Chapter 4 - Budget Tips

410 2 2
                                    

Ang pagbabudget ay hindi madaling gawin lalo na kung hindi ganito ang nakasanayan mong gawain sa paggastos ng iyong pera. Pero ang pagba-budget ng pera ay isang mabisang teknik para ang tao ay makapag-ipon ng pera. Dahil kung ikaw ay nagba-budget ng pera, mamomonitor mo kung saan-saan mo dapat gastusin o kung anong dapat pagkagastusan mo ng pera. Hindi yung kapag may hawak ka ng pera kahit kaunti ay gastos dito, gastos doon.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang mga taong nananalo sa lotto ay magiging mayaman pero makalipas ang ilang taon ay sasabihin nilang ubos na yung perang napanalunan nila. Hindi na ako nagtataka sa ganyang senaryo, dahil alam kong kulang sila sa kaalaman pagdating sa pera. Ni hindi man lang sila marunong magtabi o mag-ipon para sa future nila. Akala siguro nila na porket may pera sila hanggang sa tumanda sila ay may pera sila. Tandaan nyo na ang pera mabilis gastusin pero mahirap ipunin. Ganyan ang reyalidad sa buhay. Sa buhay natin, hindi pwede yung gagastos ka lang nang gagastos hanggang sa gusto mo. At kapag naubos na ang perang hawak mo ay magugulat ka na lang na ang dating yumaman bigla dahil sa lotto ay naghirap na nagkautang pa. Ganyan kadalasan ang nangyayari sa mga taong hindi marunong humawak ng pera. Gasta lang nang gasta hanggang sa mabutas ang bulsa.

Kung ikaw ay desididong matutong magbudget ng pera ay tuturuan kita. Pero kung narito ka lang para malaman kung paano magbudget pero hindi mo naman ito gagawin o isasabuhay, anong silbi ng librong ito na binabasa mo? Dapat marunong kang sumunod at gumawa kung gusto mong guminhawa ang iyong buhay. Sinasabi ko na sa iyo, na kung hindi ka desidido huwag ka ng magpatuloy sa pagbabasa dahil wala ring mangyayari kung hindi mo ito susundin.

Para makapagbugdet ka ng tama ay dapat alam mo kung magkano ang iyong sweldo, alamin mo kung ano-ano yung kinakaltas sa iyong sweldo ng gobyerno. Katulad ng sss, pag-ibig atbp. Kung may salary deduction ka ba o wala. Kung may bonus ka ba o double pay ay dapat alam mo. Kapag nakuha mo na ang iyong sweldo ay dapat maglista ka muna ng mga dapat mong bayaran tulad ng kuryente at tubig. Kung ikaw naman ay giver sa simbahan ay maglaan ka rin ng budget para sa iyong pang-tithe. Tandaan mo the more you give the more you receive. Dapat ay huwag kang maging madamot sa Panginoon. Dapat alam mo ang para sa kanya, dapat alam mo na sampung porsyento ng iyong kita ay para sa kanya. Dahil mas pinagpapala ang taong mapagbigay.

Bibigyan kita ng halimbawa sa pagbabudget.

10% - tithe
10% - kuryente at tubig atbp
10% - pagkain o pamasahe
10% - ipon o investment
10% - sa luho
50% - para sa pamilya

Pero pwede rin namang ganito. Kung meron kang 100 pesos. Hatiin mo ito sa 50 pesos para sa mga kailangan sa bahay o pamilya, 30 pesos sa mga gusto mong bilhin para sa sarili, 10 pesos para sa ipon at 10 pesos para ibang bagay na pinagkakagastusan.

Hindi naman sya mahirap dapat ay alam mo lang kung paano mo hahatiin ang pera mo para sa panggastos at para sa ipon mo. Dapat alam mo yung mga dapat lang pinagkakagastusan tulad ng kuryente o tubig. Iyan ay isa sa mga dapat talagang binabayaran buwan-buwan.

Pero paano kung nahihirapan ka? Paano kung maliit lang ang sweldo mo at hindi sapat iyon at hindi pasok sa iyong budget? Paano mo nga ba masosolusyonan ang problemang iyon? Isa sa pwedeng iwasan para hindi magkulang ang iyong budget o kapusin ay bawasaan mo ang paggastos ng hindi naman maganda para sa iyo. Katulad ng iyong bisyo, minsan kasi kaya tayo malakas gumastos ay dahil sa ating bisyo. Kailangan limitahan din natin ang ating sarili sa mga bisyong nakakasama lang sa ating kalusugan.

Maaari ka ring magbudget ng kung ano-ano ang mga bibilin mong grocery para sa buwan na iyon. Isipin mong mabuti ang mga kailangan mong bilin. Isipin mong mabuti kung ano yung mga pagkaing lulutuin mo. Kapag naggo-grocery ka ay maaari mong limitahan ang sarili mo sa pagkuha ng mga junk foods na hindi naman maganda sa kalusugan. Bilin mo lamang yung mga talagang kailangan mo.

Isa pang makakatulong sa pagtitipid para maiwasan mong kulangin sa pagba-budget ay huwang kang masyadong magfast foods. Hindi rin kasi maganda sa kalusugan ng isang tao ang laging kumakain sa mga fast food chains. Hindi ko naman sinasabing tipirin mo ang sarili mo sa pagkain, ang gusto ko lang malaman mo ay mas magandang mag-isip ka ng pagkaing masusustansya na maaari mong iluto at kainin. Makakatipid ka rin sa pagluto ng ulam kaysa sa fast food chains ka laging kumakain.

Iwasan mo rin ang pagsusugal, tandaan mo walang yumayaman sa pagsusugal. Ang yumayaman lang ay yung may-ari ng sugalan. Iwasan mong tumaya sa jueteng, lotto o kung ano man yang tinatayaan na yan para lang manalo ka ng pera. Wala namang kasiguraduhan sa pagtama ng mga iyan. Minsan ka nga tatama pero kung sa araw-araw mo namang pagtaya ay para binalik lang sa iyo ang ginastos mo. Mas mabuting itabi mo na lang ang pera kaysa aksayahin mo sa bagay na wala namang kasiguraduhan.

Kung matututo tayong magbudget at malilimitahan natin ang mga bagay na dapat nating pinagkakagastuhan at mami-minimize nyo ang inyong bisyo ay malaki rin ang matitipid nyo. Pero kung talagang nalimitahan mo na lahat at marunong ka ng magbudget pero talagang kapos pa rin ang sweldo mo ay huwag kang madiscourage. Huwag kang susuko at isipin na huwag na lamang ituloy ang pagba-budget dahil mahirap at kapos ka sa pera. Bagkus dapat isipin mo kung paano mas mapapalago ang pera mo. Dapat mag-isip ka ng paraan kung paano ka magkakaroon ng extrang pera para sa mga gastusin mo. Hindi para mawalan ng prinsipyo na hindi mo talaga kayang mag-ipon. Tandaan mo na ang sarili mong isip ang kalaban mo sa pag-iipon. Kung iisipin mong hindi ka marunong mag-ipon at hindi mo kayang mag-ipon. Kahit na ilang libro pa ang basahin mo at kahit na turuan ka pa ng mga taong propesyonal ay hindi mo talaga magagawa dahil sarado na ang isip mo sa isang bagay na hindi mo kayang gawin at hindi mo natututunan.

***

A/N: salamat sa pagbabasa

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now