Chapter 45

803 208 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 45

"Woy Ada! Wala ba talagang may nanliligaw sa'yo? Gusto mo ligawan na kita? Kawawa ka kasi eh. Panay-tingin na lang sa mag-jowa! Hahaha!"

Pangiti-ngiti akong napapaismid sa pang-aasar ng mga kaklase ko noong grade seven kami. Naalala ko pa noon, madalas akong pagtawanan ng mga kaklase ko kasi hindi pa nila kailanman nakitang may lalaking lumapit sa'kin. Hingin ang pangalan ko o 'di kaya makipag-usap man lang kung bakit nag-eexist pa ako.

Tama sila. Panay tingin na lang ako sa mga mag-jowa sa tuwing may dadaan sa bandang room namin.

Hindi naman sa pagiging bitter pero bakit ba kasi pagtungtong ng high school, kailangang may maipakitang may manliligaw ka na?

Oo naiinggit ako kahit papaano. Naiinggit ako at the same time naiinis ako sa sarili ko. Kasi magmula noong elementary sa mga slam note- slam note na 'yan, ang dami kong gustong ilagay sa top 5 crush pero kahit ni isang beses, hindi ko kailanman nakita ang pangalan ko sa listahan ng mga lalaking kaklase ko na crush nila. Sabi ko, wala nga sigurong may nagkakagusto sa'kin. Pero okay lang naman, kahit na siguro masarap sa pakiramdam na may nagkakagusto sa'yo kahit isang tao man lang. Wala talagang patawad. Wala. Kahit iyon na lang ang pang-konsolasyon eh. Kahit isang tao man lang magkamaling may magkagusto sa'kin.

Na magugustuhan ka kasi maganda ka. O 'di kaya naman matalino ka. Pwede rin 'yong mabait ka o 'di kaya masipag. Siguro pati na rin sa pagiging funny, pasok ka na sa crush list niya.

Pero aaminin ko, isa doon, hindi ako. Wala ako sa nabanggit doon na tiyak kagugustuhan ng mga lalaki. Pero sandali nga, bakit ko nga ba pinoproblema ito? Oo nga pala, panay tingin na lang ako.

Panay-tingin na lang ako. Dahil nga wala naman ako, tumitingin-tingin na lang ako sa mga mag-jowa.

Pero kalaunan, gusto ko naman maranasan ko iyon. Gusto kong maranasan ang pakiramdam na may hahawak ng kamay ko, may nakatitig sa'kin dahil gustong-gusto niya ako, o 'di kaya naman ipaparamdam sa'kin na special ako kahit papaano. 'Yong tipong dalawa lang kaming mag-uusap sa isang tahimik na lugar, tapos yayakapin ako nang matagal at biglang hahalikan.

Ang sarap siguro sa pakiramdam 'no?

Kaya nga gusto kong maranasan iyon eh. Kasi pakiramdam ko, napag-iiwanan na ako ng panahon. Pakiramdam ko, ako na lang 'yong babaeng walang lalaking may nagkakagusto sa'kin. Sabi ko nga minsan, babae ba talaga ako?

Kaya simula noon, naging atat na ako na magka-boyfriend. Kasi wala akong maikukwento kung sakaling may magtatanong sa'kin tungkol sa bagay na ito. Ah, meron pala. Iyon 'yong mga nakita ko sa ibang mag-jowa. Siguro naman magagamit ko iyon, kasi naman wala talagang may nagkakagusto sa'kin. Sa totoo lang, madali lang naman ako magkagusto pabalik eh, pero bakit ganon? Wala pa rin.

WALA PA RIN.

Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Ang buhay ko, ganoon pa rin. Mula sa kakamasid ko sa mga mag-jowa, hindi ko alam na napapabayaan ko na pala ang pag-aaral ko. Pero sabagay, ang dami namang cheaters sa klase namin eh. Bakit pa ako mag-aaral? Ga-graduate din naman ako sa susunod na taon kahit sa pagchi-cheat lang.

Pero nung nakita ko si Four slash Mike sa bulletin noong first day of school, pakiramdam ko para akong tumatakbo sa karera. Para akong nasa taas ng ferris wheel at bigla na lang iikot nang mabilis. Kasi naman, ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ang bilis-bilis pa na halos hindi na ako makahinga. Sa kanya ko lang 'to naramdaman. Dahil nga siguro, gwapo siya. Malakas ang tindig niya. Napaka-cute at ma-appeal.

Doon ko na lang nasabi sa sarili ko na gusto ko itong lalaking ito. Siya ang gusto ko. Siguro naman walang masama kung mangarap ako nang mataas at umaasang makukuha ko siya.

Kaya ako na ang gagawa ng first move.  Ako na, baka maging kami pa.

Pero ang lakas naman maka-wrong timing ng paglipat ko ng section! Hindi ko naging kaklase si Four! Naging malayo ang pag-asa ko! Hindi pa nga kami nagkakakilala ng pangalan, pinaghiwalay na kami. Ang pait naman ng tadhana sa'kin.

SECTION G. Kabilang section kung saan ako ipinasok ni Ma'am Sandra. Ang dahilan? Naging leading cheater daw ako. Tinanggap ko naman iyon kahit labag sa kalooban ko. At saka niya ako binigyan ng goal. 'Yong pakiramdam na mangiyak-ngiyak akong umalis sa dati kong section at pagkatapos, may nakaabang na pambu-bully doon sa lilipatan ko?

Baluga. Ito 'yong lalaking tinawag ako na siyang may hawak na drum stuicks. Sinigawan ako. Minura. Halos itusok na sa mukha ko ang drum stick niyang hawak. Sinadya niya ring banggain ang upuan ko. Hinaharangan ako ng pinto. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sa kanya at sa kanila para ganoon ang itrato nila sa akin. Pero sabagay, hindi naman ako maganda. Average lang ako. Binansagang leading cheater. Sa tingin ko ng mga oras na iyon, hindi ko deserve ang salitang respeto. 'Buti na lang, naiiba si Loren at siya ang naging sandalan ko.

Pero kahit ganun, galit na galit talaga ako sa lalaking 'yon! Naiinis ako sa kanya na may halong pagtitimpi! Parang gusto ko siyang patayin!

Pero mali, hindi ko dapat gagawin iyon. Kasi, kailan pa ba ako hindi natuto eh kitang-kota na akong masaktan ng ganito?

Magmula noong araw na iyon, naisip kong magkaroon ng transformation. Para na rin sa sarili ko. Para may maipon pa akong confidence kahit aping-api na ako. Para na rin kay Four at baka sakaling mapansin niya ako. Nag-aral na rin ako nang mabuti. Inayos ko ang sarili ko. Tama na 'yong mga maling gawi. Dapat ko nang pagtuunan ang sarili ko at hindi na sa mga dumadaang mag-jowa.

Inisip ko ang goal kong makabalik sa dati kong section. Nag-aral ako nang mabuti. Mas lalong napamahal kay Four kaya kahit mahirap para sa'kin ang pag-aaral, kinaya ko kasi siya ang naging inspirasyon ko. Pero hindi ko namamalayan, may napapansin na akong kakaiba sa lalaking iyon na pagod na siguro sa pambu-bully sa'kin.

Iyon pala, gusto na niya ako.

Gusto na ako ni Duane Ramirez, the greatest bully of my life.

Noong una, nawewerduhan ako sa mga pagbabago ng kinikilos niya. Hindi na siya 'yong kapreng payat na nakilala ko simula pa lang. Pero sa kabilang banda, matutuwa ako kasi may lalaki rin pa lang nagkakagusto sa'kin. Kung sino pa 'yong lalaking kinaiinisan ko, siya pa 'yong gugustuhin ang isang tulad ko.

Sa kalaunan ay pinaramdam niya sa'kin na espesyal ako sa kanya. Na nandito lang siya para sa'kin kahit na pinagtutulakan ko na siya sa iba. Na sa kabila ng masasakit na parte ng buhay ko kay Four, nandyan pa rin siya at pinapagaan ang loob ko. Kaya hindi imposibleng hindi mahulog ang loob ko sa kanya.

At ngayon, mahal na mahal ko na siya. Sobrang mahal. Ganito pala talaga kapag nagmamahal ka. Lahat nagiging magaan. Kasi nasa tabi ko siya. Palagi niya akong sinusuportahan.

Sandali akong napangiti sa kabila ng pait ng sitwasyon pagkatapos kong balikan ang mga alaala ng nakaraan ko at ng aming dalawa. Hinang-hina pa rin akong nakapikit habang nakikinig ako mula sa cassette na ikinanta ni Duane na Walang Iba nang i-record niya ito noong nag-perform sila. Wala na rin akong lakas para gumalaw pa sa aking pagkakahiga sa kwarto. Kahit sa paghinga ko dito, gusto kong itigil na lang kasi ang sakit-sakit na.

Sa mga oras na ito, gusto ko munang magpahinga dahil ramdam ko na ang pagod at puyat sa buong katawan ko. Pagkatapos akong mag-iiyak sa loob ng simbahan, diretso akong umuwi ng bahay at hindi ko na nakaya pang bumalik pa sa ospital.

Nakaka-guilty. Pakiramdam ko parang ako na rin ang pumatay kay Duane.

Sorry boiffy. Sorry. Napakawala kong silbi. Ganunpaman, nagpapasalamat ako dahil naging malaking parte ka sa buhay ko...

...kahit ikamamatay ko na rin ang pagkamatay mo.

NOT YOUR TYPICAL GIRLWhere stories live. Discover now