ay wala ni anino ni lhever ang nakikita ko.  God thanksssss!!

Nakahinga hinga ako ng maluwag ng makarating kami sa bahay at inayos na din namin ang pinamiling damit ni krel pati na ang mga gamit nito. 

Bigla nalang sumagi sa isip ko ang reaksyon ng muka nya nang sabihin ko sakanyang its none of your business!!! Tama lang siguro ang naging desisyon ko nang maisip nya na may anak na ako at para din hindi na sya tuluyang makapasok sa sistema ko at sa puso ko muli.

Married To My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon