9

11.6K 233 6
                                    

STACY MARIE'POV

Nag mulat ako ng mga mata ng mapansin kong maingay ang doorbell namin. Paupo na sana ako sa kama ng sunod-sunod na may kumatok sa pinto ko.

"Stacy! Bilisan mo diyan! Si Tita Hannah nasa labas! Stacy!!" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo sa pag kakahiga ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko ay nakita ko si kuya Matthew na hinihingal.

"B-akit andiyan siya?" Tanong ko.

"Ewan ko! Ikaw ang mag buksan nun." Sabay turo niya sa baba.

"Hah? Bakit ako?"

"Tanga ka ba? Hindi niya alam na mag kapatid tayo. Bilis na, kanina pa yan." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis siyang bumaba at pumasok sa isang kwarto katabi ng sala.

No choice naman ako kundi ang sumunod sa'kanya sa baba. Huminga muna ako ng malalim ng tuluyan akong makalapit sa tapat ng pinto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa'akin ang seryosong mukha ni Ma'am Hannah kasama na rin si Sir Thormire.

Linggo ngayon ng umaga, walang pasok at sanay akong mag stay sa bahay nila Lola at Lolo. Gusto kasi nilang sa araw ng linggo ay sabay-sabay kaming kakain sa almusal maging sa tanghalian lalong lalo na sa hapunan.

"Ma'am, Sir." Bungad na salita ko.

"Can we talk, Stacy?" Tumango lamang ako sabay niluwagan ang pinto para makapasok sila.

Nag papasalamat na lang siguro talaga ako dahil maaga pa at pag gantong oras ay nag sisimba sila lola, uuwi lamang sila pag nag 9am na. Ganoong oras kasi kami kumakain ng almusal.

Umupo silang dalawa sa sala at ako naman ay nakasunod lamang sa'kanila.

"Do you want coffee or tea? Or anything?" Tanong ko. Nag ilingan naman silang dalawa.

"No need. We just want to talk to you privately kaya kami na mismo ang pumunta dito." Salita ni Sir Thormire. Tumango ako bago umupo sa tapat nila.

"B-akit po?"

"Dederetsahin na kita." Ma'am Hannah. "Gusto naming layuan mo ang anak namin."

"P-o?"

"Alam kong alam mo na ang nangyare noon. At alam kong hindi magugustuhan ni Prince Skyler pag nalaman niya kung sino ka ba talaga. Ako na ang nakikiusap sayo mismo Stacy. Hiwalayan mo na siya." Dere-deretsong salita neto, tumingin ako sa mga mata niya at mababasa ko doon ang sobrang lungkot at hinanakit. Muli ay nakaramdam ako ng awa dahil sa ginawa sa'kanila ng mommy ko.

Tumayo ako at lumingon sa kwartong pinasukan ni kuya Matthew, nakasilip siya doon at sumesenyas ito ng dalawa mabilis ko naman itong nagets.

"Dahil sa iyong ina ay naging miserable ang buhay naming pamilya, nabaliw ang nanay mo dahil sa pagmamahal ng dating asawa ko. Hinayaan ko silang lokohin ako, pinatira ko ang iyong ina sa bahay namin habang pinag-bubuntis ko noon ang kambal." Biglang kwento nito. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman neto hanggang ngayon. "Nag pakatanga ako para lang sa pamilyang nais ko. Nang mahulog at itulak ako ng iyong ina habang walang humpay na dinudugo ako, nawala ang isang anak kong babae. Nabaliw ako, Stacy. At lahat ng iyon ay dahil sa nanay mo." Tumayo ito at tumingin sa mga mata ko, naiilang na tumitig ako dito at sinubukan na labanan ang mga titig na yun.

"Ma'am. Wala po akong kinalaman sa gulo niyong iyon." Salita ko pero mabilis siyang umiling, tumingin siya kay Sir Thormire. Tumango ito sa kanya na parang naiintindihan niya ang tingin na iyon sa'kanya ng asawa.

"Nung araw na nakalabas ang nanay mo sa kulungan, sinagasaan niya si Prince Skyler. Naging kritikal ang buhay niya. That day, ay yung araw na nabuo ka."

Soldier Of Love (Complete)Where stories live. Discover now