Oks Lang Ako - JROA

158 29 16
                                    

Hindi na kita kilala.

Sino ka ba?

Sino ka na nga ba?

Hindi na ikaw yung taong nakilala ko.

Hindi na ikaw yung taong minahal ko.

Nagbago ka na.

Na sa sobrang laki ng pinagbago mo, naging isang estranghero ka na sa akin.

Anong nangyari sa iyo?

Nasan na yung ngiti at tawa mo na sa akin mo lang ipinapakita?

Bakit tila ba napalitan ng walang ekspresyon ang mukha mo?

Hindi na ba kita napapasaya tulad ng dati?

Iba na ba ang dahilan ng pagngiti at pagtawa mo ngayon?

Tila ba nayayamot ka na sa aking mga biro, na noo'y kinagigiliwan mo.

Anong nangyari?

Pagod ka na ba?

Napapagod ka na bang intindihin ako?

Napapagod ka na bang mahalin ako?

Wala na ba talaga?

Wala na ba talagang pag-asa na maisalba natin kung ano pa ang natitira?

Het pa ko oh, pilit na hinihigpitan ang kapit natin sa isa't-isa.

Pero sa patuloy na paghigpit ko ng kapit, ay siyang patuloy mo sa pagkalas.

Ayokong magpadala pero anong silbi ng higpit ng pagkakahawak ko sa atin, kung kumakalas ka na.

O baka naman napagtanto mo na,


Napagtanto mo na ba na hindi ako kagaya ng inaakala mo?

Na hindi ako kasing perpekto kagaya ng iniisip mo?

Na wala ka naman talagang minahal sa akin?



Paulit-ulit mo sa'king sinasabi ang mga katagang mahal kita, pero taliwas naman sa iyong bibig ang pinaparamdam mo sa akin.

Mahal? May mahal bang natitiis hindi kausapin?

Mahal? May mahal bang uunahin mo ang laro kaysa sa kanya?

Mahal? May mahal bang kailangan pang magmakaawa sa paghingi ng atensyon mo?

Pilit kong hinahanap kung nasaan na yung lalaking minahal ko.

Yung lalaking gagawin ang lahat hindi lang kami maputulan ng koneksyon.

Yung lalaking hanggang ipagpalit ang pagtulog niya masumpungan lang ako.

Yung lalaking gagawin ang lahat maipadama niya lang kung gaano ako kahalaga sa kanya.

Ngayon? Iba ka na. Ibang-iba.

Ngayon, samu't-saring mga palusot dinadahilan mo para lang di tayo makapag-usap.

Ngayon, inuuna mo na ang laro kaysa sa akin. Na di ko maiwasang isipin na baka nga mas importante pa yan kaysa sa akin, na baka mas napapasaya ka niyan kaysa sa akin. O baka gaya niyan, isa lang akong laro para sa'yo.


At ngayon, ginagawa mo ang lahat maramdaman ko lang kung gaano ako ka walang kwenta sa'yo.


Na dati ikaw ang dahilan ng pagtawa ko, ngunit ngayon...

Ngayon ay ikaw na ang dahilan ng pag-iyak ko.


Na dati'y ngiti, tawa at kilig ang dulot mo sa akin, na ngayon ay luha, pagtataka at sakit ang siyang idinudulot mo.

Maraming mga tanong ang nasa aking isipan pero ni isa walang sagot.

Dahil di gaya dati, ngayon wala ka nang paki sa kung ano ang iisipin ko sa'yo.

Hindi mo na pinapahalagahan ang opinyon ko

Hindi mo na pinapahalagahan ang mga sinasabi ko

Hindi mo na pinapahalagahan ang kung ano ang mayroon sa atin

At higit sa lahat...

Hindi mo na ako pinapahalagahan tulad ng dati, dahil sa ngayon,


Hindi ka na takot na mawala ako sa piling mo.

Dahil iba na ang ikinakatakot mong mawala sa iyo.

Iba na din ang gusto mong hindi maputulan ng koneksyon.

Iba na din ang ipinapagpalitan mo ng pagtulog masumpungan mo lang siya.

Iba na din ang mahalaga sa'yo.

Kahit di mo sabihin, alam ko.

Alam kong lahat ng iyon.

Dahil kahit gaano ko gusyong lokohin ang sarili kong ako pa rin,

Kahit anong dikta ng utak ko,

Alam yun ng puso ko.

Dahil hindi na pangalan ko ang itinitibok ng puso mo.

   Behind The Lyrics         Where stories live. Discover now