Chapter 9 - Extra Income

131 1 0
                                    

Sa panahon ngayon, mahirap dumepende sa iyong buwanang sweldo. Meron sa atin na kahit na anong tipid ay kinakapos at kinakapos pa rin, dahil sa dami ng gastusin. Kaya bibigyan kita ng mga ilang halimbawa upang magkaroon ka ng extra income. Kung ikaw ay nasa bahay lang o di kaya talagang kailangan mo ng ibang pagkakakitaan.

Hindi ganoon kalaki ang makukuha mong pera sa mga extrang income na ito. Pero alam kong kahit papaano ay makakatulong ito sa iyo, pandagdag sa iyong mga gastusin.

Una, ibenta mo ang mga gamit mong hindi mo na ginagamit. Marami sa atin ang maraming abubot sa bahay na hindi naman na pinakikinabangan o hindi na ginamit. Mga gamit na matagal ng nakatambak na hanggang ngayon ay nakatambak pa rin. Ang mga pinaglumaan mong gamit ay pwede pang magamit ng iba, ibenta mo ito sa murang halaga, nagamit na ng iba, nagkapera ka pa. Parang nakatulong ka na sa pangangailangan ng iba, at the same time, nagkaroon ka ng extra income. Maari mong ibenta ang mga lumang gamit mo sa online shop. Magpost ka lang ng mga gamit na hindi mo na ginagamit, para makita ng iba, baka sakaling kailangan nila noon. Mas okay na ibenta mo ang mga lumang gamit mo na hindi mo na ginagamit kesa naman matambak lang sa bahay nyo hanggang sa maluma.

Pangalawa, pwede mong magamit ang sasakyan mo para iparenta. Kung ikaw ay may kotse o kaya van, pwedeng maging extrang income mo ang pagpaparenta ng iyong sasakyan sa ibang taong walang sasakyan. O di kaya ipasok mo ang iyong sasakyan sa grab kung hindi mo naman ito masyadong ginagamit.

Pangatlo, mag-ipon ka ng mga kalakal, katulad ng bote, plastic, tanso o kung ano pa man na maaari mong ibenta sa junk shop. Maliit man kung iisipin, pero kung makakapag-ipon ka ng marami ay pwede ka ring makabenta ng marami kung sakali. Nakatulong ka na sa kalikasan, nagkaroon ka pa ng extrang income. Kaya imbis na sunugin mo ang plastic, ipunin mo na lamang ito para mabenta mo ito sa junk shop.

Pang-apat, pwede kang magtinda ng yelo, homemade pastillas at iba pa. Kung hilig mong magbake pwede ka ring gumawa ng cookies. Pampalipas oras na, may extra negosyo ka pa. Pwede kang manood sa youtube o magsearch kung paano gumawa ng cookies, pastillas at iba pa. Madali lang naman gawin ang pastillas, siguro kailangan mo lang na puhunan ay 500 pwede ka ng kumita ng nasa 200 or 300 depende sa presyo at sa gastos mo.

Kung may kaunting nalalaman ka naman sa computer ay pwede kang magburn ng cd's o magdownload ng mga movies at series para sa kapit-bahay mo, kaklase o katrabaho na tamad magdownload. Ikaw ng bahala sa presyo, depende sa usapan nyo.

Kung ikaw naman ay may talento na pwedeng ibahagi sa iba, pwede mong maging sideline iyon para may extra kang income. Gamitin mo ang talento mo para maibahagi sa iba. Karaniwan iyon ang tinatawag na talent fee.

Marami pang bagay na maaaring pwedeng pagkakitaan bukod sa trabaho mo, maging creative ka lang. Umisip ka ng mga bagay na kakaiba, malay mo andoon pala ang swerte mo.

Basta lagi mo lang tatandaan na walang nag-uumpisa sa malaki. Laging sa maliit, kaya kung minsan nadi-discourage ka ng mag-ipon o mag-isip ng extra income dahil maliit lang naman ang maitatabi mong pera, huwag mong isipin yun. Tandaan mo kapag ang maliit nagsama-sama, lalaki ito at dadami. Kaya magtiwala ka lang sa iyong sarili. Sipag at tyaga lang ang kailangan.

***

A/N: Thanks for reading.

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now