Prologue

124 4 0
                                    


Lucille's POV

Ako Si Lucille Monteverde, nanggaling sa isang may kayang pamilya. Bunso ng pamilya at ako na lang din ang nag-aaral saamin na magkakapatid. Pinaghihigpitan sa lahat ng bagay. Naiintindihan ko din naman sila, nadala na din naman sila simula nang mabuntis ang ate Faith ko. Si tatay at ang kuya Charlie ko ay seaman, habang ang ate Gina ko naman ay isang nurse. Samantalang Housewife naman ang nanay ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. 


Wala naman akong balak na suwayin sila. Buo ang loob kong abutin ang pangarap ko.


Buo SANA ito kung hindi ko lang nakilala ang lalaking magpapamulat sa mga mata kong hindi lang sa pangarap dapat umiikot ang buhay ko. Pinukpok niya sa ulo ko na "Life isn't about surviving, it's about feeling every moment and actually living it."


Nakilala ko siya. Ganito pala ang umibig, masaya, masarap at nakakabuhay. 


Pero humantong din kami dun sa hangganan kung saan parang pinagsisihan ko ang lahat..


"Bakit mo ginawa yun, Ryan?!" Humihikbing sigaw ko sa kanya.


Nakayuko lang siya habang pinagpapalo ko siya dala na din ng galit ko.


"Makakaya natin 'to. Makakaya natin 'to. Nandito ako. Hindi kita iiwan" umiiyak na rin siya at hinawakan ang magkabilang kamao kong nagsususuntok sakaniya. Yinakap niya ako.


Tinulak ko siya upang kumawala sa kaniya.


"Ayoko na. A-Ayoko na sayo" it was as if I ran out of air when I said that.


Sa sobrang hina nito tila bang pati ako ay hindi ko na din narinig to.


Tumalikod na ako at nag-simulang maglakad palayo sakanya.


~

A short story inspired by true events. I hope you like it :D Lucille on the Multimedia

One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now