10

12.6K 227 8
                                    

STACY MARIE'POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, habang tumatagal ay natatakot ako sa mga mangyayare pa, natatakot ako na sa pagkakataon na ito ay subukin na ang relasyon namin ni Skyler. Alam kong isa sa mga araw na to ay kukunin na siya sa'akin pero gagawa ako ng paraan para hindi ito matuloy, kahit humawak pa ko at humingi ng tulong kay kamatayan wag lang kaming pag hiwalayin ni Prince Skyler ay gagawin ko.

Bukas na matatapos ang hinihingi kong palugid sa mga Villamore maging kay kuya. Kinakabahan man ako ay buo na ang plano ko, aayain kong makipag tanan si Skyler sa'akin. Alam kong papayag ito dahil sa nag daang mga linggo ay pinaramdam neto sa'akin kung gaano niya ako kamahal.

Gagawin ko ang bagay na yun hindi dahil susuwayin ko ang utos nila lolo at ang mailayo sa'akin si kuya, ayoko silang hindi sundin pero ayaw ko rin namang ilayo sa'akin ang taong nag bigay sa'akin ng saya at kinompleto ang buhay ko.

"Hey. Are you okay?" Biglang tanong sa'akin ni Skyler. Magkasama kami ngayon sa rooftop at nag uusap sa gagawin namin mamaya.

Ito ang 1st monthsarry namin ni Skyler, gusto niya tong icelebrate like a normal couple.

"Y-es. Uhm. What if, punta na lang tayonh amusement park? Or, picnic tayo sa isang lugar na maganda ang view. Right?" Tanong ko. Napaisip naman ito at maya-maya lamang ay tumango.

"Sure. Tara na sa condo ko." Bigla itong tumayo sa pag kakaupo. Natawa naman ako sa sobrang pagkaexcite niya ay nakalimutan niyang may isa pa kaming class mamayang 10:00-12:00pm.

"Ano ka ba? May class pa tayo." Salita ko. Sumimangot ito pero agad ngumiti. Kinuha niya ang cellphone niya at nag dial. Napakunot lang ang noo kong pinapanood siya.

"Uncle Jackson." Biglang salita neto. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang tinawagan neto. It's the owner of our university.

"Skyler! Ano bang ginagawa mo!" Nahihiyang tanong ko dito, ngumiti lang ito sa'akin at kinindatan ako.

"Can you suspend the class today?" Biglang tanong neto, lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi neto. Pero tinalikuran niya ako ng makita niyang may sasabihin na naman ako. "Please Uncle. Ngayon lang ako hihingi ng favor to you, kaya pagbigyan mo ko." Natawa ito pero umoo na lang sa kausap niya. Maya maya pa ay ibinaba na niya ang tawag.

"Yan, wala na tayong problema. Ayos ba?" Sabay kindat neto. Natawa ako at tumayo sa pag kakatayo. Niyakap ko siya ng mahigpit at binigyan ng malalim na halik, mabilis naman siyang gumanti. "Shit. Let's go okay? Baka hindi na ko makapag pigil eh." Tugon neto bago ako hinila palabas ng rooftop.

Namamanghang nakita ko ang mga estudyanteng masayang nag sisilabasan sa mga room nila, ibig sabihin ay napapayag niya si Sir.Jackson.

Pagdating namin sa condo ay agad kaming nag prepare sa mga dadalhin namin sa picnic. Kaninna habang nasa daan ay mag pipicnic na lang kami sa isang lugar kung saan makakapag solo yet macrowd. Gumawa kami ng egg sandwich at kung ano-ano ba. Nag baon din kami ng kanin ay nag luto pa siya ng adobo. Pagkatapos namin gawin ang mga iyon ay inilagay namin iyon sa isang basket.

Habang papunta kami sa isang park na puros mga pamilya or mag nonobyo raw ang nandoon na kagaya namin na nag pipicnic at nais mag saya. Dumaan muna kami sa isang supermarket at bumili ng gusto naming kainin. Bumili na rin kami ng iinumin.

Nang tuluyang makompleto ang mga dadalhin namin ay masaya kami habang nasa byahe. Nag kekwentuhan at nag tatawanan. Inabot kami ng isang oras sa byahe ng tuluyan naming narating ang lugar.

Pagbaba namin ay may entrance fee pa raw kaya naman binayaran ito agad ni Skyler. Halos lahat ay siya ang nag buhat. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa lahat ng dala namin habang ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa isang kamay ko. Hawak ko naman sa kabilang kamay ay ang isang bag ko na ang laman ay softdrinks na binili namin kanina, bawal kasing mag pasok ng plastic bag sa loob ng park.

Soldier Of Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon