Chapter 36

1K 211 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 36

"Itanong mo na lang sa mama mo, Dacuno. Pasensya na kung ako ang napiling pagkatiwalaan ng mama niyo para bantayan kayo. Humihingi ako ng despensa sa'yo"

Namalayan ko na lang ang sarili ko na biglang ngingiti-ngiti na dito sa bandang lababo pagkatapos ko siyang abutan ng towel. Nabasag pa nga ang pinggan pagkatapos niyang subukan akong tulungan eh.

Hayyy...sobrang harsh ko pala talaga noong gabing 'yon.

Minadali ko na lang ang paghuhugas ngayon ng mga pinagkainan namin ni Adam at saka na ako umakyat ng hagdan. Dinadahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto para tingnan ko kung tulog na ba si Adam. Nakapikit na ito nang matagpuan ko sa ibabaw ng kama. Ang himbing na ng tulog niya. Kaya naman pumasok na ako at sinara ang pinto. Subalit laking-gulat ko nang mataranta ako sa sigaw bigla.

Aistt!

"Akala ko si kuya Duane na eh," sabay kamot niya sa ulo at doon na siya tumawa dahil sa pagkabigla ko.

"Ah, hindi ka na ngayon masaya at dinalaw ka ng ate mo dito?"

"Baka hindi mo kayang labanin si Sadaku ate eh"

"Ganon ba ha? Halika nga ditong bata kaaa!"

"Ate! Ateeeeeeeee!"

Itinapat niya si Brownie sa'kin kaya umupo na lang ako sa kama niya.

"Naniwala ka naman sa kuya Duane mo. Tinatakot ka lang non," sabi ko, 'di ko mawari kung bakit humina ang boses ko. Bumalik na lang ulit siya sa paghiga at tumingin sa'kin.

"Eh bakit siya may palabas?"

"Imahinasyon lang 'yon parang mga cartoons"

"Yong kinuwento ni kuya Duane sa'kin tungkol kay A at D at saka ni Four, totoo ba 'yon ate?"

"Bakit 'di mo ituloy 'yong ikinuwento mo kagabi para masabi ko kung totoo o hindi"

Sana makuha ko ang loob ng batang 'to.

"Ayaw kasi niyang ipakwento sa'yo ate"

"Bakit naman? Wala naman siya dito eh. Hindi niya malalaman yon hwag kang mag-alala. Sige na, aba'y malay mo, gawa-gawa lang pala niya"

"Sige na nga po, pero kasi ate, nakalimutan ko na kung saan na ako banda"

"Ah, uhmm...'yo--'yong nagtapat ng nararamdaman si D kay A," diretso kong tugon.

"Yong nagtapat na siya? Sige ate, alam ko na 'yong susunod," saka ito huminga nang malalim. "Sabi ni kuya Duane, ate, pagkatapos daw magtapat ni D kay A, nalaman niya na may crush pala si A kay Four pero 'di daw siya pinapansin nito. Kaya nasaktan daw po si D. May kaibigan pala ate si A, si L daw. May ex daw ito na crush ni A at nang malaman ni A ang totoo, nasaktan din daw siya. T-teka lang ate, iniisip ko pa 'yong sinab---ah, alam ko na. Dahil nasaktan daw si A, nandyan daw si D para sa kanya. Tas ate, sabi ni kuya Duane," natigil siyang magkwento nang umupo siya sa kama mula sa pagkakahiga at binuksan ang bintana.

Tinabihan ko naman si Adam para silipin kung ano ang tinitingnan niya sa labas. Naaninagan ko namang may pumarang kotse sa labas ng tapat ng bahay namin.

"Ate, kaninong kotse ba 'yan?"

"Aba'y malay ko," niliitan ko pa ang mga mata ko para tingnan kung sinong nasa loob ng kotse.

"Natatakot talaga ako sa kotse na yan, ate eh. Madalas ko kasing nakikita 'yan diyan sa labas ng mga ganitong oras"

"Baka nangunguha ng mga bata"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon