9

2.4K 43 4
                                    

Hangover hangover hangover HANGOVER!!!!

"AHHHH!!! SHIT!!" no choice si George. Kaylangan nyang bumangon at harapin ang kanyang hangover dahil kaylangan nyang pumasok sa opisina ngayon.

"George bilisan mo kumilos baka malate ka!! " bulong nya sa sarili nya

Ligong uwak!  Walang suklay suklay!  Walang almusal, walang ayos ayos!!! Pasooook!!!

Pagkaalis na pagkaalis nya sa bahay ay dumiretso sya sa pinaka malapit na Starbucks.

Coffee para sa hang over nya.

"one cappuccino and one slice of red velvet cake for George"

Akmang kukunin na ni George ang order nya.

"Oh!  Shit! "

"My god I'm sorry!!  Sorry talaga!!" hingi ng tawad ni George sa lalaking nakabungguan

"Nah!  Miss it's okay. May kasalanan din naman ako." sabi nito habang pinapagpag ang tuxedo na suot.

"Hala shit!  Nadumihan ko pa tuloy yung damit mooooo!!! " halos mataranta si George dahil hindi nya alam ang gagawin nya.  Mukang mamahalin pa naman ang suot na tuxedo ng nakabungguan nya.

"Don't worry, okay lang talaga." sabat ng lalaki at unti unting lumingon kay George.

Simula ng makabungguan nya ito ay hindi pa sya nadadaanan ng mga tingin nito dahil busy ito sa pagtingin ng tuxedo nyang nadumihan ng cake na order ni George. At sa unang pagkakataon ay nadaanan din sya ng mala anghel nitong  mga mata.

"Sir okay lang po ba kayo?? " pagka kuwan ay tanong ni George dahil nawalan ng imik ang lalaking nasa harapan nya.

"Yeah I'm fine hahaha.  Anthony by the way" sabay abot nito ng kanang kamay

Hindi alam ni George kung tatanggapin nya ba o hindi pero no choice sya.  Ayaw nya namang maiwang nakatiwangwang ang kamay nito sa ere.

"Hey,  ahhhmm, Im George " sabay abot ng kamay nya sa lalaki

"Wow,  what a nice name, ahm sige mauna na ko may business meeting pa kong pupuntahan eh. Nice meeting you George "

Halos lumabas ang puso nya sanhi ng sobrang bilis ng tibok nito dahil sa ginawang pagkindat sakanya ng binata.

"Jusme!!  Dapat ba akong magpasalamat na kahit nagkayat na yung icing ng cake ko at hindi na sya instagramable o dapat mas magpasalamat kasi ang gwapo nya??"

Habang nagmamaneho papuntang opisina si George ay hindi maalis sakanya ang nangyari kagabi

"Good morning ma'am "
"Goodmorning din manong" bati niya sa guard na sumalubong sakanya.

"GEORGE!!! " natigil sya sa paglalakad ng marinig ang pangalan.  Agad nya itong nilingon.

"Huy bilisan mo inaantay ka na kanina pa sa office, may biglaang meeting, kanina ka pa hinahanap ni boss ay."

"Hala sige sige, teka anong oras ba start nung meeting??"

"9 am. "

Pagkasabing pagkasabi ng kasamahan nya ay tinignan nya agad ang relo at 8:53, halos liparin na nya ang 1st floor patungong 5th floor para lang hindi malate.

"Shemay!!!  Sana hindi pa nag sisimula " akmang pipihitin na ni George ang pintuan ng room ng may marinig syang dalawang pamilyar na boses at papalapit iyon sakanya.

Hindi malaman ni George kung anong dapat nyang gawin.  Gusto nya ng lamunin ng lupa para lang makapagtago.

"Good Morning sir." bati ni George ng hindi tumitingin sa dalawang taong nasa harapan nya.

"Youuuuuu!!!  I know you!!! You're George right?? "

Paktay!!!  Hindi alam ni George kung anong baling ang gagawin hindi nya alam kung titingin ba sya o yuyuko nalang o magpapanggap na walang narinig.

"Heyyy!  Look at me. You're George right??  The girl at the Starbucks?" wala ng nagawa si George kundi tumingala at harapin ang dapat ng harapin.

"Ahmm yess sir that's me hehehe!  Good morning sir. " bati nya sa binata

"Wait wait wait magkakilala kayo?? " biglang tanong ni lhever na palinga linga sa dalawa.

"Yeah!  Actually nakita ko sya kanina sa Starbucks and yeah something happened " sabi ng lalaki habang nakatingi kay George

"Excuse me sir pero diba po mag start na yung meeting?" sabay tingin nya sa relo " actually late na po tayo ng 3 mins. " aniya at tuluyan ng binuksan ang pintuan.

Laking gulat ni George ng bahagyang dumikit ang katawan ni lhever sakanya at may ibinulong ito
"Go to my office after ng meeting na to. May importante tayong paguusapan"
At bigla nalang sya nitong nilagpasan. 





































-gosh!  Selos ba si fafa lhever kay fafa Anthony??  Hmmmm??  What do you think guys??  Ano kayang pag uusapan ng dalawa??  😂😂
- may bagong boylet na naman si Georgina!!!  💕

Married To My Boss Where stories live. Discover now