The Man Who Can't Be Moved (HIS POV)

354 71 137
                                    

Mag-aapat na taon na. Ngayon na ang ika- isang libo't dalawang daan siyamnapu't siyam na gabi. Pagkatapos ng gabing ito, gaya ng napangakuan, kakalimutan ko na siya.

Sa nakalipas na mahigit tatlong taon, tuwing sa pang karaniwang oras ng alas syete ng gabi sa pangkaraniwang lamesa ng coffee shop umiinom ng pangkaraniwang frappe ay inaantay ang katangi-tanging babae ng buhay ko. Walang araw na di ako pumupunta dito. 'Di ko isusugal yung pagkakataon na kahit isang araw ay makaligtaan ko ang sinumpaang kasunduan.

Napatingin ako sa relo ko.

7:59 pm.

Binalot na ng dilim ng gabi ang kalsada sa labas, kung hindi lang dahil sa headlights ng mga sasakyang nagdaraan sa panggabing rota ang siyang nagsisilbing ilaw. Post light? Hindi ko alam pero mga hindi bukas ngayon. Baka magbukas uli sa susunod na eleksyon, kung alam niyo ang ibig kong sabihin.

Maya-maya pa'y nakita kong dumaan ang magiging pang-apat na taon na waitress sa waiting shop na ito. Doon ko napansin na wala ng ni isang kustomer na nandito kapwera sa akin. Ang waitress na nabanggit ay kasalukuyang nagtatanggal ng apron at ang kanyang liptint ay nakahanda na din, siguro para magretouch. Hindi na rin maririnig ang radio nila na laging nakatutok sa istasyong 89.9. Pati ang mga silya nilang puti at may kakaibang carvings ay nakataob na din paloob sa mga mesa. Hindi naman ako manhid para di malaman na magsasara na sila, pero kudos kay mag fo 4th year waitress, 'di niya ako pinalayas.

"Uhm ate?" nilingon ako nung waitress na tinawag ko. Itatanong ko na sana kung nakapagbayad na ako ngunit may sagot na siya agad.

"Pasensya na po sir, a-ano po kasi... hindi ko pa rin po siya nakikita. Wala rin po akong napansin na may naghihintay dito sa may kanto." Bakas ang pag-aalangan sa maingat niyang pagpili ng salita. Nakakapagtaka na alam niyang balak ko din iyon itanong, subalit naalala kong mag-iisang taon na din siyang saksi sa pamamalagi ko dito na laging iisa ang tanong bukod sa magkano ang frappe.

Pinilit kong ngumiti. Sumipsip nung natitirang lagok sa frappe, baka sakali yung sakit ay maipapababa nung frappe na papasok sa digestive system ko.

"Ah ganun ba, ate? Sige, salamat po."
Napabuntong hininga siya, at tumagal iyon sa tantya kong mahigit limang segundo. Tumayo na ako sa naging pangkaraniwang pwesto ko nagsilbing hintayan sa loob ng apat na taon na paghihintay. Inabot ko na ang bayad sa maaaring huling frappe na iinumin ko ngayon sa cafè na ito. Napaisip ako kung mamimiss ko ba ang timpla nila,  sa loob ng mag-aapat na taon halos natikman ko na lahat ng flavor sa menu nila. Aba, ito din ang nagsilbi kong kasa-kasama sa paghihintay na sa aminin ko man o hindi, ay nalalapit nang magtapos sa loob ng ilang oras.

Kung iniisip niyo kung ano bang ginagawa ng isang umaasang nilalang kagaya ko dito sa may kanto sa ganitong oras ng gabi, may hinihintay lang naman ako sa pagbalik ng isang tao.

Sinong hinihintay ko? Yung babae lang naman na kumumpleto at nagpaguho ng mundo ko. Ang corny pakinggan noh? Pero yun talaga eh. Yung mga tao kasing source ng happiness natin, asahan niyo nang kaakibat nun ay source of pain din natin sila.

Siguro naguguluhan na kayo. Siguro napapaisip kayo kung ano bang drama ang pinagsasasabi ko dito. Hayaan niyo at ikukwento kung bakit UMA ako ngayon, UMAasa.

******

Gaya nga ng sabi ko kanina, dito sa kantong pinaghihintayan ko, may katabing coffee shop. Yung coffe shop na iyon ang pinakapaborito kong tambayan. Doon kasi may mini library na pwede mong hiramin ang mga libro at basahin habang nagkakape ka.

At isa pang gusto ko doon, pwede kang umorder ng libro doon! Sabihin mo lang kung anong libro ang oorderin mo, at ipapadeliver nila sayo with free shipping fee pa! Ayos diba? 3 in 1! Coffe shop na, library na, bookstore pa! Pero di yan ang focus ng istorya ngayon, gaya nga ng sabi ko kanina na bookstore ito, umorder ako ng libro dito. Eh ang kaso, mali yung naideliver na libro sa akin. Nakatawag na ako ng ilang beses sa hotline nila pero laging busy ang linya. Sa sobrang inis ko ay minabuti ko nang puntahan yung coffeshop/library/bookstore.

   Behind The Lyrics         Where stories live. Discover now