FINALE

4.6K 72 8
                                    

Krisha and Yohan went to Australia pagkalabas ni Krisha sa hospital. Mag ma-migrate nadin yata sila dun, hinihintay lang yung kasal nila. Oo tuloy na tuloy parin ang kasal.

Dun na din sya nagpapagaling at tinutulungan sya ni Yohan dahil di pa nya matanggap ang pagkamatay ng baby sa sinapupunan nya na ako ang may kasalanan.

Pero kahit kailan hindi ako sinisi ni Krisha, she still looked at me as if karapat dapat kong maramdaman ang kabutihan nya. Pero syempre kahit sabihin nyang wala akong kasalanan sa pagkamatay ng baby nila ni Yohan, sarili ko parin ang sinisisi ko at siguro habang buhay kong dadalhin sa puso ko yon.

Mayroon talaga syang ginintuang puso. And she deserves to be happy.

No, they both deserve to be happy.

1 year na ang nakakalipas.

I've decided to stay dito sa Pilipinas and move on with my life.

I spent all my money sa Pagta-travel.
Nagtatravel ako mag-isa.
Umaakyat ng bundok,
Nililibot ang buong pilipinas,
Pumupunta sa pinakamalayong parte ng bansa para lang huminga ng malalim.
Nakikisalamuha sa iba't-ibang mga taong hindi ko kilala,
Masarap palang makipag-usap sa mga stranger along the way.
Yung masasabihan mo sila ng kwento ng buhay mo, mashe-share-an mo ng thoughts mo. Iba't -ibang advices ang ibibigay nila sayo pero iisa lang ang meaning ..

"Life is short, be happy"

Joyride ang trip ko ngayon. Full tank, Walang sure na lugar na pupuntahan, Madaming snacks na dala, sound trip to the max, kumot, pillow at syempre si Yochi. Yung regalong Puppy sa akin noon ni Yohan na Kasing laki ko na pag-tumatayo ngayon.

Di ko alam kung hanggang kailan ko balak gawin ito. I just wanted to feel alive again.

Past 9pm na. Heto kami ngayon ni Yochi, nakahiga sa damuhan, habang yung sasakyan ko ay nakaparada sa tapat ng isang malaking puno sa di kalayuan.

"Kailan ko ba huling nakita ang mga stars ng ganito kalapit? Kailan ba ako ulit naging masaya? Namimiss ko na maging masaya. Paano na nga ba ulit? Nakalimutan ko na."

Bulong ko sa sarili ko.

I closed my eyes and I shouted " I WISH TO FORGET HIM AND MOVE ON WITH MY LIFE !"

Nakakatawang isipin na yung wish ko nung Grumaduate ako ng High school ay same parin ng wi-nish ko ngayonkahit ilang taon na ang nakalipas.

Then, I smiled ..

"I guess it's time to go home" :)

———

"WELCOME BAAAAACK !"

Pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin ay nagulat ako, kumpleto sila sa bahay.

Sila Sid, Jam, Daddy, Si mommy umuwi din pala ng Pilipinas kase nag-aalala sa akin.
Si Serra and some of my workmates noon sa Dubai na nakabakasyon sa pilipinas ay pumunta rin sa bahay namin. At si ...

"Hi .. Janine?" Nakangiti nyang sabi sabay abot ng kamay nya.

"So you're that man?" Pabiro kong sabi sabay abot ng kamay ko.

"Yes, I'm that man" sabay tawa namin pareho.

Tumakbo sila Sid at Jam papunta sa akin at yinakap ako.
Ganun din sila Daddy at mommy.



"I'M HOME ..."


--------------------------------------------------------------------

A/N:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions. and don't forget to VOTE and follow. :)

Pls support my other stories as well.

-IF IT'S MEANT TO BE, IT WILL BE-

Much Love ! Thank you for reading ! XOXO

TOTGA || CompletedWhere stories live. Discover now