CHAPTER 10

3.3K 66 1
                                    

-AT THE HOSPITAL-

"Danine ! Thank God you're awake !" Sabi ni Jam na mangiyak ngiyak pa.

Sigurado gutom ka na.

Hinandaan ako ng pagkain ni Sid.

Umupo ako dahan-dahan sa higaan ko.

"Ayan nga pala yung bag mo. Naiwan mo nung tumakbo ka"

"Salamat"

"Buti naman di malala ang pagkakabunggo sa inyo. Kundi baka pinaglalamayan na namin kayo ngayon .. kaso .."

"Kayo?"

tumahimik lang silang dalawa.

"Nga pala kung okay ka na. After mo kumain may gustong kumausap sayo"

"Sino?"

"Ako" boses ng isang lalaki na kakapasok lang sa kwarto ko.

Si Yohan. May dalang flowers.

I started to cry again.
Iniwan na kami nila Sid at Jam.
Umupo sya sa bed ko without a word.

I hugged him so tightly. Oh how I missed to do this. Twing naaamoy ko yung pabango nya nagbabalik sa akin yung nakaraan kung pano kami nag-simula. I just missed him a lot. Ayoko ng umalis sa pagkakayakap ko sa kanya. Pwede bang ganito nalang kami?

"I'm sorry" pabulong nyang sabi.
"No ! Ako ang dapat humingi ng sorry"

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap.

"Alam kong may gusto kang sabihin sa akin noon sa enchanted kingdom. Pwede ka ng magsabi ngayon" Sabi nya habang nakayuko.

Siguro nga ito na yung moment na matagal ko ng inaantay para makapag explain sa kanya.

Pero naisip ko, mahalaga pa ba? May reason pa ba? Kung alam kong wala na din namang kwenta. Kaya ang importante nalang ay makahingi ako ng tawad sa kanya.

I just smiled at sinabi ko sa kanyang "I'm Sorry for everything" I know deep in his heart naintindihan na nya yun.

We both smiled.

"Do you love her?"

He just looked at me.

Isa sa pinaka masakit na tingin ay yung tingin ng taong minahal mo na alam mong hindi na ikaw ang mahal ngayon.

"I guess your answer is yes" I smiled at him.

At nag-umpisa na syang mag-kwento.

"I can't blame you kung iniisip mong selfish ka. Kase I've also done the same. I know the feeling. Naging selfish din ako sa isang taong buong buhay nya sa akin nya lang pina-ikot. Di ko napapansin ang mga ginagawa nya para sa akin kasi iniisip ko nanjan lang naman sya lagi kahit di ko sya hanapin. I took her for granted kase iniisip ko na normal lang syang babae, na wala syang pinagkaiba sa iba, na makakahanap pa ako ng mas higit sa kanya.

I met her sa isang di inaasahang pagkakataon.
Yun yung day na di ka sumipot sa kasal natin.
Naka-suot pa ako ng tuxedo nun. Tapos nandun ako sa bar umiinom.
Lasing na lasing na ako that night. Gusto ko na din tumalon sa tulay.  Wala eh. Di ko na alam ang gagawin ko nun. Hanggang sa dumating sya at sinagip nya ako, Kahit halos parehas kami muntik ng mahulog nun kase hindi nya kaya yung bigat ko.

Kung hindi siguro nya ako sinagip noon wala na ako dito.

Kaya naisip ko na utang ko sa kanya ang buhay ko.

I gave her all that she needs, kase galing sya sa mejo hirap na pamilya.

Bumili sya ng gamot nung gabing yon para ibigay sa nanay nyang may sakit,
At nalaman ko na yung bitbit nyang pera ay last money na pala nya. Isipin mo yun? Yung last money nya nagawa nya pang ipambili ng mapapakain sakin sa lugawan para daw bumaba yung tama ko at pinangbayad nya sa taxi para mauiwi ako sa bahay. Kahit di nya ako kaano-ano. Buti nalang dala ko wallet ko nun kaya nakita nya address ko.

TOTGA || CompletedWhere stories live. Discover now