8

12.2K 295 31
                                    

STACY MARIE'POV

Palakad-lakad lamang ako habang si Kuya Matthew ay nakatingin lamang sa'akin habang nag papabalik-balik ng paglalakad.

"Can you please stop walking? Ano bang dahilan kung bakit palakad lakad ka?" Naiiritang tanong neto. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa mga mata niya. "What? Tititig ka na lang ba?" Inis na tanong neto, umiling ako.

"Ayoko na." Bungad ko, nag salubong ang mga kilay neto at masamang tingin ang ipinukol sa'akin.

"Anong sabi mo?" Nag tatangis ang mga baga neto. "Paano mong nasasabi yan Stacy?" Umiling ako.

"Hindi nila kasalanan ang pagkamatay ni mom. Si mom ang may malaking kasalanan sa kanila! She deserved to die!" Matapang na sagot ko pero isang malakas na sampal ang isinagot neto sa'akin.

"Naririnig mo ba sinasabi mo? Dahil sakanila ay lumaki tayo sa ampunan at hindi man lang nakalakihan ang magulang natin. Tapos ay sasabihin mo yan?" Galit na galit na tugon neto sa'akin habang mahigpit na hawak ang braso ko, sobrang sakit neto at hindi ko kinakaya ang higpit neto.

"P-umunta ko sa'kanila. Pinakilala ako ni skyler sa'kanila." Napabitiw ito sa paghawak sa braso ko at natutulirong tumingin sa'akin.

"B-akit ka pumunta doon? Paano kung maki..."

"Nakilala nila ko, si ma'am Hannah mismo nagsabing kamukhang-kamukha ko ito." Usal ko. Nakatingin lang ito sa'akin at patuloy na nakinig. "Kinwento sa'akin ni Prince Skyler ang nangyare noon. Tinulak ni mom si ma'am Hannah kaya namatay ang kakambal ni Skyler na si Princess Skylar. Alam mo ba yun?" Tumango ito, napasinghap ako dahil hindi ako makapaniwala. "Alam mo rin bang pinatay ni mom si Uncle Arhen?" Hindi ito sumagot. "Y-ung dalawang peklat niya sa braso, alam mo bang si mom ang may gawa nun?" Muli ay hindi ito sumagot tanda lamang na alam na niya ang mga ito. Umiling ako ay umatras na magtangka itong lumapit.

"Hindi ko na to itutuloy pa. Ayoko na." Naglakad ako paakyat papunta sa kwarto ko pero agad din akong.natigil sa paglalakad ng muli niyang hawakan ang braso ko.

"Itutuloy mo, hindi ako naghirap na mapalapit sa pamilya nila para lang itigil mo. I'll giving you a 2weeks, you'll break his heart o ako mismo ang magsasabi sa'kanya?" Tumango ako, binitawan niya ang braso ko at umuna ng umakyat sa taas.

PRINCE SKYLER'POV

Pag-kahatid ko sa condo si Stacy ay mabilis akong nag drive pabalik ng VV. Pag balik ko ay nakahanda na ang lunch at tahimik na kumain lamang kami. Pakiramdam ko ay may malaking harang sa bawat pagitan naming lahat lalo na sa pagitan namin ni Clarise. Dati-rati ay lagi niya akong nilalagyan ng pagkain sa pinggan ko ngunit ngayon ay hindi, nakipag palit rin ito kay Samantha ng upuan na dati ay katabi ko.

"K-elan mo siya nakilala?" Biglang tanong ni Untie Clark. Kanina ko pa rin napapansin na kapag mag sasalita lamang sila ay parang gusto nilang malaman ang buong pagkatao ni Stacy.

"Recently, nakabunggo ko siya nung 1st day of school." Tugon ko bago uminom. Napalingon ako kay Clarise, nilalaro lang neto ang pagkain niya. Napabuntong hininga ako.

"Kelan naging kayo?" Dad asked.

"2w-eeks ago." Sagot ko. Napalingon kaming lahat kay Clarise ng bigla itong tumayo.

"U-uwi na ko. Mom, dad. Una na ko." Dere-deretsong salita neto at walang lingunan na umalis sa dinning area.

"Susundan ko lang siya." Salita ko at nag mamadaling nag lakad pasunod dito.

Halos patakbong lakad ang ginawa ko para maabutan ito. Nasa labas na siya ng gate namin ng tuluyan ko itong maabutan.

"Clarise, let's talk." Biglang salita ko ng mahawakan ko ito sa braso.

Soldier Of Love (Complete)Where stories live. Discover now