My Provincial Series... (Chapter 19, The Promise)

7.8K 206 4
                                    

Kahit nakapikit ako ay nararamdaman ko na di pa rin lumalabas si Ivan. Tinititigan niya lang ako. Alam ko. Pag tumataas kasi ang balahibo ko sa batok, alam kong may nakatitig sa akin.

Naramdaman ko na hinawi ni Ivan ang buhok ko at hinalikan uli ako sa noo. Matagal.

Saka ako tuluyang nakatulog.

Dahil sa ako ang unang nakatulog ay maaga din akong nagising. May nakayakap sa akin. Akala ko ay si Ivan ulit pero nadisappoint ako nang makitang si Glenn pala ito. Pero nagtaka ako. Kung si Glenn ang katabi ko, nasaan si Ivan?

Agad akong bumalikwas ng bangon at nalungkot nang makitang tatlo lang kami nina Glenn at Kuya Joy ang nasa kama. Di ko naman sila pwedeng gisingin agad dahil baka naman magtaka sila na ganun na lang ang paghahanap ko dito.

"Sana alam mong nasasaktan ako ngayon at namamatay sa selos." Naalala kong sabi nito kagabi. Di na ako nagdududang gusto niya ako. Pero dapat niyang malaman ang nararamdaman ko at kung bakit ganun ako sa kanya.

Naisip ko na baka andun ulit siya sa bangin kung saan kami pumunta kahapon.

Agad akong nag-ayos ng konti. Nagpulbo at nagpabango. Dapat ay presentable ako kay Ivan para mas lalo niya akong magustuhan. Sa isiping iyon ay agad kong sinaway ang sarili ko.

Mabilis akong tumakbo at lumabas ng bahay. Kahit madilim pa ay tinakbo ko ang bundok na kaharap ng bahay namin. Tinawid ang sapa at pumunta sa bangin na iyon.

Agad akong nagdahan-dahan baka malaglag ako sa bangin. Madilim pa naman.

Pagdating ko ay agad kong tinawag si Ivan pero walang sumagot. Sa lungkot ko ay umupo na lang ako sa damuhan. Umiyak ulit ako. Napalakas pa ang hagulgol ko. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin. Naiinis lang ako sa sarili ko. Halata namang gustong-gusto ko si Ivan at gusto din naman niya ako gaya ng sabi niya kagabi. Pero di ko maipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.

Maya-maya ay may narinig akong paparating.

"Ivan?" agad kong tawag.

Maya-maya ay naaninag ko na may lumapit na lalaki.

"Wrong guess." nabosesan ko kaagad si Gilbert.

Napangiti ako sa bungad niya. Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Nakapambahay lang siya pero presko. Halatang kakaligo lang.

"Ang aga pa e bagong ligo ka na." agad kong biro sa kanya.

"E naiinitan ako pag di ako naligo pagkagising ko e. E ikaw nga diyan e madilim pa ang langit e humahagulgol ka na diyan." balik naman nito.

"Malakas ba?"

"A hindi. Di nga kita narinig e." sabay akbay na naman sa akin.

"Si Ivan na naman yan no?" agad niyang tanong.

Tumahimik lang ako.

"Silence means yes e so siya nga iyon. At kahit naman di ko itanong e kanina naman si Ivan ang hinanap mo e." nakangiti pa nitong sabi.

Matagal kaming di nag-usap. Mga ilang minuto din 'yon.

"Maiba ako. Ang aga mo yata ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"A hindi naman. Maaga talaga ako gumigising pag dito ako sa probinsiya. Kakatapos ko lang mag-jogging kaya amoy-pawis na ako."

"Ulol! Sinong maniniwala sayo na kakatapos mo lang mag-jogging e amoy sabon ka pa." biro ko ulit.

"Sige na nga. Nabuko mo naman ako e." sabay kamot sa ulo niya. "Ano kasi. Nagbaka-sakali kasi ako na andito ka ulit ngayon. Kasi may utang ka sa akin e."

Kumunot ang noo ko. Di ko alam kung ano ang sinasabi nito.

"Wala kang maalala no? Kainis naman ito. Nangako ka sa akin kahapon e." pagpapaalala pa nito.

"Wala talaga akong matandaan."

"Di ba sabi mo sakin e papatira ka sa akin sa puwet?" agad niyang sabi.

Naubo ako sa sinabi niya. Huli na nang maalala kong oo nga at pinangakuan ko siya kagabi pero nakatulog naman ako.

"Sensya na ha? Alam mo namang andaming bisita kagabi e. Kaya napagod agad ako at nakatulog. At saka andun ka rin kaya kagabi di ba?" pagpapaliwanag ko.

"Okay lang iyon. Ako pa nga bumuhat sa iyo kagabi para iakyat ka e kaso inagaw ka ng prince charming mo." Ang tinutukoy niya ay si Ivan.

"Talaga binuhat mo ako? Pero sinong prince charming?" kunwari ay di ko alam.

"Sino pa ba? E di si Ivan."

"A, ganun ba?" kunwari ay nalungkot ako.

Katahimikan ulit.

"O ano? Pwede ko na bang singilin ang utang mo?" tanong pa nito.

"Hmmm. Di ako handa e. Pwede uwi muna ako saglit. Linis lang ako tapos balik ako dito?" naalala ko kasing di ako nakapaglinis. Pangit naman kung agad ay papaano ako dito pero di ako malinis.

"Sige, pero bilisan mo lang ha? Sana bumalik ka."

"Sige, babalik ako. Mabilis lang ito." agad akong nagpaalam at tumakbo pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong alas-kuwatro pa lang ng umaga. Ang aga naman ng gising ko. Tulog pa halos ang mga tao maliban na lang sa mga nagsusugal sa lamay sa likod bahay. Dumiretso ako sa banyo at agad na naghugas. Sinigurado kong walang matitira.

Dumaan uli ako sa kuwarto. Tulog pa ang mga pinsan ko. Ngayon ay si Kuya Joy na naman ang kayakap ni Glenn. Napangiti ako. Ang sweet nilang tingnan. Natawa ako sa naisip ko.

Pumunta ako sa likod bahay. Hinanap muna si Ivan pero nalungkot ako nang makitang wala siya. Siguro sa kabilang kuwarto siya natulog.

Agad naman akong tumakbo pabalik ng bangin. Andun pa rin si Gilbert at naghihintay.

"Ano? Okay ka na?" bati pa nito.

"Oo. Game na. Saan ba tayo?" agad kong sagot.

"Doon lang malapit." sabay tayo nito.

Hinawakan niya ako sa kamay at mabilis na hinila pababa ng bangin. Sa kabilang babaan kami dumaan. Dumaan kami sa gitna ng palayan at binaybay ang pilapil. Saka may dinaanan kaming malalagong puno at doon ko nakita agad ang sinasabi nitong maliit na kubo. Wala ngang tao doon.

Agad kaming pumasok sa kubo at agad ay hinalikan ako ni Gilbert sa labi. Nagulat ako sa ginawa nito. Kaya ay hinawakan ko siya sa dibdib. Tinulak medyo papalayo.

"Bakit?" agad nitong tanong.

"Wala. Nagulat lang ako sayo dahil hinalikan mo ako sa labi."

Matagal akong di sinagot ni Gilbert.

"Gilbert, bakit mo ako hinalikan?" agad kong tanong.

"Wala lang." simple nitong sagot.

"Gusto mo ba ako?"

"Di ko alam."

"Gilbert?"

Di siya sumagot.

"Akala ko ba let's be honest?" saka hinawakan ko ang kamay niya.

"Pwede bang sex muna tayo bago ko sagutin iyan? Mamaya ko na sasagutin mga tanong mo."

Di ako sumagot. Saka uli niya ako hinalikan sa labi nga mas marahas. Parang sabik na sabik sa halikan. Saka mabilis niyang hinubad lahat ng damit ko. Siya din naghubad sa sarili niya. Agad niya akong hinila pahiga sa kamang yari sa kawayan. Doon namin pinagpatuloy ang mainit naming halikan.

===========================================

Don't forget to follow and vote. Pag di kayo nagvote bibitinin ko kayo ng matindi. Sige kayo. Hahahaha

My Elementary SeriesWhere stories live. Discover now