4

2.9K 64 3
                                    

George POV

Tamang tama sunday bukas at walang pasok.  Astig nang pagkakaapply ko isang araw lang ako pumasok tas wala na agad pasok.

Natapos na din namin ayusin yung mga pinamiling damit ni krel at kakatapos lang din namin maghapunan. Tamang tama ang nilagay kong chocolate sa ref wahahaha pang midnight snack.

Bigla kong naisip na tumambay muna saglit sa duyan sa labas sa may garden para naman makapag relax relax.
Hindi ko na namalayan ang oras bat parang masyado akong nalibang sa pagtambay sa duyan na to habang iniisip ang mga nangyari kanina?? 

"George nakamove on ka na diba? Diba?? " para kong baliw na kinakausap ang sarili ko ng biglang unti unting pumatak ang ulan at dalidali akong tumakbo papasok sa bahay!!!

"Okay nakikisama talaga ang panahon."

Wala akong magawa ngayon kaya naman umupo ako sa salaset kinuha ang chocolates at nanood ng movie.

"Ate penge naman nya!! " napaiktad ako sa sobrang pagkagulat. Pano kasi bigla bigla nalang sumusulpot tong kapatid ko

"Ano ba nakakagulat ka naman ay bigla bigla ka nalang sumusulpot."

"Penge akoooo!! " pagkakuha nya ng chocolates nagpatuloy na kami sa panonood

"Rap si mama nga pala? Tulog na ba sila ni krel??" tanong ko habang nakatutok ang mata sa tv

"Kanina pa tulog ate.  Mukang napagod sa pag soshopping eh"

Ilang minuto lang ang nakalipas biglang may bumusina sa tapat ng bahay namin.

Akmang lalabas ako para tignan kung sino ng bigla akong pigilan ni Rap.

"Ate ako na okay.  Baka mamaya kung sino yon ay"
Wow kaylan pa sya naging maalalahanin. Hindi ako mapakali ngayon dahil sino ba namang tao ang maglalakas loob na bumusina ng disoras ng gabi

"Ate!!!  Ate!!  Labas ka dali dala ka na din ng payong bilissss!!! " pagmamadali sakin ni rap at ako naman agad agad na nanguha ng payong at lumabas

"WTF!!!  Lhever anong ginagawa mo dito??  At bakit ka nagpapaulan jan!!??  Halika nga dito!!! " sabi ko sakanya at nang makalapit na ako ay naamoy kong amoy alak sya!!

Huh!!  Sanglupalop ka ba nanggaling at amoy alak ka....  At bakit ka naman nag inommm!!!

"Rap tulungan mo ko bilis kumuha ka nang planggana tas magpakulo ka din ng tubig lagyan mo ng maligamgam ah pati towel kumuha ka meron sa kwarto ko bilisss!!!! " pagmamadaling sabi ko kay rap at ako naman eto inihiga na sya sa sofa.

"San ka ba nanggaling ha??  At bat amoy alak ka??? " inis kong tanong sakanya.

"George," mahina nyang sabi.

"Ano ba naman kasi ang pumasok jan sa kukuti mo at naglasing lasing ka?? Buti hindi ka naaksidente dahil nagdrive ka pa.!!!" ilang sermon din ang inabot nya sakin bago sya ng salita

"George?  Sinong daddy nang anak mo?? " sa sobrang pagkabigla ko halos natulala na ako at ilang minuto bago pa ako nakapag salita ulit.

"Iyun ba ang dahilan kung bakit ka naglasing?? " tanong ko sakanya habang nakatingin sa sahig. Tanging tango lang ang naisagot nya at nakatulog na sya.  Saka naman dumating si rap na dala ang mga pinakuha ko. Huh thanks rap you save me

"Thankyou dito ah.  Sige matulog ka na ako ng bahala dito. "

"Sige ate basta pag kaylangan mo ng tulong gisingin mo lang ako okay?? "

"Nako ikaw magigising pag ginising ko?  Eh tulog mantika ka. !! Hala sige na matulog ka na Goodnight!! "

"Goodnight ate"" pagkasabi ni rap non ay umakyat na sya at nagpunta sa kwarto nya ako naman eto naiwan kasama ang boss ko.

Habang pinupunasan ko ang muka nya hindi ko maiwasang mapatitig dito. 

"Hay bat ba kasi ang gwapo mo?  Dahil sa kagwapohan mong yan naghiwalay tayo. !!" pabulong kong sabi

Pagkatapos ko syang punasan ay tinanggal ko na ang sapatos nya. Nanguha na din ako ng unan at kumot para sakanya. 

"Tutal tulog ka naman na. Ngayon ko na din sasabihin to para wala nang bumabagabag sakin.  Kasalanan mo na yun kung bat di mo narinig. Tulog ka eh.  Hahahah""

"Una sa lahat. Alam ko na ang totoong nangyari.  Sinabi mismo sakin ni mama.  Kasi nga sakanya ka daw unang nagpunta ng malaman mong umalis ako at sakanya ka daw nagpaliwanag at may paluhod luhot ka panga daw ay.  Nako kang lalaki ka.  Pangalawa satingin ko dapat kalimutan na natin ang nangyari dati.  Tapos na yun.  Tsaka kung para talaga tayo sa isat isa gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para satin.  Pangatlo ngayon ko lang narealize sa sarili ko na hindi pala kita kayang kalimutan kasi hanggang ngayon mahal parin kita at mukang hindi basta basta magbabago yon."

Pagkasabi ko non ay akmang tatayo na ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at..

"Mahal na mahal kita" mahina nyang sabi saka tuluyang nakatuloggggg!!! Dahil tuluyan nya ng nabitawan ang kamay ko

Wtf!!!!!  Hindi ako makagalawwww bakit ganon!  Narinig nya ba yung mga sinabi ko??  Tuluyan na kong umalis sa sala at pumunta sa kwarto ko.

Habang nakahiga ay nakatingin lang ako sakisame dahil pilit talagang nagsisink sa utako ang sinabi nya kanina "mahal na mahal kita" wtfffff!!!!  At hindi rin ako mapakali dahil binabagabag ako ng mga katanungan sa isip ko na narinig kaya nya kaya sya nagsalita ng ganun?  Sana hindi sana hindi.  Paulit ulit yan sa utak ko hanggang sa namalayan kong unti unti na kong nilalamon ng antok.

Married To My Boss Where stories live. Discover now