Can't Help Falling In Love - Haley Reinhart

69 29 48
                                    

Dedicated to: blasterrism

"Rilley"

Lub-dub.

Napalunok ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Ano ba naman tong puso ko! Pangalan pa lang binabanggit niya parang may mga unicorn nang nagkakarerahan sa dibdib ko!

I looked up only to find this drop-dead gorgeous man smilling at me.

Hayss.

Makalaglag panty-este panga talaga tong si Sir Mark.

Feeling ko malulusaw ako sa titig niya, aware akong corny pakinggan pero yun talaga eh! Kung bakit naman kasi professor ko siya at estudyabte niya ako! Bawal tuloy kaming mag-ibigan!

Asa ka namang gusto ka ni Sir Mark.

Di niya ko gusto, MAHAL niya ko! CHAROT LANG! Pinapaasa ko lang sarili ko eh!

"B-bakit po S-sir?" Jusmiyo marimar naman oh! Baka mahalata ni Sir na malakas ang epekto niya sa akin! Pahamak na bunganga naman to oh!

Nakita kong napakunot ang noo "Sayaw tayo?" sabi niya sabay ngiti na naman. Diyan ako nahulog eh! Sa pangiti-ngiti niyang yan!

Wait.

Did he just...

Ask me to dance...

With him?

Sayaw tayo

Sayaw tayo

Sayaw ta- AHHHHHHHHHHHH!!!

At tumigil ang mundo ko,
Nang ayain niya akong sumayaw.

Chos.

I was so lost in my own thoughts when I I heard a snap of finger right through my face.

"Bigla-bigla ka na lang napupunta sa imagination world mo," sabi niya sabay tawa. Jusmiyo! Kanina pa pala ako nakatulala sa kanya! Ughh Rilley, get your shit together!

"Tara?" aya niya uli.

Inilahad niya yung kamay niya sa'kin in princely manner. Napatawa na lang kaming dalawa. Alam niya kasing adik ako sa mga ganung datingan, yung parang napaka-elegante nung mga galawan ng mga royalties. Kahit pa taliwas yun sa galaw ko.

Inabot ko yung kamay niya, and swear nung naglapat yung mga palad namin karamdam ako ng kuryente sa katawan ko. Nagrounded ako kaya patay na ko, The End.

De joke lang.

Inakay niya ko papunta sa dancefloor at pumwesto na. Sakto namang tapos na yung kanta at nagsalang ng panibagong kanta yung DJ.

Napalaki ang mata ko nang tumugtog ang Can't Help Falling In Love. Paborito ko talaga ang kantang yun dahil bukod sa iyon ang theme song ni Mama at Papa, sobra akong nakakarelate sa kantang ito.

Because I can't help falling in love with my professor.

"Uhm nao-awkwardan ka ba?" tanong ni Sir sabay yuko. Oo Sir ang tawag ko sa kanya, mas bet daw niya ang Sir kaysa sa Prof. Malay ko sa kanya madami ding hanash yang crush ko eh.

"Hindi naman po, bakit?"

"Kanina ka pa kasi bumubuntong-hinga tas...di ka naman tumitingin sa akin," Ahhh. Eh kasi naman baka magmukha akong creep pag tumingin ako sa mukha niya. Baka mapatitig lang ako ng matagal. Masarap kasing titigan si Sir, habang tumatagal mas gumagwapo. Tsaka baka pag hinarap ko sa kanya mukha ko, makita niya kung gano ko kapula! Ipapalusot ko na lang na napakapal yung blush-on if ever! "Nirequest ko talaga yung kantang yan kasi yan yung paborito mo, di ko lang naisip na baka ma-awkwardan ka." I don't know if I'm imagining things but, did he blush?

   Behind The Lyrics         Where stories live. Discover now