27

15.5K 295 4
                                    

PRINCE SKYLER'POV

Its been one month after that incident, pumayag na rin si Stacy na tumira sila ni Winter sa mansyon nila mom. But then, mag kaiba kami ng kwarto while Winter is kasama niya sa kwarto. Its fine with me lalo na pag sa umaga ay si Stacy ang gumigising sa'akin.

Si Stacy naman ay pinatigil ko na siya sa pag tatrabaho at mas ginusto kong mag focus siya sa pag aalaga sa anak namin dalawa. Wala parin kaming official comeback pero marami na rin akong plano, at mang yayare ito mamayang gabi.

"Daddy!" Napatingin ako sa pinang-galingan ng boses na iyon. I smiled widely ng makita ko si Winter na papasok ng mansyon. Tumayo ako at inilapag ang laptop na hawak ko. Kasunod na pumasok sa mansyon na si Stacy na bitbit ang gamit ni Winter.

Tumakbo ito sa'akin kaya naman tumayo lang ako at inintay ang pag dating niya sa harap ko. Pag lapit na pag-lapit neto sa'akin ay umupo para mag pantay kami. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I miss you baby" Salita ko habang nakatingin rin kay Stacy. Ngumiti lang ito sa'akin at nag lakad na paakyat ng hagdan. Umupo naman ako at kinandong si Winter.

"How's school?" Tanong ko. Nanlaki ang mata neto at pinakita neto anf ibabaw ng palad niya kung saan may apat na star na nakatatak dito. "Wow very good huh. May assignment ka ba?"

"Yes daddy, may pinapaguhit si miss sa'amin" Nakangiting tugon neto.

"Kunin mo at dabay nating gawin to, maya maya lang din bababa na si Allie gagawin rin niya assignments dito." Tumango ito at bumaba sa pagkakakandok ko at nag lakad papuntang hagdan.

Habang iniintay ko ang anak ko ay napatingin ako sa pintuan ng biglang pumasok si Samantha kasama ang personal driver ko. Nag tatawanan ang mga ito at iba ang paraan ng pag titinginan nila. Lalaki ako at alam kong gusto na ni Allen ang kapatid ko, ramdam ko ito lalo na pag si Samantha ang pinag uusapan namin. Iba ang mga ngiti at kislap ng mga mata niya. Tumayo ako at gulat na napatingin sila sa'akin. Sinenyasan ko naman na sumunod sila sa'akin sa pool area.

Pag dating ko sa pool area ay pinanood ko lamang silang pumasok at malalim ang pag kakatingin ko sa'kanilang dalawa. Halata naman sa mukha ni Samantha ang kinakabahan samantalang si Allen ay tila kampante lang.

"Sabihin niyo nga sa'akin. May relasyon ba kayong dalawa?" Tanong ko. Nakita ko kung paanong nagulat si Samantha, lumingon pa siya kay Allen  samantalang si allen ay nakatingin lamang sa sahig. "What? Answer me" Medyo ines na turan ko.

"Nililigawan ko siya, Skyler" Biglang salita ni allen kaya napalingon ako sa'kanya. Kumunot ang noo kong napatitig dito sabay na ngumiti.

"Make sure you will not hurt her okay?" Biglang salita ko kaya naman biglang napaangat ng tingin si Samantha sa'akin at maganda ang pag kakangiti sa mga labi. Nginitian ko lang siya at niyakap siya. "If you hurt her, you will face the other side of me. Get it?" Ngumisi lang ito ngumiti.

"Oo pre. Takot ko lanv sa other side mo." Natawa lang ako bago ko sila iniwan at muling pumasok sa loob, naabutan ko namang nag kekwentuhan sila Allie at Winter.

"Yiie. Sino crush mo?" Biglang tanong ng anak ko kay Allie. Napailing na lang ako sa tanong ng anak ko.

"Wala. Tch. Sarap nilang pag tripan eh hehe." Lalong napailing ako dahil sa sinagot ng kapatid ko. She's just 6 years old pero mahilig na siyang mambully. Madalas rin mapatawag si mom and dad sa school neto dahil na rin sa paulit ulit na pag papaiyak sa kapwa niya bata.

"Bata ka pa lang Allie ganyan kana tsk." Salita ko. Ngumisi ito saakin at nag sulat na lang.

"Where's mom?" Biglang tanong ko kay Winter. Tinuro lang neto ang taas kaya tumango ako at umupo na sa kaninang pwesto ko pero pinanood ko lang silang gumawa ng kanilang homeworks pag may tinatanong naman sila ay isinasagot ko ito sa paraang maiintindihan nila.

Soldier Of Love (Complete)Where stories live. Discover now