24

13.4K 256 4
                                    

PRINCE SKYLER 'POV

Kinabukasan ay nagising ako ng maramdaman kong may panay halik sa pisnge ko. Napangiti ako habang nakapikit parin ang mga mata ko ng makarinig ako ng bungisngis ng isang bata. Bungisngis galing sa anak ko.

Hinayaan kasi ako kagabi ni Stacy na matulog sa tabi ng anak ko. Habang siya ay sa sarili niyang kwarto. Nag mulat ako ng mga mata ko ay lumingon sa anak ko. Nakatitig ito sa'akin at tumawa pa.

"You're awake! Yeheey! Mom! Dad is awake now!" Sigaw neto bago nag mamadaling bumaba sa kama at nag tatakbo sa labas ng kwarto. Tumayo naman ako at sumunod sa anak ko.

"Good morning" Bati ko ng makarating ako sa kusina at makitang nag hahanda ng pagkain si Stacy sa lamesa.

"Upo na kayo. Kain na tayo." Salita neto. Napangiti namang sumunod ako sa gusto niya. Umupo ako sa upuan at tumabi sa'akin si Winter.

"Yiie. Kompleto tayo ngayon hihihi. Sana araw araw po tayong ganito" Salita ni Winter habang masayang nakatingin sa pinggan niya, nag katinginan naman kami ni stacy pero mabilis siyang umiwas ng tingin sa'akin pilit na ngiti na lang ang isinagot ko sa anak ko.

"Maliligo lang po ako." Turan ni Winter ng matapos na siyang kumain. Mabilis siyang umalis sa upuan at muling tumakbo kung sana.

"Umuwi kana. May pasok ka parin diba? Ako ng bahalang mag ligpit neto."

"Stacy." Gulat na lumingon ito sa'akin.

"Pwede pa naman natin tong ayusin diba? I mean, gusto kong mag sama na tayo." Salita ko. Inilapag neto ang mga pinggan na kinainan namin sa lababo bago lumingon sa'akin.

"Ayoko." Naguguluhang tumingin ako sa'kanya.

"What?"

"Ayokong magsama tayo dahil sa anak natin. Ayokong sabihin ng ibang tao na ginagamit ko ang anak natin para makasama kita. Hindi ko ipag dadamot sayo si Winter pero please wag na wag mong sabihin sa'akin na magsama na tayo dahil lang sa anak natin" Mahabang lintanya neto. Nag simula na siyang mag hugas pero ako ay tila nagulat sa naging reaksyon niya. Umiling ako.

"That's not what i mean Stacy. Hindi pa ba malinaw sayo ang sinabi ko? I still love you. I really do." Salita ko. Lumapit pa ako sa'kanya pero natigil iyon ng mabilis itong umiling.

"Ilang taon na ang lumipas Skyler. It's already 5 damn years had past. Tapos sasabihin mong mahal mo parin ako? Balita ko nga kqy kuya ay nag kabalikan kayo ni Clarise. Malay ko ba kung ilang beses ng may nangyare sa'inyo at nabuntis siya." Tumango ako ng lumingon ito sa'akin. Binitawan niya ang pinggan na hawak niya at lumapit sa'akin ng bahagya.

"A-no? Nabuntis mo siya?" Umiling ako. "Eh ano?!" Paiyak na salita neto. Lumapit ako ng tuluyan sa kanya at hinawakan ang mag kabilang kamay niyang basa at may sabon pa.

"Oo buntis siya. Oo may nangyare sa'amin pero hindi ako ang ama nung dinadala niya" Salita ko. Binitawan neto ang kamay ko at lumayo sa'akin.

"Ganyan ka ba ka irresponsable? Ginawa niyo yun tapos idedeny mo? Siraulo ka talaga no?" Salita neto. Natawa naman ako sa reaction niya. Iba kasi ang sinasabi ng mata niya kesa sa sinasabi ng bibig niya. "Anong nakakatawa hah?" Ines na tanong neto.

"Hindi nga kasi ako ang ama non, kundi si Spencer." Salita ko. Nanlaki ang mga mata neto at naitakip pa ang kamay niya sa bibig niya. Lumapit naman ako sa'kanya habang siya ay napaatras.

"Paanong nangyare yon?" Tumigil ako sa pag lapit sa'kanya at napatikhim. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Sila habang kami." Simpleng salita ko. Muling nanlaki ang mga mata niya.

Soldier Of Love (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu