11

1.2K 38 24
                                    

Abalang abala si George dahil sa tambak na trabahong naka hilera sa harapan nya.  Halos hindi nya na alam kung ano ang uunahin sa mga ito.  Habang inililista ang ilan sa mga importanteng dokumento nabaling ang kanyang atensyon sa cellphone na nagvibrate.

Agad nya itong kinuha at binuksan,  tumambad sakanya ang isang mensahe mula sa hindi pamilyar na number.

'Hey George, are you free? Can we have a dinner later?
    -Anthony '

Napuno ng pagtataka ang isip ni George, saan naman kaya nito nakuha ang number nya?  Sa pagkaka alala nya ay hindi nya naman ibinigay dito nung hinihingi.

Dali dali nyang nireplyan ang mensahe, ngunit hindi rin sya sigurado kung tama ba ang kanyang desisyon

'Sir Anthony?  Kayo po pala. Medyo busy po kasi ako eh,  baka hindi ko mauna'

Tugon nya sa mensahe ng binata. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad na namang nag vibrate ang cellphone nya.  Hindi na sya nagulat kung sino ang nag text dahil alam nyang si Anthony na naman iyon.

'Hanggang 5 lang naman duty mo diba?  Hahahahaha sige na please?'

Ano naman kayang pumasok sa isip ni Anthony bakit gusto nitong makipag dinner sa kanya. Tanong ni George sa sarili

'Sige susubukan ko pero hindi ako nangangako okay? ' aniya sa binata

'Okay fine,  pero kahit anong mangyari magpapareserve na ko. Sunduin nalang kita mamaya' tugon ni Anthony sakanya

'Huwag mo na kong sunduin,  hahahahaha ako nalang,  kaya ko na' tugon nya bago ibalik ang atensyon sa mga dukomentong nakatambak sa harapan nya.

Ilang oras ang lumipas at natapos na nga nya ang mga dokumento at agad dinala sa office ni lhever para ipakita ang ilan sa mga resulta

"Good afternoon sir eto na po yung mga documents na pinapagawa nyo, iwan ko nalang po dito para macheck nyo" aniya at inilapag sa lamesa ang mga papel

"And sir hindi nga po pala ako makakapag overtime mamaya" pahabol nya bago tumalikod at ambang lalabas ng opisina

"Wait, what? Bakit? May importante ka bang gagawin at hindi ka makakapag overtime mamaya? As far as i know sobrang daming documents ang dapat mong asikasuhin pati yung sales last month na kailangan na ngayon" ani ni lhever habang naka upo sa kanyang swivel chair at pinaglalaruan ang ballpen sa kanyang kanang kamay

"Sir anjan na po lahat ng mga documents na kailangan nyo, tapos na po lahat pati sales nung last month and yung payroll din po kasama na jan" sagot ni George

"Wow ha just wow, ganon ba kaimportante yung gagawin mo mamaya kaya tinapos mo lahat itong tambak na documents na to? " May halong sarkastikong sabi ni lhever habang nakatingin sa mata ni George na hindi naman makatitig sakanya.

" Kung wala na po kayong iuutos mauna na po ako" agad na sabi ni George at dali daling lumabas ng opisina.

Halos habulin nya ang sariling hininga pagkalabas na pagkalabas nya ng pinto. Hindi niya alam kung bakit ngunit sobrang tindi talaga ng tensyon sa tuwing mag kakausap sila ni lhever . Halos hindi nya na nga ito kayang tignan sa mata o maski titigan manlang.

Trenta minuto bago mag alasingko, inaayos na ni George ang kanyang nga gamit, hindi niya alam kung bakit pero namalayan nya nalang ang sarili na nag aayos sa cr. Konting pulbos, blush on at lipstick lang ang kanyang inilagay para naman hindi sya magmukhang ewan.

Nang makalabas na si George sa building agad nyang tinext si Anthony

'Hi good evening, send mo nalang yung address. Kakalabas ko lang ng opisina'

Ilang minuto lang ang lumipas nagreply agad si Anthony at laman ng mensahe ang address kung saan at ang oras.

"Akala ko naman 5pm eksakto, 8 pa pala"  pabulong nyang sabi sa sarili at napagdesisyunang umiwi na lamang para mag prepare


George was wearing a velvet dress partnered with a white stileto. Nang makarating siya sa restaurant naabutan niya si Anthony na nag aabang. Hindi maitago ni George ang pagkamangha sa nakikita nya. Anthony was wearing a white polo and faded jeans at hindi maitatanggi na sobrang hot talaga tignan ni Anthony.

"Hey, how are you? You look gorgeous" Bati ni Anthony kay George kasabay ng pag beso nito sa dalaga.

"I'm good, how about you? And ahm you look great" ani ni George sa binata

"I'm good too so let's go inside?" Pag aaya ni Anthony at inimwestra ang kamay

Hindi maitago ni George ang pagkamangha dahil sa sobrang ganda at elegante ng restaurant. Makikita mo talaga na ang nga taong kumakain sa loob ay mga mamayaman ang ilan ay nga politicians at mga kilalang personalidad. Inikot ikot nya ang mata sa kabuuan ng restaurant dahil nakakabighani talaga. Halos manikip ang dibdib nya at nagtayuan ang kanyang mga balahibo ng mahagip ng kanyang mata ang isang pamilyar na lalaki.

"Lhever?" Wala sa sarili nyang sabi

"Hey George are you okay?" Tanong sakanya ni Anthony ng mapansing para siyang balisa

"Yes I'm okay" tanging tugon ni George habang patuloy ang pagkabog ng dibdib

"Okay, let's go " sabi ni Anthony at agad syang dinala sa isang mahabang table kung saan naroroon si Lhever at ang iba na satingin ni George ay mga kaibigan at kasamahan sa kumpanya.

Nanginginig ang tuhod ni George habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ni lhever pabilis ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso na halos kumawala na sa kanyang dibdib.

"Hey guys sorry we're late. By the way this is Georgina" pagpapakilala sakanya ni Anthony ng makarating sa table

Halos lamunin naman ng lupa si George nang makita nya ang titig ni lhever sakanya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at may halong gulat at pagtataka ang ekspresyon ng mukha.

"What are you doing here?" Halos hindi maigalaw ni George ang buong katawan nang marinig ang napaka lalim na boses ni lhever habang nakatingin sakanya

Hindi alam ni George kung anong dapat nyang isagot at kung ano ang dapat nyang gawin. Gusto nang bumigay ng tuhod nya dahil sa sobrang kaba hindi na sya makagalaw at nakatitig na lamang sya kay lhever na matalim na nakatingin sakanya.









----------------------------
Ily❣️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married To My Boss Where stories live. Discover now