CHAPTER 9

2.8K 49 0
                                    

Pumapasok parin ako sa office pero nag laylo na muna ako sa pag lapit kay Yohan.

I acted normal for a week.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, may nag trigger na naman sa aking kumilos.

While walking down the hallway, napalingon ako sa baba.
"Hi Yohan !" Sabi ng isang balingkinitan na babae at kumapit bigla sa braso nya.

Pssshh .. Never naging type ni Yohan ang mga babaeng katulad nya manamit.
Hindi nya ie-entertain yan. Hahaha. I know him.

"Hi, How are you? It's been a while, you look great !"

At nag-beso sila.

AAAAAHHHHHH !

SERIOUSLY? Yohan? Kelan ka pa natutong pumuri ng mga ganyang babae? At kinausap at bumeso ka pa talaga sa kanya? Ganyan na ba talaga kalaki ang pinag bago mo? Hindi na ba talaga kita kilala?

At lumabas sila ng nakalingkis parin yung braso nila sa isat-isa.
Looks like matagal na silang magkakilala.

So, sya ba yun?
Sya na ba ang bago mo kaya nilalayuan mo ako?
Matatanggap ko naman eh.
Pero sana ..
Sana naman pumili ka ng ka-level ko.
Ganyan ba ang ipapalit mo sa akin?

Huhuhuhuhu...
Tumalikod na ako at pupunta na sana ng cr ng may bigla akong maalala.
Biglang nag-flash back sa memory ko yung 11th grade kami.

Teka, yung babaeng yun, yung pagkakalingkis nya sa braso ni Yohan,
Hindi kaya? ODK ! Sya nga ! Sya nga yung haliparot na seeweed na lumilingkis may Yohan ko nung Birthday ni Jam !

Hahahahaha !

Parang biglang my hangin na umihip sa akin.

Inayos ko ang itsura ko,
Naglagay ng lipstick na lagi lang nasa bulsa ko.
After nun tinanggal ko ang suit ko,
Then inilugay ko ang mahaba kong wavy na mabango at makintab na buhok.

Then tumitig ako sa camera ng fierce look habang nililipad-lipad ang buhok ko.

At nagsimula akong lumakad ng pang Miss universe.

Bibigyan ko sya ng magandang laban.

Hindi sya mgtatagumpay sa pang aahas kay Yohan.
MWAHAHAHHAA !

Nakatitig lang sakin lahat ng makasalubong ko at binibigyan nila ako ng daan.
Ngayon nyo makikilala ang totoong DANINE.

MWAHAHAHAHHA !

———

"Oo beb yun nga ! Yung seeweed na yun ! What? Alam mo san sya nakatira?
May pa-birthday sya next week sa bahay nila at invited ka? Grabe parang ayaw na kitang maging friend. Bat mo ba finifriend mga ganyang tao. Hahaha oo na, at least naka tulong ka sakin ngayon. Sige Jam thanks"

Since may pa-birthday sya for sure pupunta din dun si Yohan.

At syempre kahit di ako invited pupunta din ako, ano sya sinuswerte?

-Birthday-

Naka-wig ako ng maikli para di nila makilala.
Sosyal ang party nya infairness.
Naka suot ako ng long fitted gown na may slit na super haba.
Kaya kitang-kita ang sexy kong legs. Hahaha. Syempre proud ako jan.

Naka-shades din ako, syempre yung bagay naman sa OOTD ko. Para lang di nila ako makilala. Kasama ko sila Jam at Sid dahil baka kailanganin ko ng back up & not to mention na invited si Jam sa party na to kaya sya nandito.

J: Uy, ang haba na ng leeg mo jan kakahanap. Antayin mo nalang. Dadating din si Yohan noh.
S: Hahaha. Oh, inumin mo to.
Me: Di lang kase ako mapakali eh. Pupunta kaya sya? Tingin nyo?
J: Based sa kwento mo nung nakaraan, kung sila nga, sigurado pupunta yun si Yohan.
Me: wag mo nang banggitin na SILA, gigil na ako ah.
S: Oh oh, ayan na si Yohan ! Wow may pa-flowers pa si Mayor !
J: Feeling ko may something nga talaga sakanila Danine.
Me: (Sinasakal na yung waiter)
S: HOY ! Jusko ano ba yang ginagawa mo !

After ng speech ng may lamay este birthday ay nag umpisa na ang tunay na party.
Magkakasama sila sa VIP table. Marami silang nakaupo sa long table na yun. Mga 8 siguro sila. Magdamag silang nagtatawanan.

Nakakailang shot na ako kaya mejo tinamaan na rin.

J: Ano, balak mo parin ba syang kausapin?
S: Wag mo na kaya ituloy yung pinaplano mo Beb. Baka mapahamak ka pa eh. Lasing ka na oh.
Me: Wala ba kayong tiwala sakin?

Tumayo si Seeweed sa kinauupuan nya at mukang papunta sa terrace, may kausap sya sa phone.

This is the time.

Ininom ko muna yung laman ng brandy glass na hawak-hawak ko at sinundan ko sya.
Di napansin nila Jam at Sid na umalis ako kase busy sila sa pagte-take ng pictures.

Sakto wala naman ibang tao sa terrace.

Pagkatapos nyang kausapin yung nasa phone, pumwesto ako sa likod nya.
Pagkaharap nya sakin ...

"MY GOOOOSH ! Ginulat mo ako ! Sino ka ba? Invited ka ba dito sa party ko?"
Tinanggal ko ang shades at wig ko.
"Happy birthday" naka-ngiti kong sabi. Pero nag aalab ang mga mata ko sa inis.
"D-danine? Why are you here?"
"Isang tanong isang sagot. Kayo ba ni Yohan ?!"
Napa-ngiti sya bago magsalita.
"Well, Ms.Run-away-bride ano naman sayo kung sabihin kong kami?"
Hinawakan ko ng isang kamay ko ang buhok nya at hinigit mula sa anit.
"Sabi ko, isang tanong isang sagot !"
"Ouch ! What are you doing ! Let go of my hair !"
Binitawan ko sya pero natumba sya sa sahig.
"You're crazy" pagtutuloy nya.
"Oo baliw ako ! Dahil pinakawalan ko pa si Yohan ! Kung alam ko lang na sa katulad mong seeweed sya mapupunta sana hindi ko nalang yun ginawa ! Ang tanga-tanga ko !" Then I started to cry.
"S-seeweed? How dare you call me seeweed !"
"Umuwi ako ng Pilipinas because I wanted to apologize sa kanya kase alam kong nasaktan ko sya. Pero the moment na nakita ko sya I feel selfish again, I want him back. Ayokong makitang may ibang nagpapasaya sa kanya. Ang sakit. Parang mamamatay ako. I just want him back"

Sobrang lasing na ako.

Di ko na alam ang mga pinagsasasabi ko.

"You really think na may relasyon kami ni Yohan?"

Biglang napatigil ako sa pag iyak.

"Kahit anong iyak ang gawin mo jan .. Di mo na sya maibabalik ng buo pa sa yo"

"Wh-what are you talking about? Di kita maintindihan"

"Magpapakasal na si Yohan at magkaka-baby na sya"

Nung moment na yun parang nabasag na ng tuluyan ang puso ko.

"Oh, here she is ..." at tinuro nya ang isang babae na kanina pa pala nakatingin sa amin.

Di ko napansin ang dami na palang taong nakapalibot sa amin muka sa likod.

Lumapit sya sa babaeng sinasabi nyang mapapangasawa ni Yohan.

"Pinapakilala ko sayo ang aking Pinsan, ang kaisa-isang ina ng magiging anak ni Yohan .. and his SOON-TO-BE-WIFE. Walang iba kundi si KRISHA"

Dahan-dahan akong lumingon.

Si krisha, nakayuko sya.

Teka, You're joking right ? This isn't true.
Dala lang to ng kalasingan ko. Tama.
Hindi ito totoo.

Napalingon ako kay Yohan na katabi si Krisha. I can't believe my eyes. Yung mga suot nila parehong may touch of Gold ang design. Halatang couple sila.

Sa sobrang bigat ng puso ko tumakbo ako,
Di ko alam kung san ako pupunta.
Gusto ko lang tumakbo palayo.
Malayong malayo sa kanila.
Malayo sa lahat.
Kung pwede lang matakbuhan pati yung sakit.
Pwede ba yun?

Kase ayoko ng makaramdam pa.

Hanggang sa ...

"NOOOOOO !"
"AAAAAHHHHHH!"
"OH MY GOOOOOD !"

Naririnig kong hiyawan ng mga tao.

BOGSSSSHHH !

-End of chapter 9-

A/N:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions. and don't forget to VOTE and follow. :)

TOTGA || CompletedWhere stories live. Discover now