CHAPTER 5

2.8K 41 0
                                    


-AFTER A MONTH NG KA-WEIRDO-HANG PANLILIGAW AT AWAYAN-

At eto na nga. Kami na. Sinagot ko na sya. Pano ba naman nakailang tago ako sakanya pero lagi nya akong nakikita, minsan bigla nalang syang bubulagta sa tapat ng gate ng bahay namin. Nahampas ko pa nga sya ng walis one time eh. Pano ba naman umakyat sa bintana ng kwarto ko alas-nuebe ng gabi, syempre nagulat ako. Eh yung study table ko dun nakaharap, sakto nagrereview ako nun. Paghampas ko sakanya ng walis nahulog sya sa sanga ng puno na tinutung-tungan nya. Isang linggo yata sya sa hospital nun. Ang kawawa kong Yohan.

Bzzzt bzzzzt ..

Message from: My Labs Yohan (hehe wag kayong ano, my labs tawagan namin)
Mamayang hapon 3pm. Sa may park. May dala akong foods. :)

Reply to: My Labs Yohan
Ciigueh phowszx mhay Lhuabx. Cii u Latuuuur.
(Ah buset ! Di ako ganyan mag-text !)

Sige my loves, see you later. :)

SEND.

-SA PARK-

Pagdating ko dun, kumpleto na lahat. Naka-set up na. Ako nalang kulang.

"Oh, bat di ka nagsabi? anjan ka na pala My Loves. Halika dito upo ka na"

"Ah eh, naiwan ko kase mobile ko ... wow ! Ikaw gumawa ng mga yan?" Umupo ako sa tabi ni Yohan.

"Yes I am. Sana magustuhan mo" Sabay halik nya sa pisngi ko.

"Aww.. t-teka ang bilis mo naman" Nag-blush ako bigla.

"Alin? Pang ilang kiss ko na naman sayo yun ah"

"Hindi yun, ang bilis mo naman kako, nakakain ka na agad" Napatingin kami pareho sa isang plato na nakatabi na sa gilid. Platong kinainan ni Yohan.

*Pansamantalang katahimikan. Insert cricket sound*

"Sorry na My Loves, sabi ko kase 3pm tayo magkita, 4:30 na eh"

"Hahaha ! Okay lang noh. Nagpagutom kaya ako para dito sa foods mo. Buti nga di mo ako sa condo mo yinaya kumain eh hahaha!" Sabay subo ng hotdog ni Yohan.

(Wag kang green. Alam ko nasa utak mo) HAHAHA !

-OH KAY BILIS NG PANAHON. ISANG TAON NALANG GA-GRADUATE NA KAMI. PERO SA DI INAAASAHANG PAGKAKATAON NAGKALAYO KAMI NG SCHOOL NI YOHAN MY LABS KO DAHIL LUMIPAT SILA NG BAHAY. PERO NANGAKO NAMAN KAMI SA ISA'T-ISA NA WALANG MAGBABAGO-
(Teka bakit ba naka-capslock/Bold ito? Nakaka-tense tuloy basahin)

Tuloy tayo sa kwento ...

Naging classmates ulit kaming tatlo nila Jam at Sid. :) YEHEEEEY ! Pero ang sad news ay ....... Lumipat ng school si My Labs Yohan ko. Pero nagpramis naman kami na kakayanin namin ang LDR. (Kahit 30mins lang away ang layo ng bahay namin sa isa't-isa)

Bzzt bzzt..

Message from : My Labs Yohan
My Loves, Di na muna kita ulit masusundo ngayon ah. May practice kami sa Basketball eh, alam mo na para sa intrams. Ingat ka pauwi ah.

Reply to : My Labs Yohan
Ganun ba? Okay lang. :) Sasabay nalang ako ulit kela Jam at Sid. Ingat ka rin. Wag papaka-pagod.

TOTGA || CompletedWhere stories live. Discover now