1

66 1 0
                                    

Lucille's POV

"Anak, gising na. Huling araw ng skwela ngayon" hinaplos ni nanay ang buhok ko

Pagkalabas ni nanay ay umupo na din ako at sumandal sa headboard. Hindi ako makapaniwala, huling araw ng pagiging high school ko ngayon. Huling araw at gagraduate na din ako. Tumayo na din ako at naligo na. 

Pababa pa lang ako ng hagdan nang marinig ko na ang sigawan sa labas. 

"Tay naman, hayaan niyo naman po akong magdesisyon" Umiiyak na sambit ni ate Faith habang yakap yakap ito ng boyfriend niya.

Si Tatay naman ay parang susugod na sakanya pinipigilan lang ito nina Kuya at nanay.

"Wala kang mapapala sa lalaking iyan, Faith! Pinagbigyan na kita. Pinatira ko kayo ng kinakasama mo. Bakit sasama ka pa sakanya sa Manila?!" Sigaw ni tatay sakanya.

"Isipin mo naman yang anak mo! Hindi ka na bata!" dagdag pa nito

"Leo, tama na yan. Hayaan mo na siya" pagkiusap ni nanay sakanya.

"Anong hayaan?! Paanong hayaan e isip bata pa rin yang anak mo!" sigaw nito bago tumalikod at umalis

Umiyak na lang ng umiyak si Ate Faith. Maagang nabuntis ang ate Faith ko. Isang taon na lang sana at gagraduate na siya bilang isang guro pero hindi siya nakapagtapos nang mabuntis siya ng boyfriend niya. It was so hard for us. Lalo na kay Tatay. Nasa barko siya noon, nalaman lamang niya ang lahat nang makababa na siya, malaki na ang tiyan ni Ate noon. Naalala ko pa kung gaano siya kagalit noon. He didn't even threw a single glance to my sister, not until she had Gab. Medyo naging okay na din naman sila, pero parang may hadlang na. Simula noon mas naging mahigpit sina nanay at tatay saakin. Pati na din sina ate at kuya. Bunso kaya ako kaya alam kong para din saakin ang mga paalala nila palagi.

Pumasok na din ako sa school at as usual, marami na naman ang mga bumubuntot saakin na mga manliligaw. Nilubayan lang nila ako nang lumapit na si Erik. Ang pinakapursigido kong manliligaw.

"Flowers for you, Lucille" Erik winked at me. Sikat siya sa paaralan. Isa siyang dancer at syempre alam din ng lahat na fuckboy siya.

I smiled at him at kinuha na lang din ang Roses sakanya.

Nakabuntot pa rin ito saakin hanggang sa room ko.

I finished everything today. Pinapirma ko na ang clearance ko, binalik ang mga librong hiniram sa library at kinuha ko na din ang mga librong nasa locker ko.

"Lucille" napatingin ako sa tumawag saakin.

"Oh, Sab!" niyakap ko ang bestfriend kong si Sabrina.

"Wow, I can't believe it. Gagraduate na tayo next week. Ready ka na ba?" she asked

"Oo naman. Excited na din nga sina nanay e. Ang bunso nila ay magka-college na" I smiled. Umuwi nga agad si Tatay e

"Oh, san ka na mag-aaral this college?" she asked. Naglakad lakad na din kami papuntang canteen.

"Um, ewan ko nga. Hindi ko alam e. Wala namang magandang school dito para sa mga gustong mag flight attendant e" I said

"Sama ka na lang sakin sa Manila pleaaase. Diba dream natin ang lumipad sa ere? Ang maging pinakamagaling na flight attendant sa buong Pinas" she said. Tumawa lang din kami. It has been our dream since then, matagal ko na din kasi siyang best friend. Since elementary pa. Pinadrawing kami dati kung ano ang gusto naming pag laki. Eh ayun, natawa kami dahil parehas kami ng dream job

"Gustuhin ko man pero mukhang malabo yan eh. Alam mo naman sina nanay at tatay" I sighed.

"Aish, ano ba yan? Mukhang hindi matutuloy ang pangarap natin" sumalumbaba pa si Sab.

Sumalumbaba din ako. Maya-maya pa ay may pumasok sa isip ko.

"Sab, I'll do my best para lang sa pangarap natin. Gagawa ako ng paraan" I smiled.

Nang matapos ang lahat ng mga gagawin ko ay umuwi na din ako agad. Nag-mano kay nanay at tatay at syempre konting lambing na din sakanila.

"Can you believe it? Gagraduate na ang bunso niyo" I exclaimed while hugging tatay who is currently reading the papers right now

Hinalikan naman ni tatay ang noo ko at itiniklop ang binabasa niya 

"Oo nga eh, hindi ka na talaga baby" sabi naman ni nanay na kasalukuyang nag-luluto ng merienda

"Anong hindi baby? Baby pa rin natin itong si Lucille. Aba!" Sagot naman ng over-protective kong tatay. Humarap ito saakin "Ikaw ba, Lucille, ay may boypren na?" seryoso nitong tanong saakin

Natawa na lang ako at tumikim sa niluluto ni nanay "Naku, ang OA naman ni tatay. Wala pa sa isip ko yan ano. Magiging isang Flight Attendant pa ako. The best Flight Attendant there is" I smiled

Nag-tinginan sina nanay at tatay, alam ko na iyang sasabihin nila..

"Anak, alam mo namang walang kursong flight attendant dito sa probinsya natin. Mag-guro ka nalang kaya? o di kaya mag-nurse tulad ng ate Gina mo" Tiningnan ako ni tatay na may lungkot sa mata. Alam din kasi niyang dati ko pang pinapangarap ang maging Flight attendant. 



"Eh kung sumama kaya ako kay Ate Faith? At least diba, may kasama siya doon. 

"Alam kong gustong-gusto mong maging flight attendant anak, alam ko naman yan pero alam mo din naman kung bakit kami naghihigpit sa'yo diba? Para din naman sa'yo ito anak" dagdag pa ni nanay

I sighed and smiled fakely. "Sige po. Akyat na muna ako"

I went into my room and laid down.

"God, please naman. Bigay niyo na lang sakin 'to. Promise, hindi ko kayo bibiguin. Pangarap ko talaga to e" I talked to God out loud with my eyes closed

"Talaga?"

"Oo, Lord. Promise talaga. Magtatapos ako bilang Flight attend--" teka, sumagot ba si Lord?

Napamulat ako.

"Ay pucha! Kuya naman e. Aatakihin naman ako sa puso e" sigaw ko at dali daling umupo nang makita si kuya Charlie.

"Talagang magtatapos kang flight attendant?" natatawa pa rin niyang tanong at umupo sa dulo ng kama ko

"Oo sana pero imposible na rin naman iyon. Siguro mag nunursing na lang din ako" sagot ko ng may mabigat na damdamin.

"Okay, I'll try to talk to them basta pangako mo yan ah. Wag mo kong bibiguin" nakangiting tugon ni kuya.

Nagningning naman ang mga mata ko. Dali dali ko siyang niyakap.

"Huhu Kuyaaa! Mahal na mahal talaga kita. Ikaw talaga paborito kong Kuya e. Pilitin mo sila please" naluluha ko pang pag-iinarte.

Pinitik naman niya ang noo ko "Anong paboritong kuya e ako lang naman ang kuya mo" nakakunot nitong tanong

"Ah basta..thank you. Thank you talaga" nakangiting sambit ko

It's good to go na din kapag si kuya Charlie na ang makikiusap kina nanay at tatay. Malakas kaya si Kuya sa kanila.

Lumabas na din ng kwarto si kuya. Inopen ko agad ang facebook ko sabay status ng: "Manila, see you soon."

One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now