25

13.7K 265 2
                                    

PRINCE SKYLER'POV

"Yaa tama na po daddy hahahahaha" Halos mag makaawang salita ni Winter sa'akin habang walang humpay ang pag tawa niya. Muli ay nag make face ako at muling tumawa ito ng malakas.

Nakaupo kaming dalawa sa kama niya at mag kaharap. Kakatapos lang naming kumain at hinayaan naman ako ni Stacy na matulog ulit dito.

"Daddy?" Biglang salita neto habang nanonood kami ng cartoons. Ngumiti akong tumingin dito at nag iintay ng sasabihin niya.

"Pakakasalan mo ba si mommy?" Tanong neto. Nagulat naman ako sa itinanong niya. Tila natulala ako sa sinabi neto at napaisip.

"Bakit mo naman natanong iyan?" Pilit na ngiting tanong ko. Ngumiti ito.

"Kasi po anak niyo ko.. Gusto ko po maging masaya si mom. Gusto ko pong makita siyang happy kasi lagi na lang ako ang pinapasaya niya" Salita neto habang nakapout pa.

"Ang tanong ay gusto ba ng mommy mo na pakasalan si daddy?" Tanong ko. Tumango naman ito habang nakatingin sa TV. "Talaga? Paano mo naman nasabi?"

"Eh kasi sabi ni mom nung nakaraang gabi kay Papa Khail, hindi naman nag change feelings niya sayo eh" Salita neto. Nag takang napatingin pa ako sa anak ko habang siya ay titig na titig sa TV. Pambihirang bata to.

"Boyfriend ba ng mommy mo si Khail?" Tanong ko. Nagulat ako ng biglang tumawa ito. Ngayon ay napapaisip ako kung anak ko ba ito. Sobrang mabungisngis siya at hindi ako ganto. Pero tuwing naalala kong ako lang ang nakatalik ni Stacy noong bago siya mag buntis ay hindi ko na kaylangang kwesyonin pa. Dahil alam kong ako lang ang minahal noon ni Stacy, at wala ng iba pa.

"Bakla po si papa Khail. Natawa na nga lang po ako noon nung sinabi ni mom na boyfriend niya si Papa Khail e may boyfriend si papa" Salita neto. Tumango lang ako pero hindi na sumagot pa. Tahimik lang kaming nag patuloy sa pinapanood namin

Napalingon ako sa anak ko ng bigla na lang siyang bumagsak sa bandang legs ko, napatawa pa ko ng mahina ng mapagtanto kong muling nakatulog ito sa kakapanood. Tiningnan ko pa ang orasan mula sa relo ko. Medyo late na rin kaya pala siya nakatulog.

Nakangiting iniayos ko siya ng higa at kinumutan, pinatay ko na rin ang TV bago ko naisipang lumabas ng kwarto ay tinitigan ko pa siya saglit.

"Bakit mo sinabing boyfriend mo si Khail?"

"Ay palakang gwapo!" Sigaw neto. Natawa naman ako sa isinigaw neto. Gulat na gulat siyang nakatingin sa'akin habang ako naman at tawang tawa. "Ano ba? Bakit ka ba nang gugulat?" Halos pasigaw na salita neto. Umiling na pinipigilan ko ang tawang lalabas sa bibig ko.

"ssshh. Tulog na si Winter." Salita ko. Tumalikod naman ito sa'akin at pinag patuloy na niya ang pag punas sa pinggan na ginamit namin kaninang dinner.

Para kaming masayang pamilya. Kasal na lang ang kulang.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa naisip ko. Lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likod, naramdaman ko pa ang pag taas ng balikat niya tanda ng pagkagulat niya.

"Sky..."

"Sshhh. I want to hug you like before. I miss this Stacy. I miss us" Bulong ko habang inaamoy ko ang batok niya. Ramdam ko din ang malalim na pag hinga niya.

"S-kyler" Mahinang ungol neto ng idampi ko ang labi ko sa batok niya. Ang mga halik kong iyon ay lumipat papuntang leeg niya kasabay ng pag hila ko sa'kanya paharap sa'akin.

Napayakap si Stacy sa'akin ng tuluyan kong mahubad ang suot niyang sando at bra. Titig na titig kami sa mga mata naminnat tila ayaw bitawan ang titigang iyon. Bigla ay binuhat ko si Stacy na parang bagong kasal habang siya naman ay nakayakap sa'akin, hindi parin namin tinitigilan ang pag titig sa bawat isa hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.

Soldier Of Love (Complete)Where stories live. Discover now