My Freshmen Series ... (Chapter 30, The End and the Start)

4.6K 177 11
                                    




Namiss niyo ba ako?

So this is it I guess...

=====================================

Gulat, takot, kaba, halo-halong emosyon ang nadatnan ko sa bahay ni Kuya Gilbert.

Nagkatitigan lang kaming lahat, mga magulang ko, kuya ko, mga kaibigan ko.

Inakbayan ako ni Rod.

"Gel, sino sila?" bulong nito.

Di ko siya sinagot. Pumunta ako sa gilid ni Kuya Jay. Sumunod naman ang dalawa kong kaibigan.

"Kuya..." tawag ko sa kanya.

Di siya sumagot.

"Gel... pwede mo bang palabasin ang dalawang kaibigan mo?" sabi ni Kuya Jay.

"Ayoko... dito lang sila." panindigan ko.

"Gel... please lang... usapang pamilya to." tiim niyang sabi.

"Pamilya? Kuya naman, nagbibiro ka ba? Gaguhan to kung sabihin mong usapang-pamilya ito. Ang pagkakaalam ko wala na akong pamilya." malakas kong sabi sa kaniya pagkatapos ay tinapunan na ng matatalim na tingin ang mama at papa namin.

"GEL, PLEASE LANG!!!" sigaw ni Kuya Jay.

"AYOKO!" pasigaw ko ring sagot.

Tumayo si Kuya Jay at sinuntok ako sa tiyan.

Napaupo ako sa ginawa niya.

Nakatayo lang siya habang dinaluhan ako ng dalawang kaibigan ko.

Maya-maya pa ay tumayo uli ako.

"Pamilya nga kayo. Wala kayong pakialam sakin. Sanay na akong nasasaktan sa pamilyang ito." sagot ko uli sa kanya.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo?" dugtong na ng mama ko, napatayo na ito.

"Hiya? Bakit? SIno kayo para mahiya ako? Naubos na ang hiya ko nung napahiya ako at wala kayong ginawa para sa akin. Dahil lang sa nalaman niyong bading ako at may relasyon kami ng bestfriend ko ay ipinagkanulo niyo na ako bilang anak niyo? Anong klase kayong magulang?" sumbat ko sa kanila.

Tumayo din si Papa.

"Ikaw ang may kasalanan." sumbat din nito.

"Ah ganun? Oo, alam ko na iyon. Wag niyo nang ipaggitgitan. Kaya nga para di kayo mapahiya at ang hijo de putang pamilyang ito, umalis na ako di ba? Ngayon? Ano'ng ginagawa niyo dito? Tahimik na ang buhay ko. Wag niyo na akong guluhin. Maawa na kayo. Masaya na ako dito. Masaya na kami nina Kuya Gilbert." sabi ko.

Natahimik silang tatlo.

Napansin kong kumalma si Kuya Jay.

"Gel... iyon ang dahilan kaya kami andito." sabi nito.

"Bakit Kuya? Ano'ng meron? Ano'ng nangyari kay Kuya Gilbert?" tanong ko.

"Wala naman. Okay si Gilbert. Walang nangyari sa kanya." agad na sagot nito.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Gel... nalaman nang mga magulang niya na may kasama siya dito sa bahay niya. Napansin nila na lumaki ang gastos nito at ang perang wini-withdraw nito sa ATM ay halos dumoble kaya napag-alaman nilang may kasama nga siya dito. Pina-surveillance kayo ng papa niya at nalaman nga na andito ka. Kaya siya pinauwi sa kanila. Tumawag sa akin si Gilbert at sinabi niya ito. Pinapunta niya ako dito para sana sabihin sayo kaso..." sabay tingin nito kina Mama at Papa.

"Kaso, nakwento na sa amin ito ng papa niya. Nauna kami dito at nagulat din kami nang dumating dito kanina na andito din ang kuya mo." si Papa

Matalim na tinginan ang sumunod kina Kuya at Papa.

My Elementary SeriesWhere stories live. Discover now