All These Years - Camila Cabello

61 23 25
                                    

"OMG! Ang damj ng inimprove mo! Hahaha!"

"Grabe ah! Pre, laki na nang...pinagbago mo!"

"Gurl! Tagal na na nung huli tayong nagkita!"

Halos puro ganyan ang maririnig mo dito. Kahit sa'n ka tumingin, mababakas sa mukha ng mga taong nandirito ang pagkasabik dahil sa muling pagkikita-kita naming dating magkakaklase.

Yung iba sa amin, sobrang laki ng pinagbago. Physically and attitudely. Charot lang yung attitudely.

Pero gayunpaman, natutuwa ako sa mga nararating ng mga dati kong kaklase. Akalain mo yang si Gener ang class clown namin ay isang comedy writer na ngayon! Naipublish na din ang ilan sa mga libro niya at naisapelikula naman ang iba. Eto namang si Michelle, ang pinakakikay sa klase, na ngayo'y isang beauty vlogger na! Sa'n ka pa! Beauty guru na si ate mong 'Kilay Is Life' ang motto! At eto naman, si Jazper. Ang suicidal sa klase namin na ngayon ay isa nang shrink! Talagang nakakaproud na naovercome niya yung depression niya at makakatulong pa siya sa mga kagaya niyang may malubhang pinagdadaanan!

I felt a wave of nostalgia as I scanned my surroundings. Yung feeling na nandito ka sa lugar na dati tamad na tamad kang pasukan, yung napapaligiran ka ng mga taong akala mo ordinaryo pero minsan nang naging parte ng buhay mo. Feeling ko naibalik ako sa nakaraan, pero may kulang.

"Teka, wala pa ba si Laurenz?" biglang tanong ni Niko. Sa pagkakatanda ko, magkabarkada sila nung highschool kami.

Whew. Buti naman at walang nang-asar sa kin-

"Uyyy! Si Camille namumula! Ayiieee! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!!!" kantyaw ni Marjorie sa akin. Aish! Nakakaasar naman si Marj! Naging center of attention tuloy ako! Tas paulit-ulit pa silang kumanta ng 'muling ibalik ang tamis ng pag-ibig' ! Ang akala ko pa naman wala nang makakaalala!

Pa'no nila malilimutan eh isa kayong living proof ng #RelationShipGoals nun.

Okay, ayan na naman yung inner self ko. Minsan talaga ume-extra yan, wag niyo na pansinin.

"Nako! Cr na nga muna ako!" palusot ko para makatakas dahil walang humpay pa din ang pang-aasar nila.


Pagdating ko sa cr, napansin kong may salamin na. Dati kasi wala, improving ang school namin ah Haha!

Lumapit ako at nagretouch ng makeup. Sheez! Nag-iinit yung mukha ko! Wala naman akong lagnat ah?

Duhh. Siyempre dahil yan yung sa kanina, yung kay 'Laurenz-thingy' .

Posible kaya? Pero...matagal na yun.

"Hindi! Umayos ka Camille!! Nakamove-on ka na diba?! Diba?! Nabanggit lang pangalan niya, bumilis na tibok ng puso mo! Naalala mo lang, nag-init na agad pisngi mo! Umayos ka!!"  Ugh. Feeling ko nababaliw na ko sa ginagawa ko. Pero nakamove-on naman na ako diba? Imposible namang di pa ko nakamove-on sa lagay na ginawa ko na lahat! Naging laman na nga ako ng samu't-saring mga Moving-On session eh! Tsaka nagkaboyfriend na din naman ako pagkatapos niya. Yun lang nagbreak din kami after 2 months.

Kasi si Laurenz pa rin nasa isip mo noon.

Aish! Mali! Akala ko lang yun dahil sa nostalgia na nararamdaman ko. Tama, ayun nga!

Lumabas na ako ng cr para makisaya sa kanila nang bigla akong nakarinig ng hiyawan mula sa mga dati kong kaklase. Sinilip ko kung anong mayroon at...

Shets. Literal na napanganga ako sa nakita ko...

"Pareng Laurenz! Naks! Gwapong-gwapo pa din ah tulad ko!" sabi ni Niko na dahilan ng pagtawa ng mga former classmates ko, at pati na din niya.

Namiss ko ang tawa at ngiti niya.

   Behind The Lyrics         Where stories live. Discover now