15

12.1K 257 36
                                    

CLARISE'POV

Nakapikit na inamoy ko ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko pag labas ko ng eroplano na sinakyan namin nila mom. Napangiti ako ng mag mulat ako ay bumungad sa'akin ang napaka gwapong itsura ni Skyler. Hinawakan ko ang kamay niya tiyaka kami sabay na bumaba.

Pag labas namin ng airport ay napag usapan na mag pahinga na muna sa isang fast food na malapit doon, hindi parin kasi dumadating si uncle Carlo na siyang susundo sa'amin.

Pag dating namin sa isang fastfood doon ay napalingon ako sa isang gasulinahan. Bumungad ang ngiti sa mga labi ko ng makilala ang isang lalaki na kumakaway sakin.

"Ahmp. Skyler, mag cr lang ako doon." Sabay turo ko sa gasulinahan. Kumunot ang noo netong tumingin sa tinuro ko at tumingin sa'akin.

"Why? They have own comfort room here. Bakit doon?" Nginuso niya ang tinuro ko sa'kanila.

"K-asi ano... M-ay titingnan lang din ako, something caught my attention." Dahilan ko. Tumango naman ito bago ako tuluyang tinalikuran at lumapit kila mom. Napabuntong hininga ako na isiping hindi man lang niya ako sasamahan pero okay na rin iyon.

Nag mamadaling nag lakad-takbo nag ginawa sa paglapit sa lalaking iyon. Nang tuluyang makalapit ako sa'kanya ay hinila ko siya sa cr na pinaka malapit. Pag pasok namin sa cubicle ay niyakap ko siya ng napakahigpit, ganun rin naman siya sa'akin.

"I miss you so much." Turan neto at inamoy-amoy pa neto ang batok ko na lagi niyang ginagawa pag patago kaming nag kikita sa america.

"I miss you to, Spencer." Isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya. Napatawa ako ng maramdaman ko ang banayad na pag halik niya sa batok ko.

"Sorry hindi ako nakaattend kahapon sa graduation mo." Pinalo ko siya sa balikat niya pero mahina lang.

"Im... Sad! Hinahanap kaya kita kahapon but then walang Spencer na dumating. You're bad." Turan ko.

"Tsk. Sorry okay?" Hinawakan neto ang magkabilang pisnge ko at hinalikan ang ibabaw ng ilong ko. "Nakaayos na ang hideouts natin, pwede tayong magkita doon whenever you want." Nakangiting balita neto. Tumango ako at hinalikan siya, gumanti naman ito pero mabilis niyang pinutol ang halikan naming iyon.

"Let's continue it some other time. Baka dito ko maparamdam sayo kung gaano kita kamiss." Natawa ako ng kagatin niya ang ibabaw ng labi ko. "Bumalik kana doon, i'll text you later the address of our hideouts. I'll make sure na malapit lang iyon sa University." Umayos ito ng tayo at binuksan ang cubicle na pinasukan namin, hinalikan ko pa siya saglit at lumabas na doon.

Paglabas ko ay nagulat pa ako ng makita kong papalapit na si Skyler sa pwesto ko, nag panik ako at natakot na baka biglang lumabas si Spencer. Hindi pa pwedeng malaman ni Skyler to, hindi pa ko handang mawala siya. Kelan lang siya napunta sa'akin. Ayokong masayang ang mga taong pag hihirap ko.

"S-kyler!" Sigaw ko. Sana naman ay makuha ni Spencer ang sigaw kong iyon. Bumuntong hininga ako habang nag lalakad ng mabilis papalapit kay Skyler na nag lalakad parin palapit sa'akin.

Nang tuluyang makalapit ako kay Skyler ay hinawakan ko siya agad sa braso at hinila pabalik kila mom.

"B-akit?"

"Aalis na daw tayo." Simpleng sagot neto pero nararamdaman ko ang matinding excitement niya.

Habang nasa sasakyan ay ipinikit ko ang mga mata ko at doon inalala kung ano ba ang ginawa ko 4years ago.

Habang nasa klase ako ay bigla na lamang dumating si Spencer at inexcuse ako sa profesor ko. Good thing na kilala ang dad ko ng mga teacher dito kaya naman napapayag agad ni Spencer ito.

Soldier Of Love (Complete)Where stories live. Discover now