My Freshmen Series... (Chapter 27, Review Overnight)

5.1K 174 15
                                    

Hope you enjoy.

=========================================

Pagkatapos ng matinding Halloween Party na iyon ay wala nang masyadong nangyari sa amin nina Mike at Ryan. Naging civil lang ang pakikitunguhan namin sa choir room dahil ako man din ay busy kasama sina James at Rod dahil nag-rereview kami.

Malapit na ang na-delay na 2nd Grading exam kaya ayun kailangan naming mag-review.

Ako kasi ang tao na ang review ay review. Naiinis kasi ako sa mga kaklase ko na ang review nila ay aral talaga. Iyong tipong pag sa klase ay parang naiintindihan nila ang sinasabi ng guro tapos pag tinanong kung may tanong ay walang magtatanong. Tapos pagdating sa bahay ay magbabasa ng notes nila at magtatawagan sa kaklase nila at magpapa-explain dahil di nila naiintindihan.

Salungat naman kami nina James at Rod, mahilig kaming magtanong kapag patapos na ang klase dahil ayaw ko kasi na pagkatapos ng klase ay magtatanungan dahil di naman ako sigurado kung tama ang sinasabi o paliwanag ng iba. Mas mabuti na iyong sa teacher ka na magtanong.

Kaya pag sinabi namin review, di yun nagbabasa. Close notes muna. Para kaming nasa quiz bee na tatlo, pukulan ng tanong at kapag di nasagot o alam ay saka lang titingin sa notes.

Ginagawa naming laro ang review para di boring. Ang ginagawa nga namin ay kapag may nakalimot ng sagot ay lalagyan ng lipstick sa mukha. Ginamit pa naming lipstick yung lumang lipstick ni Tita Monette, nanay ni Rod. Medyo may kalumaan na kaya medyo mabaho at makati sa mukha. Parusa talaga yun lalo na kapag nalagyan ka sa ilalim ng ilong mo.

"O paano? Sa Sabado ha? Bahay tayo. Punta na lang kayo dun, mas maaga mas maganda. Para marami tayo magawa." Paalala ni Rod sa amin.

"Oo sige, dala na rin akong chichirya." sabi ni James.

"Sige, papaalam lang ako kay Kuya Gilbert para ihatid na rin ako." sabi ko.

"Sino ba andun sa Sabado? Andun ba mga makukulit mong kapatid?" tanong ni James kay Rod.

"Naku, wala sila dun, pupunta ng probinsiya, makikipaglamay daw ng Sabado dahil sa Linggo na ang libing ng bestfriend ni Mama." Paliwanag ni Rod.

"Ahhh." Sabay pa naming sagot ni James.

"Kaya nga dun tayo e para alam nila na magrereview tayong tatlo. Yoko sumama sa San Jose. Layo nun e. Antique (Katabing probinsiya ng Iloilo) na kaya yun. Kakapagod ang biyahe tapos masyado nang probinsiya. Kaya nga pinayagan akong maiwan e." ngingiting sabi ni Rod.

"So pwedeng mag-overnight dun sa inyo?" tanong naman ni James.

"Oo naman. Kilala ka na ni Mama e. Nagpapaalam ka pa. E ilang beses ka nang nakitulog dun e. Gago." tatawa-tawang sagot ni Rod.

Inakbayan siya ni James at nagkulitan ang dalawa na parang mga bata.

Tawanan lang kami.

"Ikaw Gel, gusto mo ba mag-overnight sa bahay? Okay lang yun. Kilala ka na rin naman na ni Mama di ba? Okay ka nga sa kanya e." anyaya ni Rod.

"Di ko lang alam. Magpapaalam pa ako kay Kuya Gilbert baka kasi di ako payagan nun e. Alam naman niya kasing di na natin kailangan ng review e." paliwanag ko.

"Kunsabagay.." sang-ayon ni James

Nagtinginan sina Rod at James. Parang nakita kong medyo matalim ang tingin ni Rod kay James. Sabay baling ulit sa akin ni James.

"Ako kakausap dun. Mamaya pag-uwi kakausapin ko." sabay kindat sa akin ni James.

Iyon nga ang ginawa ni James. Paglabas namin ng school ay nagmadali ito patakbo kay Kuya Gilbert.

Habang kinakausap ni James si Kuya Gilbert ay kinakabahan ako. Madaling makaamoy si Kuya Gilbert at alam ko na ang unang papasok sa isip nito ay delikado ako sa dalawang guwapong lalaking ito.

Palingon-lingon si Kuya Gilbert sa akin habang si James naman ay walang tigil sa pagngiti habang kausap ito. Ginagamit ang karisma niya dito. Natakot ako bigla na baka magustuhan siya ni Kuya Gilbert. Biglang sinaway ko ang sarili ko sa isiping iyon.

"Ano ka ba Angelo. Di ka naman ipagpapalit ni Kuya Gilbert kay James kahit na sobrang cute nito. Ikaw kaya mahal ni Kuya Gilbert." naisip ko.

Biglang tinutulan ko ang sarili ko.

"Bakit ka ba nagsiselos e di naman kayo ni Kuya Gilbert. Kahit na sino pa lapitan niya wala kang karapatang magselos." saway ng isa ko pang isip.

Natatawa ako dahil iba ang iniisip ng utak ko.

Maya-maya ay tumakbo na papalapit sa amin ni Rod si James. Nakangiti ito. Alam na namin na nanalo siya kay Kuya Gilbert.

"Paano ba yan? Pumayag si Kuya Gilbert. May utang ka sa akin Rod." biro ni James.

Napakunot tuloy ang noo ko.

"Utang si Rod? Bakit? Di ba dapat ako?" sabad ko.

"Ay, oo nga pala. Ikaw." Sabay ngisi ni James kay Rod.

"O paano? Bukas ha?" si Rod.

"Sige. Kitakits bukas." paalam ko sa kanilang dalawa habang tumatawid ako papunta sa kotse ni Kuya Gilbert.

Nilingon ko pa sina James at Rod at nakita kong binatukan ni Rod si James.

Natawa ako.

Pagpasok ko sa kotse ay inasahan ko nang pag-uusapan namin agad ni Kuya Gilbert ito.

"Kailangan niyo ba talaga mag-review?" bungad nito.

"Feeling ko kailangan ko. Kasi naman naging busy ako lately sa extra-curriculars eh. Pero kung ayaw mo po okay lang sa akin." sabay hawak ko ng mahigpit sa braso niya.

Ansarap talaga hawakan ang matipuno nitong braso.

"Hindi. Okay lang sa akin yun. Mabuti nga iyon ay may mapag-iiwanan kita e. Aalis kasi ako bukas uuwi akong Dumarao kasi pinapauwi ako ngayong weekend ni Papa." kuwento nito.

"Talaga? Bakit daw?" curious kong tanong.

"May party yata ang partido nina Papa e." sabi nito

Natahimik ako.

"Ah, oo nga pala. So andun din sina Lolo mo." hinawakan ako nito sa baba. Ngumiti lang ako.

Alam niyang malulungkot ako pag pinag-uusapan ang pamilya ko.

Inakbayan ako nito, niyakap at niyugyog.

"Mabuti na lang may study group kayo bukas at least di ka malulungkot pag wala ako." sabi nito.

"Siguro nga." sang-ayon ko na lang.

Sa isip ko, mabuti na nga lang andito ka.

===========================================

Last night in Iloilo. Back to Manila na ako tomorrow. 😢😢😢😢😢 Nakakalungkot. 😢😢😢😢😢

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon