Qing Fei De Yi - Harlem Yu (English Version)

21 5 0
                                    


Nagbukas ako ng twitter dahil na din sa pagkabagot ko dito sa bahay. Well, ganito naman lagi peg ko pag bakasyon.


FACEBOOK

MESSENGER

IG

TWITTER

YOUTUBE

REPEAT



Wala namang di pangkaraniwang notif sa twitter ko. Puro patungkol sa likes nung iba kong tweets, tweets ng mga finafollow kong sikat na artista at kung ano-ano pa.


Matapos ang ilang sandali kaka-scroll, like at retweet sa mga tweets, napagdesisyunan kong buksan ang Curious Cat account ko. Di gaya dati na umaabot hanggang 10, tatlong tanong lang mula sa/sa mga anonymous na tao ang nadatnan ko ngayon. Yung isa pa dun ay daily question ng CC. Siguro dahil na din sa di na bago itong account o di kaya'y napagod na din yung mga kaibigan kong pestehin ako HAHAHAHA.



Parehong walang kabuluhan yung dalawang tanong kaya nag-proceed na ako sa daily question ng CC. Pagkabasa nito ay di ko napigilang mapataas ang kilay ko.





Paano ba naman, yung tanong ay "If ever you have romantic feelings in one of your bestfriends, will you confess it?". Di naman sa nakakarelate ang ate niyo pero parang ganun na nga.


Di ko maiwasang di siya maisip. May balak nga bang magconfess ung sarili ko sa kanya?


Mabilis kong tinype ang sagot na "I wouldn't dare to do that. For I don't want to risk of getting our friendship ruined just because of my unrequited feelings." Then, hit post.


I scrolled a few more tweets when I feel myself slowly drifting in sleep.



***


Nagising ako sa sunod-sunod na pagring ng phone ko plus vibrate. Kinusot ko ang aking mga mata tsaka in-on ang phone ko. Biglang nagising ang diwa ko dahil sa gulat nang makitang sabog ang notifications ko, karamihan dun ay galing sa twitter. Dahil na din sa kuryosidad sa anong ganap sa twitter ay agad ko itong binuksan kahit na nakakadama na ko ng gutom.


Halos lumaki ang mata ko nang makitang lagpas 2k na ung likes nung tweet ko dun sa sagot ko sa daily question ng CC. Samantalang meron nasa mahigit 1k ang retweets at malapit na ding mag 1 k yung comments.


Marami-rami din ang nadagdag sa mga followers ko. Mula sa 105 followers, ngayon ay nasa 510 followers na. Kung ibang tao to, siguro ay nasiyahan na sila ngunit naaasar lang ako. Nalimutan kong i-private 'tong account ko. Ugh, gosh I hate the attention. Madalas pa naman akong magdrama sa twitter account na ito, that's why konti lang yung followers. I made sure na yung mga taong nagpafollow sa akin is yung mga taong pinagkakatiwalaan ko, (which is ang ironic kasi sa social media tas nakalimutan ko pang magprivate ). Also, I don't how to handle the spotlight well.


I block ko na lang kaya lahat ng unnecessary followers? Lol.


Karamihan sa mga comments ay mga mentions. Siguro mga kabarkada nilang makakarelate o yung mismong mga frenny nilang pinaglilihiman ng feelings?


Ang iba naman ay galling sa mga necessary followers ko, commenting how they wish I wouldn't forget them 'cause I am now "famous". It's not like I won in PBB or something. Whatever.


While I'm skimming thru' the comments, one has catch my eye. Marami din ang retweets at like nung comment tweet na iyon, at gaya kanina ay napataas ang kilay ko pagkabasa nito.



ShHhhhHH


@kwayetlungss

But what if he feels the same pero naghihintay lang ng sign mula sa iyo? Edi nasayang yung pagkakataon. Hindi sa lahat ng pagkakataon we'll keep on playing safe, we should also try to take risks ; )


WTF


SINO SIYA SA AKALA NIYA PARA SABIHING I'M JUST PLAYING SAFE?!


Tsk. May mga tao talagang di maiintindihan yung kalagayan ko. Yung maiinlove ka sa katropa mo? Kasi kapag nagkanda leche-leche lahat, di lang mawawaa yung chance na maging kayo kundi mawawala pa yung pagkakaibigan na ilang taon niyo ding pinagtibay.


Yung 4 years niyong friendship? Kayang i-wipe out niyan ng pagkailang, trust me on this one.




Dala na din ng inis at kuryosidad ay pinindot ko ang profile niya. Nagulat ako dahil wala siya masyadong followers. Ang weird din ng dp niya which is picture ng isang gulat na pusa. Samantalahang blangko naman ang kanyang header. Pinakakinagulat ko is kanina lang ginawa ang account na ito, idk pero I smell something fishy. And I'm not pertaining sa relyenong bangus na niluluto ni ermats sa kusina, ah.



Matapos kong iistalk ang account niya ay talagang pinag-isipan ko pa ang irereply ko para maipaglaban ko ang damdamin ng mga katulad kong friendship na lang ang pinanghahawakan sa mga taong kinahuhulugan nila.



S A B RI N A H


@sbrnhrnndz

"What if". The possibility of him not feeling the same is still there, also having the possibility of getting ur friendship ruined. And may I emphasize, FRIENDSHIP - yung bagay na tangi mong panghahawakan para ma-include ka pa sa sa lyf niya. This isn't playing safe; this is called "Being contented on what you have rather than ending up with nothing."


Wala pang 5 minutes ay nagnotify na sa akin ang reply niya. So talagang palavarn siya ah.



ShHhhhHH


@kwayetlungss

Paano mo masasagot ang mga "What ifs" if di ka magririsk? Its either "One Day or Day One". Tsaka you can start by dropping hints and signs, di ko naman sinabing diretsahangg kang magconfess. Showing signs that this person is special to u wouldn't cause a ruined friendship. Read his body language pag nagrespond sa 'signs' mo, then tsaka mo pagdesisyunan kung ipagpapatuloy mo pa or u'll stop na depende sa kung paano siya nagrespond. Start with baby steps. Keep in mind na maiksi ang buhay to spend it under the covers. One day, baka bigla mo na lang pagsisihan na di mo naipahayag ang mga nararamdaman mo o baka naman mapagtanto mong nahuli ka na pala. Atleast pagtanda mo, kung may magtatanong man sa iyo abt diyan ay mabibigyan mo sila ng answers based on ur experiences hindi yung you'll wonder what could possibly happen. And don't worry abt the ruined friendship, magkakaroon man ng ilanganpero kung true friend ang turing niya sa iyo hindi ka din nun matitiis ; )




Wow. Just wow.


As much as I hate to admit it... ShHhhhHH is right. What he/she said is an eye-opener para sa mga kagaya kong natatakot magrisk or magtry since natatakot ako sa magiging resulta. And hey, life is really short to be tangled up with our fears. Showing someone what they really mean to u isn't a bad thing right?


I breathed deeply as I shifted from twitter to Facebook Messenger. I start thinking for a catchy start in our conversation as I opened our chatbox.


Nakailang type-delete ako dahil di ko alam paano ko 'to sisimulan. For Pete's sake this is just a convo, Sab. Pero yung pagsesendan kasi, he's not just a person.


Okay eto na, hitsend.




Me: Oii


Me: Gala tayo ngayon? Wanna spend some time with u : )


Him: Yii33, is this the 'sign'? HAHAHA


Me: Ahh so nabasa mo na agad? HAHAHAH


Him: Di na din masama yung move na ginawa ko hahaha


Me: Move?


Him: Yeah, by knocking some sense in you. Para makita ko kung tama ba yung kutob kong natatakot ka lang magparamdam sa akin ;)


Him: Which is I guess,what I did is success ; )




OMG.





Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 07, 2019 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

   Behind The Lyrics         Où les histoires vivent. Découvrez maintenant