Chapter 7 - Ipong Nawala

272 3 0
                                    

Marami sa atin ang kaya namang mag-ipon. Ngunit hindi maiiwasan na ang mga naiipon nating pera ay nawawala, inaamag, o di kaya napipilitan nating buksan ng wala sa oras. Bakit nga ba, ganito ang nagiging problema ng marami sa atin.

Kung ikaw ay marunong ng mag-ipon ng pera, at kaya mo ng disiplinahin ang iyong sarili para makapag-ipon ng tama. Ang dapat mo namang matutunan, ay kung saan mo ilalagay ang perang inipon mo. Marami kasi sa atin na ayaw sa bangko ilagay ang kanilang pera. Pero ang paglalagay sa bangko ng pera ay isa sa pinaka-secure na gagawin mo. Ngunit, kung maya't maya ka naman, magwi-withdraw ay mahihirapan ka ring mag-ipon doon. Kaya magbibigay ako ng ilang halimbawa kung saan mo maaaring ilagay ang iyong inipong pera.

Una sa lahat isipin mo kung anong klaseng pera ang iipunin mo. Ito ba ay isang papel o barya. Kung barya ang perang nais mong ipunin dahil nahihirapan ka sa pag-iipon ng papel na pera. Ay maari mo itong ilagay sa bote, piggy bank na plastic, o kahit na saan na pwede mo syang itago. Dahil ang barya naman ay hindi inaamag katulad ng mga papel na pera. Ang papel kasi ay hindi maaaring ilagay lamang kung saan-saan. Dahil pwede itong bukbukin, kung ilalagay mo ito sa kawayang alkansya. O kaya sa ilalim ng aparador mo, ay pwede itong anayin. Kaya dapat ilagay mo ang perang papel sa bote na malinis, lata na hindi ito kinakalawang. Plastic na parang sa lalagyanan ng stic-o. Tandaan mo na hindi ka dapat maglagay ng perang papel sa maaaring ikasira nito. Dahil lahat ng ipon mo ay masasayang. Bago ka mag-ipon ay dapat maging wais ka, kung saan mo dapat ilalagay ang mga iniipon mong pera.

Hanggat maaari ay sana, huwag mo ring pagsamahin ang barya at papel sa iisang lalagyan. Pwede mo itong paghiwalayin, dahil baka kung sa lata mo ilalagay ang papel at barya ay baka kalawangin ito. Hindi masama ang mag-ingat, lalo na kung para sa kinabukasan mo naman ang iniipon mo. Kaya dapat nasa ayos ang pag-iipon mo. Hindi basta ipon lang ng ipon. Kailangan, maging responsable ka rin sa pera mo.

Hindi rin maaari na kung saan-saan mo lang ito inilalagay. Kailangan ay mayroon kang isang lugar kung saan ikaw lang ang nakakakalam, kung saan mo ito itatago. Dahil hindi maiiwasan, na sa pamilya o kung ikaw ay nakatira sa isang apartment, at may kasamang iba sa bahay. Ay baka pag-interesan ang iyong perang iniipon. Kaya dapat ikaw lamang ang nakakaalam kung saan mo ito itatago. Siguraduhin mo na ang bote o plastic na paghuhulugan mo ng ipon mo ay may takip. Huwag mong hayaan na wala itong takip. Dahil baka ito ay amagin o anayin. Mas mabuti na ang nag-iingat, kaysa naman sa manghinayang ka sa bandang dulo, kung kelan inamag na ang iyong ipon.

Kung wala ka namang tiwala sa mga kasama mo sa bahay, ay mas mabuti na itago mo ang ipon mo, kung saan ikaw lang ang nakakaalam. Kung sa isang apartment ka naman naninirahan at may kasama sa bahay. Mas mabuti na huwag mo na lang itong ipaalam sa kanya, na nag-iipon ka. Dahil baka pag-interesan nya iyon. Kahit na gaano ka pa katiwala sa kanya. Marami kasing tao ang nag-iiba ang ugali, pagdating sa pera. Kaya mabuti rin ang nag-iingat. Pero kung talagang may kalikutan ang kamay ng iyong kasama sa bahay, at talagang nakakakupit pa rin sya sa ipon mo. Ay dapat sa bangko mo na lang i-diretso ang iyong ipon. Dahil mas mabuti na iyon. Kaysa naman, mapagnakawan ka.

Minsan, wala namang malikot ang kamay sa pamilya mo. At nasa tamang lalagyanan din ang ipon mo. Ngunit ikaw naman ang hindi makatiis na tingnan ng ipon mo. Dahil maya't maya ang tingin mo rito naa akala mo tuloy ay hindi nadaragdagan. Kaya minsan, nakukuha mo na ito para gastusin. Kaya imbis na magkaroon ka ng malaking ipon, ay hindi nangyayari iyon. Dahil excited na excited ka ng makita ang laman ng iyong alkansya. O 'di kaya, gusto mo agad bumili ng kung anu-ano, matapos ang isang buwang paghuhulog mo sa iyong alkansya. Kailangang mag-isip ka, kung kelan mo bubuksan ang laman ng iyong alkansya, at kung kelan mo ito gagastusin. Hindi maya't maya, bukas ka nang bukas ng alkansya mo. At nagagastos mo ito ng wala sa oras.

Minsan, hindi rin naiiwasan na kupitan mo ang iyong sarili. Yung tipong kukuha ka lang ng kaunting halaga sa iyong alkansya. Pero sa lagi mong pagkuha rito, ay hindi mo napapansin na imbis na dumami yung ipon mo, ay mas lalo lang nauubos. Dahil kasi sa sobrang pagka-excited mo o maling pagbudget mo ng pera kaya mo nabubuksan ang alkansya mo. Nabubuksan mo ito dahil kinapos ka ng pera sa pagba-budget, ibig sabihin lang noon, ay mali ang pagba-budget mo. Dapat bago ka maglagay sa iyong alkansya ay nakabudget na ang iyong pera, para hindi ka kapusin sa mga gastusin mo. O di kaya, maglaan ka ng extrang pera, para hindi ka dukot nang dukot sa iyong alkansya.

Ngayon na nalaman mo na kung saan dapat ilagay, o di kaya saan mo dapat itago ang iyong perang iniipon. Sana naman ay maging wais ka sa pag-iipon. Dahil baka mamaya ang iniipon mong pera ay binubukbok na pala. Maging maingat at masinop sa iyong gamit, iyan ang dapat mong tandaan. Para hindi kung saan-saan mo lang nailalagay ang perang inipon na maaaring pag-interesan ng ibang tao.

Isipin mo na lang na ang ipon mo ay para sa sarili mo. Regalo mo ito sa sarili mo para sa hinahanap, na pwedeng makatulong sa oras ng pangangailangan.

***

Thanks for reading.

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now