2

66 1 0
                                    

Ryan's POV

"Pare, mauna na ako. Pinapauwi na ako ni GF e" pagpapaalam ni Miggy saakin.

Alas dos na din kasi ng madaling araw at babad na naman ako sa pagkokompyuter. Mas mabuti pang manirahan na ako dito sa computershop na ito kaysa umuwi sa bahay.

"Under de saya ka talaga. Kaya ako mamamatay na lang akong single" natatawa kong tukso kay Miggy

"Ulol. Makakakita ka din ng makakatapat mo pre" natatawang sagot niya bago umalis.

Tiningnan ko ang pinto kung saan lumabas ang barkada ko. Sino naman kaya ang mahuhulog sa isang tulad ko? Di naman ako gwapo, di din ako santo, walang pera, tambay at walang kwentang anak. Sinong ulol ang magkakagusto sakin?

"Bobo talaga 'yong Miggy na yon. Kaya ina-under e" umiling iling ako at lumagok sa Alak at nag-laro na lang ulitm

"MABUHAY ANG MGA SINGLE! TARA LARO! LIBRE KO NA LAHAT" Sigaw ko sa loob ng computer shop..

kung saan mag-isa na lang ako.

Luh, nababaliw na din ata yung anak ni Edith e.

Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pag-lalaro.

Nagising na lang ako nang pitikin ni Tupe yung tenga ko.

"Oh, tulog pa more insan. Yung mga ilaw nakasindi pa. Tss" Reklamo nito at pinatay ang mga ilaw.

Inilibot ko ang paningin ko, umaga na pala at nandito na din si Tupe. Ang pinsan kong may-ari ng computer shop na ito. Ako ang "graveyard" shift dito e.

"Oh, tumayo ka na jan at umuwi na. Hinahanap ka na ni tita Edith dun" bulyaw nito habang nililinis ang mga keyboard

Nagkamot na lang ako ng ulo at tumayo na. Bat naman ako hahanapin ng magaling kong ina. Lumabas na din ako ng shop at umuwi na saamin.

"Ryan! Mabuti naman at naalala mo pang umuwi!" salubong nito saakin

Hays! Eto na naman po tayo.

"Ma, pwede ba? Masakit ang ulo ko. Punta muna ako kwarto" at dali dali na akong tumakas sa bunganga niya

"Teka, Ryan! Hindi pa ako tapos makipag-usap sayo!" sigaw nito

Hindi na ako umimik at nakinig na lang nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Tumawag ang magaling mong ama at pinapasabi na mag-aaral ka na daw ulit next week. Wag na wag kang aayaw dahil puputulin niya amg allowance mo pag hindi ka pa pumasok!" sabi nito bago lagpasan ako

Pumasok na din ako sa kwarto at nagmuni-muni. Mag-aral ulit? Meh. Okay. Para sa allowance.


Lucille's POV

"Anak, ang bilin ko ah--" 


"Kakain on time, wag masyadong mag-puyat, uminom ng vitamins. Got it!" Pag-putol ko sa sasabihin ni nanay.


Nasa airport na kasi kami at sasama na ako kina ate Faith. Graduation na last week at sa wakas pumayag na din sina nanay at tatay. Well, si tatay medyo ayaw pa sana pero nakabili na din kasi kami ng ticket. Kaya nga aalis na agad din ako baka mag bago pa ang isip nila.


"Yung saakin ang wag mong kakalimutan" seryosong tingin ni tatay saakin


One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now