7

2.5K 59 1
                                    


Hindi parin mai alis ni Lhever ang tingin mula sa pintuan kung saan lumabas ang dalaga.  Ngunit nawala ang kanyang pagkatulala ng biglang nagsalita si Lizelle

"Ano bang meron sainyo ng babaeng yon??  Look hindi naman sya ganon kaganda, hindi din naman ganon kasexy, hindi din naman mayaman, unlike me.  Look at me Lhever" hinawi ni lizelle ang muka ni lhever para maging magkapantay ang muka nilang dalawa.

"Nasakin na ang lahat.  Maganda, makinis, sexy,  mayaman at mahal na mahal ka so please wag mo na ngang habulin yung cheap at hampas lupa na yon."

Halos hindi maipinta ang muka ni Lhever sa sobrang galit dahil sa mga salitang narinig mula kay lizelle na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa mga hita nya.

Madilim nya itong tinignan at saka tinulak palayo sakanya. Wala syang pakealam kung mahulog man ito o ano.

"Pwede ba lumayas ka na ng opisina ko bago ko pa malimutang babae ka at masaktan pa kita.  At pwede ba itatak mo dyan sa makitid mong utak na kahit saang anggulo mo tignan hinding hindi mo malalampasan si George at kahit maglulupasay ka jan hinding hindi kita magugustuhan so get out of my office GET OUT!!"

"At sa tingin mo naman tatanggapin ka ulit ni Georgina matapos nyang makita ang nangyari kanina??  HELL NOOOO!!!!  AT HINDI KO HAHAYAANG MAPUNTA KA SAKANYA!! " pagkasabing pagkasabi ni lizelle ay dalidali itong nagmartsa palabas ng opisina at malakas na isinarado ang pinto.

Si Lhever naman ay naupo nalang at inilagay ang mga palad sa kanyang muka.

"What am I going to do now?? " mahinang bulong nito sa sarili



Halos lamunin ng kaba si George ng marinig nyang bumukas ang pinto ng opisina nya

Ngunit mali ang akala nya. Hindi ito ang taong inaasan nyang papasok na magpapaliwanag sa kung ano man ang nakita nya kanina

"Hey George kamusta na yung mga docu- WHAT THE HELL!!  Bakit ka umiiyak??" hindi na naituloy ni bea ang sasabihin at dali daling lumapit sakanya ng mapansin ang pamumula ng kanyang mga mata

Sya naman ay agad na pinahid ang mga luha dahil alam nyang hindi sya titigilan nito hanggat hindi sinasabi kung ano ang totoong dahilan ng pag iyak nya.

"Oy anong nangyari sayo??  What happened?? " bakas sa boses nito ang pag aalala at saka umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa nya.

"It's nothing at saka nga pala yung mga papeles na pinapagawa mo okay lang bang ikaw na yung kumuha sa office ni Mr. Daniels? May inaasikaso kasi akong importante din kaya mukang hindi ko mauuna" dirediretso nyang sabi habang pinapahid ang luha at hindi manlang tumitingin sa kaharap nya.

"Alam ko na agad kung bat ka umiiyak dyan!  May nangyari ba sainyo ni insan??  Kasi alam mo hindi naman normal na tawagin mo syang MR. DANIELS eh so I know na may problema at iyan ang dahilan ng pag iyak mo.  So care to tell me??"

"Im sorry, hindi naman kase importante yun" peke syang natawa "kaya sige na go na para matapos na din yang inaasikaso mo and okay lang ako okayyy don't worry." pagkasabi nya ay tango lang ang isinagot ni bea at nababasa nya sa mga mata nito na curious padin ito sa kung ano man ang dahilan ng pag iyak nya. 

"Basta pag kaylangan mo ko tawagan mo lang ako ah!!  911" pabiro nitong sabi at saka lumabas ng opisina nya. 


Hindi mapakali si lhever habang iniisip kung ano ba ang dapat nyang gawin para makausap si George.  Halos ilang minuto na syang paikot ikot sa office nya.

"WHAT THE HELL HAPPENED TO YOU AND GEORGE?? " halos mapaiktad sya sa gulat ng bumukas ang pinto at bakas ang galit na sigaw ni bea.

"Pwede ba kumatok ka muna bago ka pumasok!  At saka ano ba yang pinagsasasabi mo??"

Napaupo nalang si lhever sa swivel chair nya at harapan na tinignan si bea na ngayon ay paupo na sa upuan sa harap ng lamesa nya.

"So magsisinungaling ka kahit huling huli ka na??  Kung walang nangyari bakit parang balisa ka at hindi mapakali?  At kung walang nangyari bakit andoon si George sa opisina nya at umiiyak?  Sige nga lhever!  BAKIT!!???" bakas sa mga salita nito ang galit na nararamdaman.  Alm ni lhever na botong boto si bea kay George kaya naman ganito nalang ang naramdaman nito.

"You know bea wala ka na dito okay?  Personal problem na namin to ni George so please mind your own business."

Mapaklang natawa si bea at saka tumayo at humarap sakanya

"Yeah!  You're right. Wala akong karapatang panghimasukan ang problema nyong dalawa but George kahit pa kaibigan ko sya. Pero eto lang suggestion ko please lhever tigilan mo na si George please lang tigilan mo na sya!  I don't want to see her like that crying, sad and stressed. "

Pagkasabi ay tinalikuran na sya nito at malakas na isinara ang pintuan.

'I don't know what to do this time!  Maybe dapat ko na talagang kalimutan ang lahat at dapat ko na talagang tanggapin na me and George, we're not meant to be. '






-pinagtagpo pero hindi itinadhana 💔

Married To My Boss Onde histórias criam vida. Descubra agora