Chapter 38

1K 210 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 38

"Paano ba yan, 'di ako nanalo bilang prom king," malumbay niyang saad. Pansin ko pa ang pagsayad ng sapatos nito sa lupa na parang nawalan ng gana.

Hinawakan ko naman ang isang kamay niya, dahilan para tumigil kami sa paglalakad.

"At least 1st runner up ka Duane. Oh 'di ba? Sa 36 na sumali for prom king, pangalawa kang nanalo?" Ngumiti naman ito pagkatapos kong subukang pasiglahin siya gaya ng pinakita niyang kasiglahan nang magsisimula pa lang ang pageant kanina.

"Masaya naman ako sa first runner up eh, kaya lang 'di ko matanggap-tanggap na 'yong Mike na 'yon ang nanalo," nagpadyak pa ito ng paa nang sabihin niya ito at padabog nang maglakad muli.

"Hmmm...bakit naman? Ano na naman bang problema mo sa kanya?"

"Ikaw kasi 'yong itinanghal bilang prom queen eh"

"Ano? Ano nama-----wait Duane! Ayaw mo ba akong manalo? Sige nga isasauli ko agad itong korona bukas"

"Hindi 'yon, Dacuno. Nagseselos kasi ako sa inyo"

Aist!

Napa-irap ako ng hindi oras. Umismid naman siya sa sarili niya at nahuli ko siyang nagnakaw ng tingin sa'kin. Baka inaalam niya kung anong reaksyon ng mukha ko ngayon.

"Oo Dacuno, nagseselos talaga ako sa inyo"

"Aist! Duane naman, tumigil ka na nga"

Naglakad na lang ulit kaming dalawa sa gilid ng kalye mula sa eskwehalan. Katatapos lang kani-kanina ang pageant at dahil disoras na ng gabi, wala na kaming masakyan kaya ito ngayon, naglalakad kaming dalawa pauwi. Hindi niya raw ginamit kanina 'yong motor niya nang pumasok siya sa school kanina dahil nasiraan daw siya nito.

"Nagseselos talaga ako Dacuno sa inyo. Masama bang magsabi ng totoo?"

Napatigil muna ako sandali sa tanong niyang ito at umismid na lang siya.

Bumuntong-hininga na lang ako ngayon habang hawak-hawak ko pa rin ang gown malapit sa aking hita dahil nakasayad ito sa lupa. Hindi ko rin maipagkakailang unti-unti ko nang nararamdam ang pagod dahil sa takong na 'to pero nagawa pa rin itong iindahin.

"Sumakay ka na kaya sa likod ko," umiling kaagad ako sa alok niyang ito.

"Hindi, okay lang"

"Ako nahihirapan sa'yo Dacuno eh. Sabi ko naman sa'yo kanina sumakay ka na lang sa likod ko para 'di ka na mapagod pero ang tigas din ng bungo mo"

"Matigas na ba 'yong bungo ko kung isipin kong mapapagod ka rin agad?"

Seryoso ako nang tinanong ko siya nito pero ngumisi lang ito. Napagtanto ko na lang pagkaraan ng sandali na concern na pala ako sa kanya.

Argh! Kasi naman nakakahiya eh. Magiging pabigat lang ako sa lalaking 'to na naka-tuxedo pa rin.

"Pagod na kaya ako kanina pa. Pero handa kitang buhatin sa likod ko. Ngayon Dacuno, sasakay ka ba sa likod ko o hindi?"

"Nakakaya ko pa namang lakarin 'to kaya okay lang"

Ang tigas din naman talaga ng bungo ko eh. Halos lumuhod na ako dito para ipagpatuloy ang paglalakad ko pero nakakahiya naman kasi 'yong gagawin namin. Kaya okay lang. Titiisin ko na lang 'to.

"Hanggang ngayon kaya mo pa rin ba? Talaga lang, ah"

"Hwag ka na kasing daming sinasabi"

"Hwag ka na rin kasing magpalusot kasi alam ko naman na magaan ka lang. Hahaha! Dali na sumakay ka na"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon