3

42 2 0
                                    

Ryan's POV

"Napaka-worthless mo talaga. Akala ko ba pursigido ka saakin? Kung makalapit ka dun kanina sa girl akala mo wala kang nililigawan. Hmp!" First day ng skwela at napagalitan agad ako ni Klarisse. Dalawang araw pa lang simula nang ligawan ko siya at under na agad ako.

Talaga nga namang kinain ko ang sinabi ko kay Miggy. Napakamot na lang ako ng ulo ko habang nakasunod ako sakanya.

"Kaya nga sagutin mo na ako para sigurado kang iyong-iyo na ako" Medyo nahihiya pero nakangiting tugon ko sakanya. Inakbayan ko pa siya.

Hinarap niya ako at pumamewang siya

"Ugh! Bitawan mo nga ako baka may makakita. So you think, easy to get ako? Ganon ba yon, Ryan? Gosh. Pinagtatyagaan nga lang kita e" Bulong lang ang huling sinabi niya

"A-Anong sabi mo?" I asked her

"Ah, wala. Carry my bag." at padabog niyang binigay ang bag niya saakin at nag-lakad na. Sumunod na lang din ako at pumasok na sa room namin. Magkaklase kami.

Lucille POV

Habang nagka-klase kami ay excited na agad ako. Para bang this is the first stepping stone.

Someday, magiging flight attendant din ako. 

"Uy Girl, sama ka samin mamaya. Bar hopping tayo" pag-yugyog ni Sab saakin.

"Ha? Nako, ayoko Sab. Magbabantay pa ako sa anak ni ate mamaya e" sabi ko na lang.

"Nako, KJ mo naman girl" bulong naman ni Clarkie habang nilalaro ang buhok ko. Baklang classmate namin.

"Girl, ew. Ano ba yang buhok mo parang bulbol" bulong nito ulit at binitawan ang buhok kong kulot.

Gagong to. Eh ang cute kaya ng hair ko

"Wag mo ngang hawakan buhok ko. Diba pag hinahawakan ng lalaki yung buhok ng babae magkaka-split ends" sabi ko sakanila

"Duh, boobs at pekpek lang ang kulang saakin pero mas babae ako sa'yo" inirapan pa niya ako

Tss.

"Sama ka na kasi mamaya. Kasama naman natin si Clarkie tsaka Kate" pag pupumilit ni Sab

"Kahit gusto ko man, hindi pa rin ako papayagan"  Bumuntong hininga ako.

"Eh di ako magpapaalam para sayo" Pag-kukumbinse rin ni Kate saakin

"Kung papayagan ako, eh di okay" nagkibit-balikat pa ako 

"YAY!" sigaw nilang tatlo

"Kayong apat! Detention now! Kanina ko pa kayo pinagmamasdan. Hindi kayo nakikinig" Napanganga ako nang pinalabas kami ng instructor namin.

Luh, di pa nga nakaka-half day, detention agad?

Para kaming mga batang tumayo at nakayukong nag-lakad palabas ng room.

Nang uwian na ay sumama din silang apat papunta sa apartment nina ate Gina.

Pagka-bukas na pagka-bukas pa lang ni ate Faith ng pinto ay napakalapad na ng ngiti ng tatlo. Aba, Parang mga anghel.

"Hello po, ate. Ako po si Clarkie. Classmate ni Lucille" at nakipag-shake hands pa si bakla

"Ate, Kate po. Kaklase din ni Sab" Nag beso ito kay Ate

One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now