Chapter 5 - Mga Dapat Pag-ipunan

283 5 0
                                    

Ang pag-iipon ng pera ay maraming benipisyo. May mga dapat kang paggastusan at mga bagay na hindi, mga bagay na hindi naman ganoon kahalaga para waldasin ang iyong pera. Sabi nga nila live within your means o sa tagalog ay mamuhay ka ayon sa kakayahan mo. O kung ano ang sweldo mo. Tandaan mo na habang lumalaki ang iyong sweldo, lumalaki rin ang iyong gastusin. Kaya paano ka nga ba mamumuhay na naaayon sa iyong sweldo para hindi ka kapusin ng pera.

Ang ibig sabihin ng live within your means ay huwag kang gagastos ng higit sa iyong sweldo o kapantay ng iyong sweldo. Halimbawa, ang sweldo mo kada-buwan ay 15,000 pesos, dapat gumastos ka at matuto kang magbudget kung paano mo mapagkakasya ang 15,000 pesos na iyong sweldo sa buong isang buwan, kung saan makakapagtabi ka pa ng pera na ipon mo. Sa una parang napakahirap isipin kung paano ka makakapag-ipon sa kakaunting sweldo mo. Pero hindi mo ba naisip na minsan ay gumagastos ka ng sobra-sobra sa iyong sweldo na hindi naman dapat.

Bakit ka bibili ng cellphone na nagkakahalaga ng 16,000 o kaya 20,000 pesos kung ang sweldo mo naman ay nasa 15,000 pesos lamang kada-buwan. Anong dahilan mo? Kasi hulugan naman yung cellphone na iyon. Mas mahalaga pa ba ang magandang cellphone mo kesa sa mag-ipon ka para sa future? Mas mahalaga pa ba na may magagara kang damit o sapatos pero walang natitira sa sahod mo. Minsan hindi naman natin masamang i-treat ang sarili natin, pero sana matuto muna kayong mag-ipon bago kayo gumastos sa mga bagay na hindi naman dapat pinagkakagastusan.

Mag-ipon ka muna ng pera. Mayroon pa akong isang nabasa na kung hindi mo raw kayang bilhin ng cash ang isang bagay. Kung kailangan mo pa itong i-credit card o i-loan o kung ano mang hulugan yan, ibig sabihin ay hindi ito kaya ng budget mo. Sa madaling salita, you cannot afford it. Kung hindi mo sya kayang bilin ng cash, you cannot afford it. Uulitin ko, hindi mo sya kayang bilin.

Minsan kasi sa kagustuhan nating mabili ang isang bagay kahit magkanda utang-utang na tayo, bibilin pa rin natin ang bagay na iyon, which is mali. Dapat muna nating isipin kung makakaya ba nating bayaran ang binili at kung may matitira ka pa bang pera na ipon mo, gastusin mo, pangangailangan mo sa araw-araw.

Madali lang gumastos, pero mahirap mag-ipon, at mas lalong mahirap kumita ng pera. Kaya bago mo isipin kung anong gadgets ang bibilin mo pagsahod mo, isipin mo muna kung magkano yung itatabi mong ipon. Isipin mo muna yunh future mo kesa sa luho mo.

Mag-isip ka ng mga bagay na dapat pag-ipunan. Katulad ng business, isang magandang source of income ang business. Tandaan nyo, walang yumayaman sa pagiging empleyado lang. Ang tao, yumayaman dahil sa business, investments, at stocks. Hindi dahil empleyado lang.

Kahit sabihin mong doktor ka pa o isang artista hindi ka magiging bilyonaryo. Nagiging bilyonaryo lamang sila dahil nagpapatayo sila ng business. Isang halimbawa nito si Marvin Agustin, Willie Revillame atbp. Si Marvin Agustin ay mayroong sariling business, hindi sya umasa lang sa pagiging artista nya. Matalino sya, bakit?

Kasi ang tao tumatanda, lumilipas ang panahon. Hindi buong buhay nya, sikat syang artista, hindi buong buhay nya pag-aartista lang ang gagawin nya. He set his mind that he will be a businessman. Maybe nag-artista lang sya bilang stepping stone sa pagiging businessman nya.

May kanya-kanya namang diskarte ang tao sa buhay. Ikaw, anong diskarte mo? Hahayaan mo na lang ba na tumanda kang nagtatrabaho? Aasa ka na lang ba sa pension mo pagtanda mo? O aasa ka sa magiging anak mo? Kung di ka nag-iipon para sa future mo, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Kung hindi mo iniisip yung future mo, pero umaasa ka na magiging mayaman ka. Natanong mo ba sa sarili mo, na yung ginagawa mo ngayon, ikauunlad mo pa para sa future mo o hindi. Minsan hindi naman masamang i-admit sa sarili natin na may mga luho rin tayo sa sarili. Pero okay na yung, ipon muna, business para sa future. Kaysa naman, walwal muna, taghirap sa future.

Kaya yung sense ng pag-iipon mo dapat may papatunguhan, dapat para sa kinabukasan mo, o para sa anak mo, para sa pamilya mo, para sa ikauunlad mo. Hindi yung nag-iipon ka nga, para rin naman sa mga luho mo yung pinag-iipunan mo. Wala ring patutunguhan yung ipon mo.

Pero huwag na huwag mong kalilimutan ang Panginoon habang nag-iipon ka. Dapat nagbibigay ka rin para sa kanya. Dahil ang taong mapagbigay ay lalong pinagpapala.

At pwede ka namang bumili ng mga luho mo kapag may sarili ka ng business o investment. Yung kumikita ka na, bukod sa sweldo mo. Kumbaga may passive income ka.

Alam mo ba na walang yumayaman sa pagiging empleyado. Dahil habang lumalaki ang sweldo mo, mas nadadagdagan yung gastos mo. Mas malaki pasok ng sweldo sayo, mas malaki ang gastusin mo. Paanong nangyari yun? Ipapaliwanag ko sa iyo.

Ang karamihan kasi sa atin ay bumibili agad ng mga luho, kung hindi luho, mga gamit na hindi talaga kailangan. Mga bagay na nagustuhan lang kaya binili, naka-sale lang kaya binili. Pero kung iisipin, hindi naman talaga kailangan.

Halimbawa na lang sa bahay, kung dati average lang ang sweldo mo, pero dahil napromote ka o nag-iba ka ng trabaho, mas tumaas ang sweldo mo. Ngayon, naisipang mong magpalagay ng cable sa t.v. ninyo o kaya nagpa-upgrade ka ng internet dahil nababagalan ka sa dati nyong internet speed.

Dapat bago ka bumili o gumastos sa isang bagay, dapat matuto ka munang magbudget ng iyong sweldo. Hindi naman lahat sa atin ay single. Karamihan ay may pamilya, may anak, may pinag-aaral na kapatid, may tinutulungan na magulang. Dapat bago ka maglabas ng pera, isipin mo muna kung saan ito mapupunta kung reasonable ba na dapat mong pagkagastusan ang bagay na iyon, o mas mabuting ipunin mo na lang ang pera mo.

Tandaan mo na bawat paglabas ng pera sa bulsa mo. Alam mong may halaga o sa mahalagang bagay mo ito nagastos, hindi sa mga walang kwenta lamang na bagay.

Isipin mo munang mabuti kung anong pag-iipunan mo at mga bagay mong pag-ipunan para umunlad ang buhay mo. Para sa ganoon ay hindi ka mahirapan sa pag-iipon.

***

A/N: salamat sa pagbabasa.

Bakit Wala Akong Ipon?Where stories live. Discover now