Chapter 26

1.1K 224 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 26

Malumanay akong naglalakad ngayon sa hallway habang inaalala ko pa rin 'yong mga masasayang alaala namin ni Four. 'Yong nakausap ko siya sa voice booth, pagkikita namin sa boys' locker room, pagkabungguan namin sa hallway, pagsama ko sa kanya sa diversion at pinuntahan ko siya sa gym. Kahit gaano ako kalugmok ngayon dahil sa nalaman ko, damang-dama ko pa rin kung papaano ako pinakilig ni Four.

Natatandaan ko nitong mga nakaraang araw pagkatapos kong makompirmang ex nga si Mike ni Loren, ganon din ang bilang ng araw na nagmukmok ako sa kwarto. Muntik pa ngang sirain ni papa 'yong pinto ng kwarto kung hindi ko pa ito binuksan.

Kahit sino naman yata mabibigla sa nangyari. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit nakaya ko pang manuod ng tournament nila Four kahit alam kong masasaktan at masasaktan ako. Talent ko na siguro ang magtapang-tapangan eh.

Ang sakit lang kasi eh. Sobrang masakit talaga. Minahal ko na si Mike kahit kaibigan pa lang ang turing niya sa'kin. Bawat araw na gigising ako nasasabik akong pumasok dahil nagbabakasakali akong makita ko siya sa campus. Ganon ako kasabik sa kanya mula noon pa man.

Pero ngayon hinang-hina ako sobra. Nakakakapanghina rin kase talaga. Pero makakaya ko rin 'to. Makakaya ko 'to.

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko.

"Wag ka ngang humarang sa pinto!" Tinulak-tulak ko siya sa abot ng makakaya ko pero ako lang din ang napagod sa huli. Kahit papano na-miss ko rin 'tong ginagawa niya sa'kin noon.

"Di kita papapasukin hangga't 'di mo sasabihin sa'kin na ayos ka lang," umismid na lang ako sa sinabi niyang ito. Kung maka-demand ha!

"Edi dyan ka lang!" Nagcrossed arms ako sa kanyang harapan na ikinangisi niya lang.

Ano bang trip ng lalaking 'to?

"Ibig sabihin lang ba nyan, hindi ka okay?"

"Wag ka na lang kasing humarang sa pinto! Dadaan ang maganda!"

"Kung 'yan ang makakapagpasaya sa'yo Dacuno, sige na maganda ka na"

"Tss. Salamat sa suporta"

Natigil ulit ako sa harapan niya dahil sa mahigpit na niyang pagharang. Dahi dito,halos dalawang inch na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Biglaan ang pangyayari at naramdaman ko na lang ang preskong hininga niya sa mukha ko at muntikan pa kaming magkahalikan.

Tsk. Akala ko ba aalis na siya?

"Sabihin mo muna sa'kin kung ayos ka lang"

"Kulit din ng genes mo eh 'no? Bakit ba gusto mong malaman?"

"Baka matulungan man lang kita"

Sandali muna akong sumilip sa loob baka kami na naman ang center of attraction sa room namin. Pero nakita kong may kanya-kanya namang ginagawa ang mga kaklase namin kaya hinarap ko ulit itong si Duane.

"Kung sabihin kong hindi ako okay, papano mo ako matutulungan?"

"Jowain mo ako"

What the fudge! Naka-drugs ba 'to?

"Yucks. Ew!"

"Biro lang hahaha! Ito naman kung maka-yucks. May Cassy na kaya ako"

"And so?" Pagtataray ko, dahilan para mas lalong inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin at ako na lang ang umatras baka magulat pa ako sa susunod na mangyayari.

Bigla namang may tumikhim sa aking likuran na ikinalingon namin ni Duane sa kanya.

"Ano 'yan loves? Anong ginagawa niyo? Wait, may gagawin ka ba today?"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon