Chapter 49

913 199 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 49

"Waaaaahhh! Nakakalakad ka na boiffy!"

Madalian ko siyang nilapitan at inalalayan ang pagkakatayo nito baka pa siya matumba.

"Bakit ngayon ka la---------tangna girlfre ginulat mo'ko! Anong gupit yan?!"

Yumuko akong tumugon sa kanya. "A-Army cut, boiffy"

"Ano namang sumapi sayo at nagpagupit ka ng ganyan?"

"Tinadyakan ko kase yong ano ng lider ng 2F"

"Ano? Anong ano girlfre? Sinaktan ka ba nila?"

"Hindi! Hindi boiffy! Ako talaga ang nanakit sa lalaking yon kase tinawanan ka lang niya kaya nagalit ako at nagawa kong tadyakan yong ano niya"

"Ba't ginawa mo yon? Pano kung ikaw naman ang mapahamak?"

"Sila kase boiffy pinagtatawanan ka eh"

"Kahit na, hinayaan mo nalang sila lalo na't di mo ako kasama. Sinamahan ka ba nila Denver pauwi dito?"

Tumango lang ako at pinaupo ko ulit siya sa kama bago ako tumungo sa harap ng salamin.

"Nagpagupit ka ba para hindi ka ulit nila makilala?"

"Maganda pa naman ako boiffy diba?"

"Kahit anong gupit pa yan girlfre, ang pagmamahal ko sayo hindi naka-base sa haircut mo"

"Naisipan ko kaseng magpagupit ng ganito kase kasali na ako sa gang. Ayokong magmukhang babae dahil alam kong aapi-apihin lang ako"

"S-Sorry..."

Napabaling ang aking tingin kay Duane mula sa nakatingin ko salamin. Bahagya itong yumuko at nakatukod ang pareho niyang mga kamay sa gilid ng kama.

"Boiffy, anong sorry yan?"

"Ginawa mo rin yan sakin para magbago ang paningin ko sayo. Yong buhaghag at kulot mong buhok, tinali mo ng panyo sa dalawang bahagi"

"Hindi yon, boiffy. Ginusto ko rin naman yong ginawa ko"

"Halika nga dito, girlfre"

Wala akong kaide-ideyang lumapit sa kanya at tinabihan siya sa pag-upo.

"Ba't mo tinanggal yong suo--------"

"Hindi naman malabo ang mga mata mo girlfre ano?"

"Pero nakasanayan ko na 'tong suotin"

"Yong bawa't araw na paglagay mo ng contact lens at palamuti sa mukha, kailangan mo bang gawin yon?"

Tipid akong ngumiti sa kanya at naramdaman ko nalang ang paghawak niya ng mga kamay ko.

"Hindi mo na kailangang gawin yon lalo na't naka-army cut ka na. At hindi ibig sabihin girlfre na nagbago na ang anyo mo mula nung una akong umibig sayo, hindi na kita mahal"

Napayakap nalang ako sa kanya sa kanyang sinabi na nagpagaan ng loob ko.

"Sa ngayon girlfre, hindi na kagandahan at katapangan mo ang nananaig sakin. Makita lang kita o di kaya'y maramdaman ang presensya mo, buong-buo na ang araw ko. Wala ni isang minuto na 'di kita iniisip habang naiiwan akong mag-isa sa kwarto kung ligtas ka ba. Dahil para sakin simula noong maging tayo, puso na ang ginagamit ko sa pagmamahal, hindi na ang mata"

Ayokong maiyak sa mga sandaling ito pero naunahan na ako ng mga mata ko na magbadya. Kaya nung bumitaw na ako ng yakap at humarap ulit sa kanya, tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang kamay.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon