Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 20"Abakada help," parang nagsusumamong sambit ni Loren out of nowhere.
"Para saan ba Loren? Physics ba? Math? English? Kung sa Social Social Studies wala pa ako kasi---" natigil ako sa pagbukas ng locker ko sa pagsabat niya.
"Not that. 'Yong babae Abakada, she's flirting my ex again"
"Yong sinampal ko ng libro?" Saka siya tumango kaagad. "Aba'y 'di yata nadala sa sampal 'yong babaeng 'yon ah. Tara Loren, samahan mo'ko"
"Wait! Wait! Are you sure?"
"Babalian ko na talaga siya ng buto makikita niya. Kadami-daming lalaki, ex mo pa nakikipagharutan ang babaeng 'yon? Sarap balatan eh"
"What should I do kasi? I told Ax naman na I don't have bf yet and that he forced me to announce to all if I will let him go na lang daw"
"Grabe naman 'yang ex mo Loren ha! Pagkatapos ano, papakinabangan siya ng ibang babae once na i-let go siya? Ganon ba 'yon?"
"It seems so. I don't know Abakada, I'm so naguguluhan na"
Isinara ko ang locker ko pagkatapos kong makuha ang mga gamit ko at saka ko siya nilapitan.
"Kasi naman 'yong babaeng 'yon kating-kati na rin siguro 'yon at di na makapaghintay. Hindi mo pa naman sinabing ni-let go mo na si Ax eh yong babae, readyng-ready na umahas"
"Geez. Kaya nga need ko 'yong help mo. Makikipagkita kasi ulit sa'kin si Ax despite his schedule sa practice nila"
"Ano daw gagawin niyo?" Usisa ko naman.
"He said na we're gonna talk daw and we will try to do stuffs that made myself fell in love daw with him before. Titingnan if may sparks pa"
"Ay gets ko na, Loren. Siguro sinabi niya 'yon baka sakali man lang na magbago pa isip mo at ma-realize mong mahal mo pa rin siya, ganon?"
"That's it siguro. So right now, I need your suggestions"
"Para saan?" Interesado ko namang tanong.
"Everything for our tonight's date"
"Date? Kayong dalawa?" Namilog ang mga mata ko bigla.
"You said it right. Date nga"
"Waaaaah! Excited na ako para sayo Loren! Dali! Ano pa hinihintay natin?"
Nakayakap na pala ako sa kanya sa sobrang kasiyahang nadarama ko. Kahit papano, talagang naging malapit na si Loren sa'kin simula pa lang noong bully days hanggang ngayon na hindi na ako masyadong nabu-bully. She's always through my thick and thin. Minsan lang kaming hindi magkaintindihan pero nagkakasundo rin naman kaagad. Kaya love na love ko 'to eh.
"Is it bagay to me? Look Abakada, isn't it?" Tinapat niya sa'kin yong cocktail dress na color peach. Bagay lang naman sa kanya dahil maputi siya, subalit napaawang na lang ang bibig ko sa price tag na nakasabit sa dress.
Hala! Isang linggong allowance ko na 'yon eh!
"How about this? I think it's more bagay to me"
Hinubad niya yong suot niya kanina tapos sinukat niya 'yong squarepants at hanging blouse. Nandito kaming dalawa sa loob ng fitting room sa isang mall. Pinagkasya namin ang mga sarili namin dito sa loob ng fitting room dahil medyo masikip siya ng kaunti. Napakadaming attires kasi ang dinala ni Loren papunta dito sa loob para hindi na raw pabalik-balik.
"Wow! Bagay nga sa'yo, Loren! Eto nalang kaya!" Suhestyon ko.
"We're on the same taste pala pagdating sa clothes. I'll buy this and this. Wait, what time na ba?"
YOU ARE READING
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...