5

49 1 0
                                    

Clarkie's POV

"Naku, naku, naku. Ang dami na namang requirements to submit tapos ang dami pang lessons na pag aaral" maarte kong sambit.

Currently, nasa library kami. Nag-aaral. Wait, let me rephrase that..

Nasa library kami, naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Hahaha

Si Lucillita lang naman ang nag-yayang mag library kami. Pota, bookworm si beshie eh. Kaya eto kami nasa pinakasulok sulokan ng library, naka indian seat sa sahig. Magkatabi kaming tatlo, nilalagyan ko na ng eyeshadow si Kate habang tinitirintas ni Sab ang sariling hairla niya. Si Lucing naman ay nakatayo at naghahanap hanap ng librong mababasa.

"Gurl, feeling ko talaga tatandang virgin 'yang friend natin." bulong ko kina Sab at Kate

"Onga e. Baka hindi na magkaka boyfriend yan" sulsol din ni Kate

"Nako, alam niyo namang super strict ng pamilya niyan e" bulong din ni Sab samin

"Hay, sana binigay na lang niya yang pukilya niya sakin. Nako, siguro pag naging babae ako. Babymaker na siguro ako" humagikhik pa ako

Pinag-tulungan naman ako ng dalawa. Kinotongan ba naman ako. Pota lang ha

"Gago. Pakyo" inis kong singhal sa kanila

"Ingay niyo naman eh! Tss" inis na sabi ni Lucing at nag walk out pa dala dala mga libro nya

"Luh, walk out queen. Kala mo may hahabol sakanya" inirapan ko nga siya

Nag-patuloy lang ako sa pagmemake up kay Kate nang may pumasok na ideya sa isipan ko.

"Alam niyo girls, we should frame her up para magka lovelife din" nakangiting tugon ko sakanila

"Ha? Frame up? Kanino?" tanong ni Kate

"Eh di kay Ryan" Suggestion ko naman

"Bat kay Ryan? Ang ganda kaya ng bestfriend ko tapos kay Ryan mo lang ipapares. No way" Ang arte naman ng Ate niyong si Sab

Sarap kutusan

"Arte mo girl. Syempre diba, pair pair. Si Miggy kay Kate, si Tupe kay Sab then syempre si Papa Jethro ay aking lamang. Syempre yung natitirang barkada nila para kay Lucing. Oh diba? Barka barkada tayo" proud kong pag explain sa ideya ko

"Sus, makapag-pair ka naman sainyo ni Jethro kala mo jowa mo e no" bastos tong Kate to ah

Sinabunutan ko nga

"Wag kang makialam sa nararamdaman ko para kay Papa J ha! Pota. So yun na nga ang plano para naman hindi 7th wheel palagi si Lucing saatin kapag nag gogroup date tayo" pagpupumilit ko parin sa plano ko

"Eh diba may jowa na yun, kaya nga palaging hindi din kasama sa groupdate e" Sab

"Duh, magbebreak din naman yun. Hayaan mo na" nakangiting pagbabara ko sakanila.

Wala silang nagawa kundi pumayag sa plano ko.

Ryan's POV

First monthsary namin ni Klarisse ngayon kaya eto ako ngayon may dala dalang mga rosas at tsokolate at naka-abang sa quadrangle na kaharap ng Gymnasium. Nagpractice kasi sila ng cheerleading nila. Tinext ko na din siya kanina na magkita kami. Sabi ko mag date din naman kami. Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. Excited akong napangiti pero agad din namang napawi nang makita kong hindi din naman pala siya ang nagreply, si Miggy pala.

Fr: Bro Migz

Dude, lez hang out at Moonbean cafe. Tagal mo nang hindi nakikipag tambay kasama kami e.

Napakunot noo naman ako doon. Moonbean cafe? Baduy naman. Ngayon lang nagyaya yan na mag hang out sa cafe ah. Palagi kasing computershop o di kaya ay club nila. Hindi na din ako nag reply dahil hindi din naman ako sisipot. May date ako e. Ibabalik ko na sana ang phone ko nang mag vibrate ulit ito. Napangiti ulit ako nang makita kong si Klarisse na nga ang nag-text

Fr: Klarisse ❤

Sorry. Can't go right now. Busy ako.

Bumigat bigla ang damdamin ko. Hindi nga talaga niya naalalang monthsary namin. Pasakay na ako ng motorsiklo ko nang mamataan ko siyang palabas ng Gym kasama si Keith,  team captain ng basketball club. Nakakapit ito sa bisig ni Keith na kung akala mo ay linta. Napayukom ako at agad kong itinapon ang mga dala dala kong regalo sana para sakanya. Sumakay na din ako sa motor ko at agad na pinatakbo ito. Hindi ko alam pero dito din ako dinala ng mga paa ko, sa Moonbean Cafe. Nagdalawang isip pa ako kung papasok ba ako pero lumapit na din naman ako sa pinto nito at akmang hahawakan ko na ang doorknob nito nang may makasabayan ako. Napatingin ako sa may-ari ng kamay na nakabanggaan ng kamay ko.

"L-Lucille, ikaw pala" gulat kong sabi

Nanlaki din ang mata niya

"Ah onga e. Ikaw din." sabi nito at dire diretso nang pumasok sa cafe.

Sinundan ko lang naman siya. Inikot ikot niya anh paningin niya sa loob na parang may hinahanap.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko

"Sina Kate, groupstudy" maikling sagot nito

Tumango tango na lang din ako. Maya maya pa ay nag vibrate ang phone ko.

Fr: Bro Miggy

Hey Dude, baka mahuli kami ah. If nauna ka na jan, pakisabi na lang sa receptionist. Nakapag reserve na ako e. Isama mo na din si Lucille, baka mauna din siya

Tiningnan ko naman si Lucille na nag-hahanap pa rin ng mga kaibigan niya. Nahihiya kong kinalabit siya. Napatalon naman ito, nagulat siguro.

"Ay Taragis! Hala ang lamig ng kamay mo" napahawak pa ito sa dibdib niya

"S-sorry. Nate-tense ako e. Ah, nag text nga pala si M-Miggy" at pinabasa ko nga sakanya ang text ni Miggy.

Tinanong ko na din ang receptionist about sa reservation ni Miggy at tinuro naman niya ang table.

"T-Teka? Table for two 'to ah? Ah miss, baka nagkakamali po kayo. May mga kasama pa po kami. Malelate lang" agad na sabi ni Lucille

Kinuha naman ng babae ang parang paper card na naka ipit sa "reserved" na metal ring.

"Eto po mam yung pinareserve ni Mr. Miggy Monreal" at pinakita pa niya saamin ang papel.

"Uhm, please be seated mam, sir at iseserve na po ang order niyo in a while"

Umupo na din ako, dahan dahan din siyang naupo sa upuan na kaharap ko. Nakayuko lang ako at ang dalawang kamay ko ay nasa tuhod ko lang. Tinatakawan ko lang siya ng tingin. Napatingin ako sakanya nang tumayo ito.

"I'm sorry pero kailangan ko nang umuwi. Mag aaral pa ko e" sabi nito at dire-diretsong naglakad. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng pinto.

Napayuko na lang ulit ako at napahinga ng malalim. Sino ba naman ang gustong makasama ako. Kinakahiya nga ako ng mga naging girlfriend ko e.

Lucille's POV

Nag-taka na agad ako nang marealize kong sinet up ako ng mga kaibigan ko. Pano kasi tinext nila ako kaninang umaga na mag gogroup study daw. Review ko daw sila. Behave daw sila ngayon.

Nang marating ko ang cafe na sinabi nila ay yun agad ang bumungad saakin nakakainis. Nakalabas na ako ng cafe at nagbantay na din ako ng taxi. Inis na inis talaga ako, binalikan ko siya ng tingin at bigla nawala ang inis ko at napalitan ito ng konting awa...at gutom

Paano kasi ang daming pagkain na ineserve sa kanya. Good for 5 persons ata yun, tapos mag-isa lang siya. Kumulo pa ang tiyan ko.

"Oo na. Babalik na" inis kong singhal sa tiyan ko.

Napatingala naman si Ryan saakin at nagulat nang makita niyang bumalik ako at umupo ulit sa harapan niya.

"Bumalik ka" nagpipigil ngiti na tugon nito

Nakakainis mang aminin pero biglang napatalon ang puso ko nang titigan niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now