Chapter 13

1.5K 262 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 13

Marahan kong inilagay ang maliit na palanggana at saka bimpo sa bedside table niya. Sunod na ginawa ko ay binalingan siya ng tingin. Nandito kasi ako sa kwarto ngayon ni Duane at kasalukuyang nakahilata ang kapre na 'to sa kama niya.

"Ayan! Kaya mo naman siguro maglagay ng alcohol sa sarili mong sugat," walang emosyong pahayag ko.

"Dacuno, please"

Napa-rolled eyes ako dahil sa pag-akto nitong parang bata. Kung hindi lang kami niya tinulungan ni Four kanina, hinding-hindi talaga ako pupunta dito. As in never.

"Umayos ka nang higa!" Utos ko, ginawa din naman niya ito kaagad. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Nailang din ako kahit papano kasi 'di niya ako pinakawalan ng mga titig niyang ito.

"Bagay sayo Dacuno," mahinahon niyang sambit na ikinangiti ko ng tipid. Binilhan kasi niya ako ng bagong eyeglasses dahil tumilapon 'yong suot ko at nang tignan ko ito sa sahig, basag na ito.

Tahimik lang ang buong kwarto nang simulan ko nang magpunas gamit ang bimpo sa mga pasa niya. Maya-maya lang, binuksan ko na ang bottle ng alcohol. Sa sobrang inis ko sa kanya don sa kalsadang pinangyarihan ng gulo, sinadya kong damihan ang alcohol na ipatak sa pisngi niya sa kaliwa.

"Shet! Shet! Ang hapdi shet!"

Walang imik na binuhusan ko pa ng maraming alcohol ang kamay niya na natanggalan ng kaunting balat.

"Aahhhh! Ang hapdi pucha!"

"Bakla"

"Arayyy----ar---di ako bakla"

"Tss"

"AAAAHHHH!"

Napa-smirk ako pagkatapos kong maglagay ng alcohol. Ngayon naman gumamit ako ng bulak at saka ko pinahid kung saan banda ang kanyang mga pasa.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Kanina lang kung makamura sobrang lutong ah"

"Di lang ako makapaniwala"

"Ang alin?"

"Mas pinili mo ako kaysa sa heartthrob kanina"

What the----! Gusto niya bang paliguan ko siya ng alcohol? Wala siyang binatbat kay Four 'no!

"Pinilit ako nila Denver ok? INUTUSAN mo yata kanina," sarcastic kong sabi.

Tumawa lang ang loko. Totoo naman kasi eh! Halos gulpihin ko na nga siya kanina kaka-banggit ng apelyido ko. Siraulo lang?

"Uuwi ka na? Kain ka muna sa baba bago ka umuwi sa inyo. Ipapahatid na kita kay Denver ititext ko lang sya," ani nito pagkatapos kong ligpitin ang mga pinaggamitan kanina.

"Ok na. Uuwi na rin naman ako"

Sandali akong tumingin sa malaking salamin na may stand nito sa likuran. Pagkatapos ay inayos ko 'yong uniporme ko at napansin kong natanggalan pala ako ng dalawang butones sa itaas malapit sa kinalalayan ng cravat. 'Buti na lang may doble akong suot na white sando kundi nasilipan na ako ng kapreng 'to nang wala akong kamalay-malay.

Saglit akong napalingon kay Duane na nakapikit na ang mata. Pero ewan ko lang kung nagpipikit-pikitan lang ng mga mata 'to.

Argh! Bakit ba parang may sariling buhay 'tong mga mata ko at bigla na lang dumirekta ang tingin ko sa kanya?

Inobserbahan ko siya ng ilang segundo. Doon ko nasabing mahimbing na pala itong natutulog dahil sa hilik niyang ito. Napag-isip-isip ko na napagod siguro ito kanina. Kahit papaano naaawa rin naman ako sa kanya kasi 'di pa nga gumagaling 'yong sugat niya nong binugbog siya sa likod ng storage room, tapos ngayon nadagdagan na naman.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon