4

14.9K 310 13
                                    

Mabilis na lumipas ang tatlong araw, nag celebrate kami ng ika-dalawang taon ng relasyon namin ni Clarise. Masaya kami ng araw na yun, magdamag na nasa unit lang kami, nag kataon rin kasi na wala kaming pasok ng araw na yun kaya naman nagkasama kami ng matagal.

Umorder lang kami ng makakain at nanood ng movies, nag laro rin kami ng games na kaming dalawa ang magkalaban. Ganyan lang kaming mag celebrate, hindi kami yung kagaya ng ibang couple na nanaising mag mall or kumain sa mamahaling restaurant. Mas gusto kasi namin na may privacy, ayaw namin ng macrowd.

Papasok na kong muli sa school, pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nag lapitan na naman sa'akin ang mga kababaihan na nag sisigawan o kaya ay nag bubulungan na rinig ko naman, muli ay hindi ko sila pinansin. Sa nag daang apat na araw na pasukan ay tila naging artista ako sa lugar na to, naiirita ako dahil akala ko ay mas matatahimik ang mundo ko pag dito ako nag aral pero tila malala pa ito.

Nung ikalawang araw ko ay nag tago lang ako sa rooftop ng mag lunch break kami, 3hours yun buti na lang at dinalhan ako ni Clarise ng pagkain kundi ay aattend ako ng klase ng gutom. Maraming college student na tila kulang sa pansin ang humahabol sa'akin. Hindi nila ako tinitigilan hangga't hindi sila nakakapag papicture sa'akin para may maipag yabang sa mga kakilala nila na kaclose kuno nila ang panganay na anak ni dad.

Kung alam lang nila na anak ako sa unang asawa ni mom ay baka hindi sila magkaganyan. Baka habulin nila ako sa ibang dahilan.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng mag hulasan ang mga tao dahil dumating si Clarise. Alam rin ng mga katabi naming building kung anong meron kami, hindi naman kasi namin ito itinatago sa kanila. Sadyang kila mom at kila Uncle Terrence lang namin hindi masabi.

"Hay nako Chickboy. Kakabahan na talaga ako niyan ah" Umiiling iling na tugon neto, nakarinig naman ako ng tawanan sa paligid namin. Lumapit ako dito at inakbayan siya.

"Masyado kitang mahal para ipagpalit sa kung sino sino. Fans natin sila no,hindi mo sila kaagaw." Tugon ko. Tumawa naman ito at mahinhin na pinalo ang braso ko.

"Ilang minutes na lang class ko na, wag mo na din akong sunduin mamaya." Tugon neto na ikinakunot ng noo ko.

"Why?" Huminto ako sa pag lalakad.

"My 1st project na ibinigay sa'amin kahapon. Group project siya." Tugon neto.

"Ilang lalaki...."

"Dalawa sila at parehas may girlfriend. Ano ka ba?" Hinalikan ako neto sa labi sandali. "I love you. Text me pag nakauwi kana ah?" Tumango ako.

"Clarise?" Tawag ko. Ngumiti naman ito saakin. "Pwede ba kong mag bar?" Nawala ang ngiti neto sa mga labi at bahagyang nag salubong ang kilay niya kaya naman agad akong nag panic. "K-ung ayaw mo.." Napatigil ako ng bigla itong tumawa ng bahagya.

"Oo naman. Niloloko lang kita. Basta wag kang iinom masyado, may pasok kapa bukas. Text me pag pauwi kana." Muling hinalikan ako neto sa pisnge bago ako tinalikuran at pumasok sa building niya.

Mabilis na natapos ang araw na yun, halos ilang buwan na rin akong hindi nakakapag bar. At ito ang unang pagkakataon na mag bar ako dito, kahit na gusto kong isama si Clarise para mabantayan niya ang galaw ko ay hindi maari. Under age pa lang kasi siya kaya hindi pa siya hahayaan na pumasok sa loob.

Tahimik na tinahak ko ang bar.. Kung saan hindi ko aakalain na babaguhin neto ang lahat sa'amin ni Clarise.

                                ••••••

"Shot! Shot! Shot! Shot!" Sigaw nila, medyo nahihilo na rin ako, gusto ko na sanang tumigil sa pag inom dahil tumawag na rin saakin si Clarise na pinapauwi na ako umoo ako pero hindi ako sumunod, nakokonsensya ako pero etong mga kasama ko ay kinukulit ako lalo na tong si Spencer.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon