10

3.1K 69 15
                                    

Halos hindi makapag focus si lhever sa kung anong pinaguusapan habang nagmimeeting sila.  Kanina pa sya nababadtrip at mas lalo pa itong nadagdagan dahil habang nagmimeeting sila ay walang inatupag ang Anthony nayon kundi ang tumingin kay George na katabi naman nya. 

"Dismiss" anunsyo na at saka akmang lalabas na ng room

"George!  Wait up" hindi alam ni lhever kung pipihitin nya ba ang door knob o lilingon at hihilahin si George papunta sa opisina nya. 

"George! Go to my office now! " yun nalang ang tangin nasabi nya at saka bumaling para pihitin ang door knob at lumabas na.  Hindi nya na kayang tiisin ang init ng ulo na nararamdaman. Parang pag nanatili pa sya ay sasabog na sya sa galit sa hindi nya malamang dahilan.








"May kailangan po ba kayo??  Kasi po pupunta na ko sa opisina ng boss ko dahil panigurado pag hindi ako sumunod, makakakita na naman ako ng halimaw mamaya." pagmamadaling sabi nya kay Anthony na marahang natawa dahil sa sinabi nya.

"Wait, anong halimaw ba ang sinasabi mo?  Hahahahahahaha!!! " hindi na nito napigilan ang tawa.

"Ang malahalimaw na ugali ng boss ko. bakit ano po bang halimaw ang iniisip nyo??? " ayaw magisip ng kung ano ano ni George dahil baka mali ang maisip nya.  Dapat maging literal sya magisip para makaiwas sa gulo hahahaha

" Ah wala yon sige na sumunod ka na doon sa boss mo para di ka maka kita ng halimaw mamaya." ani nito habang tumatawa

"Ay George wait lang pala!  Pwede ko bang hingin number mo?  You know ahm i just want to invite you for lunch or maybe dinner"

"Sorry sir I need to go na talaga baka hinahanap na talaga ako ng boss ko nayaon." pagkasabing pagkasabi nya non ay kumaripas na sya ng takbo patungo sa opisina ni lhever.

" Bakit ang tagal mong sumunod ha?? " bungad agad sakanya nito habang nakaupo sa lamesa.

"May tinanong pa kasi si sir Anthony kaya hindi ako agad nakasunod.  Pasensya na." sabi nya habang nakayuko dahil hindi nya matignan ng diretso si lhever.

"Bat alam mo yung pangalan nya ha? "
"Bat kilala mo sya? "
"Pano at saan kayo nagkakilala? "

Sunod sunod na tanong nito sakanya.

" Sir ano po bang dahilan bat pinatawag nyo ako dito??  Kasi kung iinterviewhin nyo lang ako,  maari na po ba akong makaalis kasi po madami parin akong gagawin." magalang nyang sagot

"Wow,  ang layo ng sagot mo sa tanong ko ah!!"
May sarkasmo sa boses nito na mas lalong nakapagpakaba sakanya dahil alam nyang hindi sya titigilan nito hanggat hindi nya sinasagot ang tanong.

"Nga pala,  maayos ka bang nakauwi kagabi?? " may halong pag aalalang tanong ni lhever sakanya.

"maayos naman po"

"Ano ba kasing ginagawa mo doon ha??  Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak?? Mabuti nalang dumating agad ako kung hindi napagsamantalahan ka na nung mokong na nag aaya sayo kagabi. " halos pagalit ang boses nito habang pinapaalala sakanya ang mga nangyari kagabi

"Anong ginagawa ko don??  Wala lang gusto ko lang maging masaya, hindi ko ba alam na pwede akong mapahamak??  Alam ko yon pero dahil matigas ang ulo ko syempre pumunta parin ako. Mabuti nalang dumating ka??  Salamat ha!  Salamat sa pagdating mo!!!" puno nang sarkasmo nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ni lhever

"ayan ayos na ba??  Okay na ba?  Narinig mo na ba lahat ng gusto mong marinig? Pwede na ba akong bumalik sa opisina ko para magtrabaho?? " sunod sunod na tanong nya ngunit nanatiling walang inik ang binata

"ay teka nga pala,  ano bang ginagawa mo don kagabi?? Umamin ka nga,  sinundan mo ba ako??" pagbabalik nya ng tanong

"Bakit naman kita susundan? Sino ka ba para sundan ko??  Empleyado lang kita at saka bakit ako nandoon??  Syempre para maghanap ng magpapaligaya sakin."

Parang may milyon milyong karayom na tumusok ng sabay sabay sa puso nya.  Masakit pala talaga umasa, masakit umasa na pinapahalagahan ka nya kahit ang totoo wala ka naman talagang halaga.

"Ganon ba??  Sana naman sinabi mo agad na yun yung dahilan ng pagpunta mo don sa bar nayon.  Edi sana nagkalinawan tayo kaagad." aniya sabay talikod at akmang bubuksan na niya ang pinto ng bigla syang may maalala.

"Ahmmm,  sana lang sa susunod wag kang magbibigay ng motibo,  wag kang magsasabi na she's mine, wag kang magiging masyadong caring at higit sa lahat wag kang rereact na parang nagseselos, kasi mahirap at masakit umasa,  pero tama ka empleyado mo ko at ang trabaho ko ay paglingkuran ka at hindi ang mahalin ka"

Pagkasabing pagkasabi ay dali dali nyang binuksan ang pintuan at tumakbo patungong opisina nya.  Hindi nya na napigilan ang mga butil ng luha na kanina pa gustong kumawala ng marinig nya ang mga katagang 'empleyado lang kita' mula mismo sa bibig ng binata.






















Married To My Boss Where stories live. Discover now