Chapter 8 - Anong Uri ng Ipon?

346 3 0
                                    

Marami sa atin ang nag-iipon, pero marami rin sa atin ang basta-basta nag-iipon lang. Maaaring dahil may gusto lang silang bilhin na luho kaya sila nag-iipon, o 'di kaya ay para magkaroon ng pang-travel at marami pang ibang dahilan. Ngunit alam mo ba na may iba't ibang uri ng ipon, na kailangan mong malaman. Upang ng sa gaanon ay maisaayos mo ang iyong pag-iipon. Upang maliwanagan ka kung anong klaseng ipon ba ang dapat mong ipunin. Para sa oras ng pangangailangan mo ay mayroon kang madudukot.

Mayroong apat uri ang ipon. Ngunit kailangan mong malaman kung ano nga ba ang dapat mong pag-ipunan sa ngayon, o para sa kinabukasan mo. Kapag nalaman mo ang iba't ibang uri ng ipon, ay hindi ka mahihirapang mag-ipon, bagkus ay mas maliliwanagan ka kung kailan mo gagastusin ang iyong pera. Dapat malaman mo na may mga uri ang ipon, hindi basta makapag-ipon lang ay okay na, dapat ay maging responsable ka rin sa iyong perang inipon. Ipapaliwanag ko sayo ang apat uri ng ipon.

Ang unang uri ng ipon ay ang tinatawag na emergency savings. Ang ganitong uri ng ipon, ay ginagamit lamang sa mga emergency na mga bagay. Halimbawa, isa sa iyong pamilya ang nagkasakit o 'di kaya, nangangailangan ng tulong na kinakailangan ng pera, ang uri ng ipon na ito ang maaari mong gamitin para sa emergency purpose. Hindi mo maaaring gamitin ang ipon na ito kung saan-saan. Kung hindi sa mga emergency na bagay lamang. Para sa mga senaryo na gipit ka at sa oras na walang-wala ka na. Kaya ito ang una, dahil para sa akin, ito ang pinakamahalaga sa lahat ng uri ng ipon. Dahil ang uri ng ipon na ito ay gagamitin mo lamang sa oras ng pangangailangan. Hindi mo ito maaaring galawin at ipangbili ng iyong luho. Hindi mo rin ito pwedeng gamitin sa kung ano pa man. Dahil hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng emergency sa bahay at kailan kakailanganin ng pera. Kaya ang ipong ito ang hindi mo gagalawin kahit na anong mangyari, pwera na lamang kung talagang emergency. Huwag mo rin itong ipapahiram hanggat maaari, dahil ang ganitong ipon ay nakakatulong sa oras ng mahigpit na pangangailangan.

Ang pangalawa namang ipon ay ang retirement savings. Isa rin ito sa mahalagang uri ng ipon, dahil para ito sa iyong future upang masecure mo na sa oras na nawalan ka ng trabaho, o di kaya matanda ka na at pangretiro na, ay mayroon kang perang naitabi para sa mga iyong gastusin. Dahil kung retired ka na sa iyong trabaho at wala ka ng source of income. Mas mabuti na may retirement savings ka na naipon mo sa iyong matagal na pagtatrabaho, kaysa sa magkaproblema ka sa kakahagilap ng pera. Para ito sa iyong kinabukasan o sa hinaharap, na iyong magagamit sa oras na nawalan ka ng trabaho o di kaya retired ka na. Malaking ang magagawa ng ganitong uri ng ipon, lalo na kung wala ka namang inaasahan na ibang tao. Para rin ito sa'yo. Ikaw din naman ang makikinabang nito pagdating ng panahon. Kaya sana, magtabi ka ng ipon para sa iyong pagtanda o kapag nawalan ka ng trabaho ay may naitabi kang pera na magagamit mo. Dahil hindi mo rin naman alam kung kailan ka mawawalan ng trabaho at kung kailan ka magkakaroon. At least kung may naitabi ka at napaghandaan na retirement savings, hindi ka mamomroblema sa pera.

Ang pangatlo naman ay ang personal na ipon. Alam ko marami sa atin ang mayroong ganitong ipon. Ang para sa sarili o ang tintawag na personal savings, na maaari mong gamitin kung saan mo gustuhin. Basta ang uri ng ipon na ito ay para sa iyo. Kung para ito sa isang bagay na gusto mong bilhin, para sa negosyo, para bahay na pangarap mo, para sa sasakyan na inaasam-asam mo. O kung ano mang naiisip mo sa ipon mo na para sayo. Karaniwan sa atin ganito ang uri ng kanilang ipon. Para sa sarili nila, para mabili nila ang mga bagay na pangarap nila o kung ano man.

Ang pang-apat naman ay ang educational savings, kaya ito ang aking hinuli ay dahil hindi lahat ng mangbabasa nitong libro ay may pamilya o anak na. Pero kung isa ka sa maagap na tao, at gusto mo ng pag-ipunan ang educational savings ng iyong magiging anak ay maaari ka ng mag-ipon ng educational savings. Ang uri ng ipon na ito, ay kadalasan sa mga pamilyadong tao na may anak, pamangkin o kahit sino man yan, basta ikaw ang magpapaaral. Hindi biro ang magpaaral ng anak ngayon, lalo na kung sa pribadong paaralan mo pag-aaralin ang iyong anak. Kaya sana magkaroon ka ng plano sa buhay na dapat mo ng pag-ipunan ang para sa kinabukasan ng anak mo, kung gusto mong makatapos sya sa pag-aaral. Kung ikaw naman ay isang working student at hindi ka nakadepende sa magulang mo at nakatayo ka sa sarili mong paa para makapag-aral, ay dapat alam mong i-budget ang pera at oras mo. Pera, para sa mga gastusin mo para sa school at yung pangkain mo, yung pamasahe mo papunta sa trabaho. Ang oras naman ay dapat alam mo rin itong i-handle. Huwag mong kakalimutan na dapat may sapat na oras ka rin para magpahinga. Dahil kung sabay kang nag-aaral at nagtatrabaho, ay dapat may sapat ka ring pahinga. Dahil kung wala baka magkasakit ka pa. Yung ipon na sana para sa pag-aaral mo, mapupunta pa sa ospital kapag nagkasakit ka. Kaya sana marunong kang humawak ng oras mo.

Naisip mo na ba kung anong uri ng ipon ang pag-iipunan mo. Kahit pumili ka lamang ng isa para at least may naiipon ka. Halimbawa, ngayong taon na ito, pag-iipunan mo muna yung personal savings, dahil bata ka pa naman at wala pang masyadong responsibilidad, kung hindi ang mag-aral ng mabuti. Sa susunod na taon, maaari ka namang mag-ipon ng para sa retirement savings mo. Nasa iyo naman kung paano ka makakapag-ipon at kung ano ang iipunin mo. Mag-isip ka ng magandang diskarte na kakayanin mong ipunin ang amount goal mo at ang uri ng ipon na yun.

Lahat naman ng uri ng ipon na iyan ay malaking tulong para sa'yo. Ikaw na ang bahala kung alin ang mas kailangan mong pag-ipunan sa ngayon.

***

A/N: thanks for reading :)

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now