Chapter 10 - Savings Account

241 4 1
                                    

Lingid sa kaalaman ninyo, maraming klase ng ATM's na pwede ninyong lagyan ng ipon. Marahil ang ilan sa inyo ay alam na ito, pero meron din naman na hindi alam ang iba't ibang uri ng ATM card. Kaya kung isa ka sa hindi alam ang iba't ibang uri ng ATM card ay bibigyan kita ng impormasyon. Nang sa ganoon ay malaman mo kung anong uri ng ATM card ang kukunin mo, kapag naisipan mong mag-open ng savings account sa bangko.

Isa ang bangko sa pinaka-safe na pagtaguan ng iyong ipon. Hindi kasi ito basta-basta makukuha ng ibang tao, at ikaw lamang ang tanging nakakaalam ng details sa iyong account. Kaya kung nag-aalangan kang mag-ipon sa alkansya, pwede kang mag-ipon sa bangko para mas maging panatag ka na walang ibang makakagalaw ng perang pinaghirapan mo.

Marami sa atin ang nag-iipon para sa pangarap o di kaya para sa kinabukasan. Napapa-isip siguro kayo minsan na gusto nyong paghiwalayin ang iyong ipon, sa perang gagastusin nyo na nasa ATM card nyo, dahil nababahala kayong magastos ito.

Isa sa halimbawa ng ATM card ay ang debit card kung saan pwede kang maghulog ng pera at magwithdraw. Kung hindi ka masyadong gumamit ng ATM card at puro cash ang dala mo. Maaari mong itabi ang iyong pera sa iyong ATM card para hindi mo ito basta-basta magastos.

Mayroon ding card na tinawatawag na joint account. Ang klase ng ATM card na ito ay para sa dalawang tao. Pwede sa mag-asawa, magkarelasyon, magkaibigan, o di kaya magkasosyo sa negosyo. Kung saan mayroong kayong parehong card pero magka-share kayo. Pwede kang kumuha at maglagay ng laman at ganoon din naman ang ka-share mo sa card na ito. Yun nga lang, ang payo ko lang. Bago kayo kumuha ng joint account na ATM, mag-isip muna kayo kung katiwa-tiwala ba ang taong kahati mo sa perang ihuhulog mo sa card. Mahirap kasi na share kayo, pero ikaw ang hulog nang hulog samantalang sya, kuha lang nang kuha. Mas mabuti na mag-ipon ka na lang mag-isa kaysa may kasama kang mag-ipon pero hindi naman nasasaayos. Maganda ang ganitong uri ng card para sa mga mag-asawa.

Para naman sa mga magulang o single parent, maari kayong kumuha ng junior savings account. Ito ay para sa mga bata na nasa edad, labing-dalawa pababa. Magandang kumuha nito, para habang bata pa ang inyong anak ay maturuan nyo na sila sa kahalagahan sa pera. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, maganda rin na turuan ninyo ang inyong anak na matuto sa pag-iipon. Para paglumaki sila ay alam nila ang tamang pag-iipon.

At mayroong din naman passbook saving account. Kung saan pwede tumubo ang ipon mo, dahil may interest rate ito. Yun nga lang may certain amount kung gaano kalaki ang dapat i-deposit mong pera para magka-interest ito. Maari kang pumunta sa bangko para malaman mo ang ibang detalye. Maganda ang passbook account para sa mga taong nagnenegosyo, dahil makikita mo yung detalye kung magkano ang inihulog mong pera o di kaya kung magkano yung nabawas mo.

Pero ano nga ba ang kahalagahan ng pag-iipon sa ATM? Marami ring benepisyo ang pag-iipon sa ATM kumpara, pag-iipon sa alkansya. Dahil kapag nag-ipon ka sa ATM card, halimbawa na lang sa personal savings account mo. Nagkakaroon ito ng kaunting interest para madagdagan ang ipon mo. Oo maliit ang interest kung iisipin, pero i-kumpara mo ang paglalagay mo ng pera sa bangko, sa alkansya mo. Sa bangko kapag nag-ipon ka, may chance na madagdagan ang ipon mo dahil sa interest, hindi katulad sa alkansya. Kung ano yung inipon mo yun na yun. Hindi naman kasi tutubo ang pera mo, kapag nasa alkansya lang.

Isa pang magandang benepisyo ng pag-iipon mo sa bangko, ay hindi ito basta-basta makukuha ng kung sino-sino, hindi katulad sa alkansya na pwedeng kupitan ng kasama mo sa bahay. Kapag inilagay mo sa bangko ang iyong pera, ikaw lang ang makakaalam ng password at iba pang detalye sa iyong account.

Kaya kung nais mong mag-open ng account. Isipin mong mabuti kung ano ang uri ng saving account na makakabenepisyo sayo. Para sa iyo rin naman ito. Nainam na ang maraming alam patungkol sa mga uri ng savings account sa bangko. Kung gusto mong malaman ang iba pang benepisyo, maaari kang pumunta sa bangko para sa karagdagang impormasyon. Para makasigurado ka, kung anong klaseng account ang i-o-open mo sa bangko.

***

A/N: thanks for reading :)

-Disclaimer lang po, na lahat ng nababasa nyo rito ay sariling opinyon lamang. Maaari kayong gumawa ng sariling pagsasaliksik para sa karagdagang impormasyon.

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now