Chapter 31

1K 211 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 31

'Anong oras pa lang ba?'

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko nang maibaba ko na ang kamay ko sa kama pagkatingin ko sa relo. Alas kwatro pa lang, ewan ko kung ba't nauna pa akong magising kaysa sa pagtunog ng alarm clock.

Dahil ba sa pagjogging namin nong isang araw?

Kaya pala ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto kong humiga ng ilang taon eh. Naalala ko nagjogging pala kami kahapon. At ngayon gusto ko lang muna ihilata ang buong katawan ko at nanunuot pa rin yong sakit at pagod sa mga buto-buto ko.

Sana lang di muna ako gisingi------

"DACUNO LABAS!"

Anak ng labas na 'yan! Kakasabi ko pa lang eh. Magjo-jogging na naman?

Kaiyak.

"Araw-araw ba 'tong pagja-jogging?" Reklamo kong patanong habang ramdam ko nang kinakapos na ako sa paghinga dahil malayo-layo na rin yong tinakbuhan namin. Si Adam sabi niya 'di lang muna niya sinama dahil pagod daw. Ako ba hindi?

"Required 'yon sa gang"

"Pwede exempted ako? Babae naman ako eh"

"Babae ka pala?" Sabay tinawanan ako ng lalaking 'to. Isampal ko kaya sa kanya 'tong straight kong buhok. Sakto lang malagkit-lagkit na rin dahil sa pawis.

"Sige na nga, exempted ka"

"Talaga Duane? Pwede na akong umuwi sa bahay ngayon din?"

"Sa isang kondisyon!"

Aist! Napasinghap na lang ako at inirapan siya.

"Pag nagawa mong hindi banggitin yong salitang Four sa isang araw, exempted ka samakalawa. Game ka ba don?"

Napasimangot ako don. Ang hirap naman yata 'yon. Pero dahil sa kapanan ng katawan ko gagawin ko. Bahala na!

"Yon lang ba?"

"Hinahamon mo ako Dacuno ah. Sige nga, sinong crush mong nanakit sa'yo?"

"Si Fo---ay wala, wala akong binanggit don, Duane. Ikaw naman kasi eh!"

"Ako pa ang sinisi"

"Ikaw kasi nagtanong ka pa eh"

"Syempre parte 'yon ng laro. Isipin mo na lang kasi Dacuno na gusto mo munang magpahinga kaya kalimutan mo na 'yang Four na walang ginawa kundi saktan ka"

Napapikit ako at saka ko binilisang tumakbo.

"Hoy Dacuno hintayin mo'ko!"

Ayoko nga! Kahit naman papaano pinakilig din ako ni Four 'no!

"Oy si Dacuno!" Dinig kong sabi ng isa sa mga ka-gang namin kung saan malapit na ako. "Dacuno, ba't di mo kasabay si bo----boss! Boss!"

Napatukod ako sa magkabilang tuhod ko at bumuga ng hangin.

"Ano ba 'yan boss naunahan ka pa ni Eba"

"Lalaki 'yan brad"

Pumantig bigla ang tenga ko don. Ano sabi niya?

Umayos ako ng tayo at nilapitan siya.

"D-Da-Dacuno anong gagawin mo?" Nauutal itong umatras habang ako naman ay umaabante sa kanya.

"Ano ulit sabi mo?"

"Ang--ang alin? 'Yong lalaki ka? Bakit hindi ba? Mas matapang ka pa nga kaysa sa----"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon