A very special One 1

3.5K 67 33
                                    

"I really love this day!!!  Mygosh I'm so excited! " sabi ni George habang nakapikit dahil nasa salon sya ngayon at nagpapaayos para sa dinner date nila ni lhever mamaya. 

" For sure nagpeprepare nadin si Lhever ngayon! " wika ng baklang nag memakeup sakanya.  He's a very good friend of George na parang kapatid na ang turingan nila.

Minutes ago naisipan nyang itext si lhever.

'Hey.  How are you??  I'm so excited. Happy 2 anniversary Love!!  I love you so much.  See you later. '

Ilang minuto ang lumipas ngunit ni isang mensahe galing kay lhever ay wala syang natanggap. 

Hindi nalang ito pinansin ni George dahil baka busy nga ang kasintahan sa pag peprepare para sa dinner nila.

Ilang minuto nalang bago mag alasotso pero hindi padin tapos ang makeup nya.  Natural lang yon kasi iniisip nya na kailangan medyo malate sya. 

"Wow Georgina you look very gorgeous. Mas lalo pang maiinlove si lhever sayo nyan! " ani ng bakla nyang kaibigan.

"Thanks for your help.  I need to go 5mins late na ko.  Baka nandoon nayon. "

"Good evening ma'am" bati ng isa sa mga waiter ng restaurant kung saan sila mag didinner.

"Good evening reservation for lheverson Daniel"
Masiglang bakit nya sa waiter

"This way ma'am " agad naman syang sumunod sa waiter

Hindi malaman ni George kung anong magiging pakiramdam dahil mas nauna pa sya sa kasintahan.

Pilit nyang pinakalma ang sarili at umupo sa upuan ng table nila ni Lhever.  Inisip nalang ni George na baka natraffic lang ito.

Ilang minuto ang lumipas may lumapit sakanyang waiter.

"Ma'am would you like to order. Mas better pong may kinakain kayo habang naghihintay sa kasama nyo." ani nito

"Okay!  Ahm.  Wine nalang muna and water."
Aniya. At biglang umalis ang waiter para kuhanin ang order nya.

Minuto
At
Oras ang lumipas

Ni isang tawag at ni isang text wala syang natanggap.

Halos lamunin na sya ng takot at kaba dahil naubos nya na kanina pa ang inorder nya at ngayon ay mahigit isang oras na syang naghihintay ngunit wala parin si lhever. Hindi na alam ni George kung anong gagawin nya kayat napagdesisyonan nalang nyang puntahan ito sa condo nito nagbabaka sakaling nandoon si lhever.

After 30 minutes nakarating na sya sa ground floor kung saan matatagpuan ang condo ni lhever. 

Parang lantang gulay syang naglalakad papasok dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman.  Hindi ganito ang iniisip nyang mangyayari sa 2nd anniversary nila.  Iniisip nya na magiging masaya sila, kakain sila sa paborito nilang restaurant, nag eexpect sya na itong araw na ito ay mapupuno ng kasiyahan at pagmamahal ngunit mukang mali ang lahat ng iyon.  Mukang kabaliktaran lahat ang nangyari.

Ng makarating sa tapat ng pinto ng condo ni lhever magkahalong kaba at takot ang kanyang naramdaman. ayaw na nyang magexpect at ayaw  na nyang umasa ngunit nagbabakasakali parin sya na nasa loob si lhever.

Alam niya ang password ng condo nito kaya madali nyang nabuksan.  Unti unti nyang binukas ang pinto at dahan dahan itong isinara.
Pagkasara nagulat sya ng may makitang isang leather na coat na naka kalat sa sahit.  At hindi sya pwedeng magkamali, alam nya ang pinagkaiba ng coat na pangbabae sa coat na pang lalaki.

Pinulot nya ito at nag angat ng tingin.  Nahagip ng dalawa nyang mata ang pinto ng kwarto ni lhever na nakabukas.  Wala ng syang inaksayang oras at dali daling lumapit sa pintuan ng kwarto ni lhever.

Parang tinusok ng milyon milyong karayom ang puso ni George ng makita kung ano ang nasaloob ng kwarto.  Halos hindi sya makagalaw at hindi makapaniwala sa nasaksihan.  Kulang nalang ay lamunin sya ng lupa para maglahong bigla at makaalis sa kung nasaan man sya ngayon.

Hindi sya makapaniwala na kaya itong gawin sakanya ng lalaking pinakamamahal at pinaka pinagkakatiwalaan nya.  At mas lalo pa syang hindi nakagalaw ng mamukaan ang isang babae na naka kubawbaw sa kasintahan nya. 

"Lhever?  Lizelle?" kahit sya ay hindi makapaniwala na may lumabas na mga salita sa bibig nya na naging dahilan ng pagtigil ng dalawa sa ginagawa at mapatingin sa direksyon na kinatatayuan nya.

"George?" Dali daling tumayo si lhever at nagbihis.

"George hey!  Let me explain please! " puno ng pagsusumamo ang boses ni lhever habang hawak hawak ang kanyang kamay

"Explain?  Anong dapat mong ipaliwanag lhever?  Anong dapat mong ipaliwanag sa mga nakita ko?  Akala ko magiging masaya ang araw na to kasi 2nd anniversary natin.  Pero ganito?  Ganito ang maabutan ko?? "
Hindi alam ni George kung saan sya nakakuha ng lakas ng loob para makapagsalita. Hanggang sa nahagip naman ng mata nya ang babaeng kalaguyo ni lhever.

"At ikaw!!  Pinagkatiwalaan kita!  Nagtiwala ako sayo na hindi mo aahasin ang boyfriend ko pero ano tong ginawa mo?  Hindi lang pagkakaibigan natin ang sinira mo pati narin ang tingin ko sayo!! " hindi na napigilan ni George at sinampal na nya si lizelle

Akmang gaganti si lizelle ng biglang nagsalita si lhever.

"Subukan mo lang saktan sya!  Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kahit babae ka pa" ani nito at biglang hinawakan si George sa pulsuhan at pinaharap ito sakanya.

"George please let me explain ple" hindi na natuloy ni lhever ang sasabihin ng bigla din syang sinampal ni George at mabilis itong umalis palabas ng condo unit

Pagkalabas nya ng condo unit ni lhever saka lang tumulo ang kanina nya pa pinipigilang mga luha.  Ayaw niyang magmukang kaawa awa sa harap ni lhever at ng matalik nyang kaibigan na ngayon ay ahas na ang tingin nya.

Wala sya sa tamang pagiisip ng mga panahong yon at hindi alam ang gagawin.

"Wala akong hinangad kundi mapabuti ang relasyon naming dalawa.  Wala akong hinangad kundi ang pagmamahal nya pero bakit ganito bakit nya ako niloko at pinagpalit sa pinaka matalik kong kaibigan."










Until next update mga mamsh! 
BAKAIT NGA KAYA HUMANTONG SA KAMA ITONG SI LHEVER?  ANO BA TALAGA ANG NAGYARI???  TOTOO BA TALAGANG PINAGPALIT NYA SI GEORGE SA KAIBIGAN NITO??  HMMMMM.  TO BE CONTINUED 😘😂

Married To My Boss Where stories live. Discover now